hindi ako si blu eye!

Putik

 

naranasan mo na bang magtampisaw sa putikan?

ha?

imposible yata yun ah…di ba dapat sa ulan.

kasi ako, kahit sa putikan kaya ko.

subukan mo,  para ring nasa ulan.

pano mo namang nasabi na pareho?

ang ulan nakakalinis…

pero ang putik nakakabigat pag tuyo at marumi.

ako, para sa akin parehas lang.

walang pinag-iba.

so, walang masamang tinapay sa iyo.

oo naman, kahit saan pa man galing yan basta pantawid-buhay.

di ko maintindihan?

may mga bagay sa mundo na di talaga maintindihan.

kita na ang hubad na katotohanan,

pero pilit paring iwinawaksi sa isipan.

eto ha…anong kulay to?

pula.

hindi asul.

eh sa pula…

tingin ko asul, kasi yun ang ibig kong paniwalaan.

labo naman.

hindi.

dayain mo lang ang katotohanan.

subukan mo.

di ba mas magaang tanggapin ang lahat?

ang labo mo.

hindi.

simple lang naman ang buhay.

bakit kasi ginagawang kumplikado.

pagpikit ng iyong mga mata.

sa iyong pag-iisa.

ano ba talaga ang nakikita mo?

yun pa rin! wala namang nagbago.

sige alis na ako.

bye.

hintay lang ..

wala na nilisan na nya ako..

ang pula ay pula.

hinding pwedeng maging asul.

yun ang bulong nya sa akin.

ay, oo nga pala..ang kakambal kung makulit…

konsensyayan ang tawag sa kanya!

This entry was posted in blu, bugtong, buhay. Bookmark the permalink.

44 Responses to hindi ako si blu eye!

  1. hitokirihoshi says:

    lalim ah, di ko ata naarok.

    pero ayon s aking pagkakaintindi at opinyon. dapat irespeto ang trip mo ng iba… right mo yun e. pero ang realidad o katotohanan ay hindi nababago, gaya ng mali ay hindi naitutuwid ng isa pang mali.

    ang siste na lang diyan ay kung paano mo patutunayan ang iyong sarili sa realidad at paligid mo na kakaiba sa tingin mo. (wah parang naguluhan din ata ako sa sagot ko a. na-get’s mo ba kuya?)

  2. livingstain says:

    bakit kaya nilikha ang konsensya… kuya salamat sa pagdadagdag saken sa last last entry mo ha.. tnx

  3. .poOt! says:

    astig! naka-relate ako dun ah… pero kunti lang. kunting kunti.

    cheers!

  4. maccallister says:

    parang safeguard commercial nun araw a!hehehe

  5. flamindevil says:

    naks.yun yun eh.may twist sa dulo.hehe

  6. dhyoy says:

    haizzz… marami kasi sa atin kitang-kita na hindi pa makita… baket kamo?! eh kasi kunwari walang nakita… nagbubulag-bulagan… patay malisya…

  7. bipolarsisa says:

    kuya blu! wala bang premyong ice cream dyan? hehe.

    hay konsensya..tsk..

  8. dencios says:

    boss blu ang tao ganiyan talaga. hanggat hindi nkikita ang katotohanan, mabubulag at mabubulag iyan. hindi natin masisi kasi insticnt ng tao yun para matuto. hindi naman tayo perpekto. we r bound to make mistakes hindi ba?

  9. qshimai says:

    ui, padaan po.. hehe, di ko rin nahulaan.. hehe!🙂 paadd po ko sa list.. thanks!

  10. Ax says:

    kaya pala di ko nakuha ang sagot, kase wala akong konsensya!

  11. dfish says:

    Ay naku, sa mga panahong binalewala ko rin tong kaibigan ko, kakambal, madalas, napasubsob din ako sa putikan. Mas madaling madapa, mas mahirap umahon. Ay naku (cathartic na rin to)…

  12. bernardumali says:

    “… dayain mo lang ang katotohanan”

    kaninong pagtingin ba ito. mahaba-habang inuman yan. lol

  13. darbs says:

    hahaha!
    good one blu
    good one.
    si konsensya pala.
    Wit ni blu.

  14. sandi says:

    haha.. sabi ko na nga ba eh.. ako ang iyong konsensiya.. hehehe sinabi ko ba ‘yon?😉

  15. Hehehe… Konsensiya nga…😀 May premyo ba sa nakahula Kuya Blu?

  16. anakngpating says:

    huwaaaaa…
    hmmmm…
    konsensya sagot ko biglang nawalan ng net ako kaya di ko na nasend hehe..
    joke..
    un pala yun hehe,,,
    ang layo ko sa sagot ko ah eheh..

  17. jason says:

    oi dapat may consolation ako malapit naman sagot ko!!

    hehheh

    syempre matalino sila bipolarsisa at si collwater. mga idol yang dalawang yan eh

  18. Winkie says:

    oh so, kunsensya pala ang sagot! napaisip tuloy ako😛

  19. ang bilis mo naman parekoy! salamat ha…

  20. Philmor says:

    Ganun nga talaga ang hiwaga ng buhay. Green ang kulay na gusto ko pero malimit blue ang kulay na sinusuot kung damit 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s