lola aubrey

bakit kasi tayo dito nagpunta?

huwag kang maingay!

Ayan na siya! Lola Aubrey…

lola

Ay ikaw pala Urduja…aba at kasama mo pa si Blu!

Inay, uwi na po tayo.

Sandali lang bata ka, huh!

Kumusta po si baby?

ay nabalitaan mo rin pala…nasa loob.

Balita ko kamukha po ni Jimboy.

Ay oo nga eh!

Hay sino ang mag-aakala na sa edad na ito…

70ย na po kayo….

magkakaanak pa ako….may asim pa nga!

pwede pong makita ang baby?

pasok muna kayo para magkape…

makalipas ng isang oras………

yung baby po, pwede na pong makita?

hintay lang tayo sandali….

eh kanina pa po tayo naghihintay ah!

inay, uwi na po tayo…

sandali na lang blu…dyaskeng bata ito ah…

AURING!….

ay sori po…lola Aubrey…yung bata po pwede na pong makita?

hintayin nating umiyak.

eh bakit po hihintayin pa nating umiyak?

nakalimutan ko kung saan ko nailagay!

ang mga tauhan po sa kwentong ito ay pawang kathang -isip lamang. kung meron mang pagkakahawig sa totoong buhay ay di po sinasadya at marahil nagkataon po lamang.

isinulat ng may-akda ng isang gabing di makatulog dala ng maalinsangan na panahon. ito po yung gabing iyon.

This entry was posted in blu, buhay, lola aubrey. Bookmark the permalink.

50 Responses to lola aubrey

  1. sassyassassin says:

    haha…panu kung naka-silent mode yung baby? tsk, tsk…patay-patay na…\m/

  2. joycee says:

    awww wawa bebe nakalimutan kung saan inwan๐Ÿ˜ฆ

  3. jason says:

    hhhhhhmmmmmmm

    nangangarap si lola aubrey na meron talaga syang isinilang na sanggol kahit wala naman. uhaw ba sya sa kanyang anak o apo kaya sya nagkaganyan?
    gumawa ba sya ng imaginary baby sa kadahilanang gusto talaga nya or
    medyo malapit na syang mabaliw?

  4. dhyoy says:

    dyaskeng matanda ito nalimutan kung san nilagay ang bata… haizzz naalala ko yung post ni flamindevil… yung bata ang nilagay sa microwave ahahay… y lyk that…๐Ÿ˜‰

  5. jason says:

    baka naman si lola aubrey ang tunay na`nanay nung baby

  6. Ax says:

    hi, napadaan lang, pabisita naman ito! atsaka ito!

    kung may time ka lang! salamat! hehe.

  7. bernardumali says:

    ay ang lola ulyanin, delikado yan, hanep sa boredom, lumalabas ang humor

  8. anakngpating says:

    haha tawa naman ako ng tawa sa bandang huli ang kulet ni blu hehe,..
    yaya ng yaya na uwi na …

  9. dFish says:

    Hahaha. Thank you for making me smile again Blu sa kabila ng maalinsangang estado din ng aking utak. So aged, so sweet a name – Aubrey (Auring, Abing, Aring,Abring)…

  10. Mon says:

    grabeh si lola aubrey buhay pa ang bahay-bata. hehe

    yung pers kras ko aubrey ang pangalan. asan na kaya sya ngayon!?

  11. Hehehe… Bakit pa kasi naghabol sa biyahe ng tren…๐Ÿ˜€ Ayan tuloy naiiwanan si baby sa kug saan-saan…๐Ÿ˜€

    Reminds me of Sarah and Abraham…๐Ÿ˜€

  12. bipolarsisa says:

    may alzheimers na si lola. hehe.

    pero sa totoo lang, medyo naiyak ako dito, kuya. bukod sa umiiyak talaga ako kanina bago ko pa ‘to nabasa, ewan ko, parang bigla lang akong nakarelate kay lola. naniniwalang nandyan lang ang isang bagay na hindi nakikita ng iba. parang baliw lang. hehe.

    pero malay natin, nandun naman talaga ang baby diba? hintay lang tayo..

  13. Ax says:

    kailangan na ni lola uminom ng gatas na pang memorize! hehe. huh? gatas na pangmemorize? ano yun?!

  14. sandi says:

    hala.. hanu ba yang bata ‘yan ah.. kung saan saan nagpupunta.. pinahihirapan si Lola

  15. livingstain says:

    and aubrey was her name, ang ganda ng kamay, parang bata pa…

    hi kuya paki hi na lang ako kay lola. ingatz sa malayo.

  16. aray ko okay na ang build up ng drama ni lola at apo eh. hahahaha!

    ganyan talaga nagagawa ng wala sa wisyo. mas nakakapag-kathang isip. hehehe

    mabuhay!

  17. .poOt! says:

    hehe. you never failed to make me smile… i mean LAUGH. hehe.

    surrogate mother ba yan?

    so, world record holder pala siya kung gayon.

    mas maasim pa sa suka si lola. kaya nga aubrey name niya diba?

    hehe.

  18. azul says:

    inpernes napangiti ako dun..heheparang celpon lang na kelangan pagringin para matunton.ahehe

  19. jason says:

    nasan ba si lola aubrey at
    may asim pa talaga sya??

    sino yung baby?

    bat naman nilagay ang baby kung saan saan

    pano kung nakatulog na yun at hindi umiyak??
    pano na? ano na magiging kinabukasan nung baby?
    sino may sala
    ang dokotor o ang ina?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s