feeling blu

the week that was!

 i have been in a roller coaster situation last week. ika nga ups and downs of mixed emotions. sometimes i would be hit by a tinge of sadness, in other moments im extremely happy. hirap mag-adjust ng facial expression, noh!

emiìotionsmonday. depress-depressan ako. hindi ko alam! basta lang . gusto ko lang. at talagang may ganun. kaya kumain ako ng maraming saging…hahahah taka sila! sabi kasi sa research pag depress daw ang tao, kumain ng saging.

tuesday. normal ang buhay ko. nakangiti to the max ang kuya blu. ang ganda ng aura ng araw ko! mainit nga lang ang panahon. pero todo smile pa rin. ayaw ko na kasing kumain ng saging …hahahaha..kakasawa!

wednesday. busy ang kuya blu. may ginagawang preparation para sa meeting kinabukasan. di makausap ng matino. balisa. tuliro. nag-iisip. nakatingin sa wall clock. 5:44…..5:45…..5:55…..alas 6 pm….yehhhheyyyyy! uwian na.

thursday. madugong meeting na naman ang nangyari, kaso wala ako sa mode. eh pwede ba naman yun. so may i participate to the max, giving my comments here and there. brainstorming with the group kesahodang maglaglagan ang mga brain cells ko. eh wala pa ako sa mode nyan. kaya noong gabi after meeting, nag unwind na lang ako, sa sobrang pagod hirap matulog. nilunod ko ang aking sarili sa isang garapon ng beer..este iced tea with pizza…weird dapat nga beer pero feel ko iced tea..kasi ang init ng panahon!

friday. wala lang. deep silence……zzzzzz…..nakatulog si blu!

 saturday i got invited to witness (by special invitation) the concert of the hydraulic organ of Palazzo Quirinale. we were about 30 invited, naku talaga namang mahirap ang screening. days before we have to send our names at saka may mga background checking pang nangyari.  ang ganda ng experience, imagine the organ was built in the middle of the 15th century, at higit sa lahat di ko kayang idescribe ang intricate functioning ng organ through water and air. i did listen intently to the italian explanation, naitindihan ko naman, mahirap lang iexplain. maybe my lack of background in music.

quirinale 053

sunday. kahapon nakibertdey ako. masaya ang children’s party. imagine dito at seven years old, eh mala- prinsesa ang event. todo nakagown ang mga bata with matching 7 roses, 7 candles, 7 gifts…saan ka naman doon. hello eh 7 years pa lang ha…eh di lalo na pag 18..(karamihan dito sa hotel ang celebration). di ko kinaya ang event , magastos pala…hahahaha! pero ayos dami kong nakain..kaya pag-uwi di na ako nakipagtsikahan pa sa  mga friendship, nakatulog na kaagad ako sa over pagod!

today is another day!

two weeks a ago i did receive a note from some friends in manila about a common friend in a very bad situation. kaya sulat kaagad ako sa kanya..alam nyo na konting drama, pero with all sincerity naman. just this morning i received an email from this friend telling and assuring me that after a profound reflection sa mga nasambit ko sa sulat, sinabi nya na he is going back to the right side of his journey in life. ang saya ko.

im counting the days..july 31 uwi ako sa Pinas. pero i will be staying first in my hometown. bonding muna with my parents. imagine tatlo lang kaming magkakapatid, nagkalat pa sa iba’t-ibang sulok ng mundo: ako dito sa italya, ang kapatid kong isa sa UK at ang bunso sa Canada. Haysss, buti na lang may internet.

o sya wala lang talaga ako ngayon sa aking sariling-bait, kaya tagpi-tagpi ang aking post ngayon.

This entry was posted in blu, buhay. Bookmark the permalink.

78 Responses to feeling blu

  1. Pepe McKunat says:

    hahaha. baka naman sinabay mo talaga sa monday ang pagkain ng saging dahil alam mo iyon ang kinakain ng depressed??
    hahah.🙂

    buti hindi ka nasuka?
    get it! get it!
    :LOL:

  2. .poOt! says:

    kuya, bisita ka sa blog ko, ngayon na. may ipapakita lang ako.

  3. .poOt! says:

    ngayon, how do you feel?

  4. jason says:

    check lang kita
    feeling blu ka parin ba?

    heheheh good am

  5. enjoy says:

    natural na talga sa tao yung magpabago-bago yung mood. ako rin madalas ang mood swings. inisip ko nga noon na baka bipolar din ako (i-educate mo nga ako dyan bipolarsisa) dahil napadalas noon ang atake ng depression sa kin. pero di saging ang kinakain ko pag inaatake ako dahil di ako mahilig dun. nauumay ako. hahaa! tsokolate din tulad ni otep (na nag-switch na ngayon sa saging). bitter chocolate kaya healthy na, di pa sweet😉

    nakakainggit yung one memorable experience mo dun sa concert. i always wanted to witness such an event but never had a chance. you’re a lucky guy🙂

    at uuwi ka pala. malapit na yun. i bet super heksayted ka na. i’ll be coming home in september too pero mid-month na yun. sayang… di ako makakasama sa EB niyo.🙂

    have a great day always blu! God bless…

    • salamat sa comment ..tama ka i’m a lucku guy and i should claim that…hahahahaha….with JOSH as my guide…sayang naman di tayo magpang-abot……mid-september ka pa pala uuwi…eh nakabalik na ako nun….

  6. dhyoy says:

    pasilip… ngaun ko lang nakita yung pic nung Palazzo Quirinale ba yun… ang ganda naman…

  7. otep says:

    uu nga hirap tantyahin ang buhay..

    pag di nga ako nakatancha! tsk tsk.. bahala na Diyos ng kambing.

    kaw ba naman mag trabaho ng dalawa, tapos aral pa. tsk tsk..

    pero lam mo kaya nagpapakabusy ako para iwas emo pero wala pa din e..

    btw, at least parekoy may mga event ka pa ring napupuntahan di lang puro work..

    saka parekoy kinain ko pala saging mo NYahahahah (sagwa) i mean yung saging mo na unti-streessesssess.. medyo effective kasi di s’ya kasing tamis ng tsokolate.. at nakakapagpatigas pa ng tae* Nyahahaha binaboy ko na entry mo ha.. Nyahahaha.. sirain kasi tiyan ko so nakatulong talaga ang saging suggestion mo..

    thanks parekoy..

    teka san ka pala tutuloy sa Pinas.. Wow naman.. sana EB ebihan tayo.. pag uwi mo..🙂

  8. flamindevil says:

    minsan ako rin ganyan kuya blu..wala sa mood pero wala namang dahilan.

    btw,tuloy ba ang EB natin sa September?hehe

  9. dencios says:

    waaa. late na naman ako sa pag comment haha

    maganda yan smile lang ng smile🙂

    aba at ang daming magbabakasyon. boss blu i enjoy mo iyan at pihadong sasalubungin ka ng banners at tiliian ng mga fans at kaanak mo! enjoy life, smile at magpasalamat sa blessing!

    yang minsang na depress ka (o nalungkot) blessing din yan kaya FIGHT LANG!!

    • salamat naman pareng dencio….oo nakahanda na ang susundo sa airport….nagpapractice na rin ng todo ang mga marching bands….nakausap ko na ang mga stars ng magic circle….heeheehhehehhe…kulang na lang ang eroplano na sasakyan ko… di pa tapos gawin hehehehehe

  10. anakngpating says:

    huwaaa akala ko simbahan may mga santo kasi eheh.
    hehe..

    kuya uuwi kana hehe..
    paano yan update mo ko hane gagawa ako ng post na eb ulit hehe..
    excited..

  11. bipolarsisa says:

    waha. dahil bipolar ako, nakarelate ako ng sobra sobra dito. at dahil maulan, ayan, inaatake na naman ako. hehe. kasabay na rin ang katamaran.

    basta smile lang tayo..according sa facial feedback hypothesis ng kung sinong psychologist (hehe. di ko matandaan kung sino eh), naaapektuhan daw ng facial expression natin ang mood natin.😉

    wow. uuwi ka na pala kuya blu! wag mong kakalimutan ang pasalubong kong ice cream, vanilla flavor. haha. joke lang.

  12. joycee says:

    so may EB paguwe mo Kuya Blu?? Cheer up Kuya, God is with you🙂

  13. maccallister says:

    aba uwi ka na?haha saya niyan!

    natawa naman ako sa saging!nakakawala pala depression un?

  14. kapatid, ngayon pa lang binabati na kita ng welcome to the philippines!!!

  15. Nortehanon says:

    Magandang araw, kapatid. Pasensya na at ako ay madalas absent sa ngayon dito sa blogosperyo. Hanggang leeg ang mga trabahong dapat kong asikasuhin.

    I agree dun sa pagkain ng banana to combat depression. Totoo po yan. Hindi nga raw apple kung banana ang dapat kinakain araw-araw. Kung tama ang pakikinig ko noon kay Ernie Baron, ang sabi niya ay merong protina sa saging na nagiging serotonin which facilitates relaxation. Serotonin helps combat depression.

    Aba, you’re going back to pinas pala ha. Saya-saya siguro ng feeling mo😉

  16. bernardumali says:

    ayos lang na naging feeling blue kasi maganda naman pala natapos ang Linggo.

  17. Mon says:

    Hi pareng blu! di mo na ako magbabasa antok na ako masyado eh. balikan ko to later. hehe

  18. coolbutsmokin says:

    don’t feel blu, blu. heheh

    daan lang po. new blogger here

    http://coolbutsmokin.wordpress.com/

  19. anakngpating says:

    oo nga ang ganda nung simbahan astig…
    hays..naiingit ako sa inyo ..nakakakita kayo ng ganyang lugar at napupuntahan pa..

  20. anakngpating says:

    kuya alam mo bang uso dito yan sa pinas ang 7th birthday for girls parang 18th debut
    ganun din dito hehe..
    masaya talaga ang cute ng mga bata kung pwede nga lang makisali naku nakisali ako sa ganyan ehhe..

  21. livingstain says:

    kuya ang ganda ng simbahan… sana makapunta din ako jan….

    tandaan tomorrow is another day… awwwwww

  22. hitokirihoshi says:

    kung si madam imelda papin may isang linggong pag-ibig, si kuya blue may isang linggong iba’t ibang emosyon. oh dava kabog si madam. hehehe

    mabuhay sa iyo dyan kuya. i-feel mo ang dapat mo i-feel.

  23. Ax says:

    Blu, pag nalulungkot ka. Isipin mo na lang ang 1.) “My Italian Mind” at 2.) Seasonal Affective Disorder (SAD).

    I totally disagree with “My Italian Mind.” Knowing you, you won’t be lost just like that.

  24. gudang says:

    nung magsseven years old din ako, pangarap ko din dati yung parang debut nun! ahahahaha😀 too much to ask. okay lang kuya blu. DAHIL TAO ka, nakakaramdam ka ng iba’t ibang ganun, dapa ipagpasalamat na lang yun!😀 mwahmwah!

  25. hanep sa diary a di ako nabore basahin natural na natural at fel na fel hehe. WOw ang kuya blu pauwi na ng Pinas,hayyys kelan ko kaya mamimit ang mga tropa sa blog.
    Ingat po lagi ha.

  26. Hmmm… Salamat sa info Kuya Blu… Naconfuse ako ng konti kasi ang alam ko, Castel Gandolfo ang summer residence ng Papa… So nagkonsulta ako sa aking kaibigang si Wiki (wikipedia)… Hehehe… Ang Palazzo Quirinale pala ang ang DATING summer residence ng Papa at ngayon ay official residence ng President of Italy… Kamangha-mangha ka talaga Kuya Blu… Kaya pala by invitation lang ang pakikinig dito…😀

  27. sandi says:

    kapagod naman ang sched mo.. di bale konting tiis na lang magkakapag baksayon ka na!

    may natira pa bang saging?

  28. dhyoy says:

    hmmm… parang gusto ko tuloy kumain ng sangkaterbang saging! haha! buti ka pa bc… ako naghahanap nang gagawin… y lyk that.. tsk!

  29. Hectic nga ang iyong week kuya blu… so di namuna kita kukulitin sa aking pakontes… nacurious ako don sa hydraulic organ ah..

    • salamat saka ko na lang balikan ang pakontes mo hehehehhe…kailangan kasi iresearch ang answer meanin g back-read to the max hahahahaha..

      kakapost ko pa lang ng hydraulic organ

      • Salamat sa pektyur kuya blu… Ang ganda ng organ na yan… Kahit luma na, mukha pa ring makabago…😀 Dahil siguro sa makintab na metals…

        • AH YUNG PIPE NYA…PERO KAMANGHA-MANGHA TALAGA ANG TUNOG…. ang organ na ito ay nasa gitna ng dalawang fountains ng palasyo ng vatican noong araw…kaya lang nasequester ito ng govt. noong panahon ni Bonaparte…ito ang palasyong pang summer ng Papa nasa mataas na bahagi ng Roma. by the way pag nanood o nakikinig sila dito ng musika…nakaapak ang kanilang mga paa sa tubigan …..

  30. jason says:

    feeling blu ka nga sa hussle
    sa pagiging haggard..

    one week mo parang isang buwan na sa kin..
    hitik na hitik ang 1 week sa yo.

    at lastly yung
    frend mong may sakit…

    wag ka mag alala nandito naman kami para di kana
    feeling blue.. Acheche..

    hehehe

    SMILE!!! kuya blu

  31. dhyoy says:

    haizzz… hindi ka naman nabondat sa dami ng saging na nikain mo?… hmmm minsan talaga dumadating yun time na nagdedepress-depressan ang tao… haha… para maiba lang.. jowknezz! buti ka pa lapit na uwi… nainggit na naman si akow…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s