aquilone blu

kite

magbubukang-liwayway pa lamang

bakas na sa mukha ang tuwa

ni aquilone blu

di magkamahog sa paghahanda

para sa isang pyestang ganap.

 

turan ng Ama:

anak , sa araw na ito

ang unang lipad ng iyong buhay

wala nang amang sasama sa yo.

 

si aquilone blu

 ay

natahimik

ang tuwa ay unti-unting binalot

ng agam-agam.

 

muling binasag ng Ama ang katahimikan:

naaalaala mo pa ba

ang mga huling lipad nating magkasama

natatandaan mo pa ba

ang mga alintuntuning isiniwalat.

 

buong lakas na  binigkas  ni aquilone blu:

ang paglipad  ng isang aquilone

ay tawag ng Maylikha

sa umpisa ay mababa

ang mga mata at puso

ay matamang magmamasid

sa kapaligiran at pagbabago minsan

 ng tiklado ng kalawakan

ang pagbagsak sa lupa ay hindi

tanda ng kabiguan at pagkatalo

datapwat isang pagsubok

at paghubog ng katauhang

tatak aquilone.

hangga’t may kalawakang gagalugarin

at mga batang paslit na papasayahin

ang tunay na aquilone ay lilipad

na walang kimkim na takot

sa nakaambang  panganib.

pagkat ang sinumpaang pangako

sa Maylikha

ay lumipad ng matayog at magdala ng tuwa.

 

turan muli ng Ama:

sa aking kamalayan at isipan

ika’y handa nang lumipad,

mga pagsubok at pagsasanay

sa habang panahon ng iyong buhay

ay nagbibigay-tanda

sa isang diwa ng tunay na aquilone.

lipad anak ko

baunin mo ang basbas ng Maylikha

ang tulad nating mga aquilone

ay nilikha upang lumipad

para ipakita sa madla

na kahit anong pangarap kayang kamtin

kung ang bawat lipad

baon ang tunay na mithiin.

 

 

 

ito po ay ang aking entry sa saranggola  awards ni hibang: http://bernardumali.wordpress.com

kiteAWARDS

ang katagang aquilone ay saranggola sa wikang italyano.

 

 

 

 

This entry was posted in anniversary, blu, saranggola. Bookmark the permalink.

127 Responses to aquilone blu

  1. Farrah Rios says:

    hi there %BLOGINTITILE% owner. i would like to say that %BLOGINTITLE% is genuinely nice plus the post was excellant. it seems that you have got many visitors on your blog. i’ve started off blogging couple of weeks back and i am still struggling to get any individuals to my blog. i would genuinely appreciate it if you check out my blog and comment on the posts. although the blog is totally new, still there is some good articles on it. i hope you will enjoy reading it. Cheers Farrah Rios

  2. Pingback: Sulyap sa panulaang Filipino sa panahon ng Internet « Alimbúkad

  3. Pingback: Isang malaking SALAMAT! « hibang

  4. aksoriyalmo says:

    congrats po Kuya Blu. I read the poem again and it makes me remember the moment I first read it, I knew this poem will be the history of the saranggola contest.

    written by the legend himself.

    p.s.:

    naalala mo kuya Blu nung nasa Dunkin Donut tayo? sabi mo baka balang araw maisulat mo ako dito sa blog mo? sabi ko, baka nga maisulat mo ako one of these days.

    and then i backread your post again. naisulat mo na pala ako. ‘ang tanong ni gagambino.’ again, thanks for that post. and thanks to you.

    okay na pala yung taong problemado na nakausap ko ng madaling araw. he is more than okay.

  5. non-sense etc.. says:

    CONGRATS SA YO…

  6. Pingback: Saranggola Blogaling Winners at Quiz Bee « hibang

  7. Pingback: Saranggola Blogsikat Winners « hibang

  8. taympers says:

    hello kuya.. napadaan lang.

  9. bernardumali says:

    mukhang busy ah. malapit ng mag end ang contest natin!.

  10. bernardumali says:

    kuya blu. papromote ulit. hanggang aug 31 na lang!

  11. lipadlaya says:

    ang asteeg naman nitong aquilone…
    sa una talaga nakakatakot lumipad nang mag-isa pero kapag alam mong kasama mo ang Maylikha baon ang aral na ibinigay ng yong ama’t ina, walang makakapigil sa pagbuo ng pangarap….

    galing mo, bro!!!

  12. Ax says:

    ang saranggola lagi nilang sinisimbulo sa pangarap.

    kung gaano kataas ang kayang ilipad ng saranggola, ganun din ang pangarap.

    pero naisip ba nila na may mga bagay na pwedeng magpabagsak sa saranggola. hangin, bagyo, ulan, tibay ng tali, tatag ng papel.

    ganun din ang pangarap. minsan di natin napapalipad ng maayos. minsan bumabagsak.

    pero naisip ko rin ba na pwede ulit gumawa ng saranggola matapos itong masira?

  13. TSI says:

    Ang galing nung image, inspiring yung dating!

  14. maganda ang picture! naalala ko tuloy nong maliit pa me, nagpapalipad din kami ng saranggola. pero now, ung mga tsikiting sa amin di na nagpapalipad…iba na ung mga likes nila…

  15. dhyoy says:

    hmmm…. pasilip ulit… umaariba…. ayw ko na talaga sumali hehehehe…😉

  16. Nobe says:

    naiinggit ako sa iyo dahil mayroon kang amang gumagabay sa iyo.🙂

    love,
    nobe

    http://www.deariago.com
    http://www.iamnobe.wordpress.com

  17. livingstain says:

    aquilion blu im back, pasensya na nahuli ako, medyo nawalan kasi ng internet e…

    nice tula, MABUHAY TAYO!!! kaboom kaboom…

  18. hahahaha.
    nagbabalik.
    matapos mawala ng ilang araw..
    hay…

    nawawala ang dila ko.
    hehehhe.
    wala akong masabi.
    kung hindi maganda
    eh kuya tlga naman maganda eh…
    hehhehe

  19. TSI says:

    ay napadaan – – –

  20. Winkie says:

    hmmmm… i learned something italian today😛

  21. eloiski says:

    waaaah! ang tindi niyo gumawa ng mga kwento at tula. matindi ang kompetisyon!
    at ang kwentula mo, ayos! ang ganda!

    mapapaILOVEYOUGOD talaga ako!

  22. jason says:

    mataas ang lipad ng saranggola kapag malakas ang hangin
    ngunit mabilis din itong babagsak.
    Kealangan ng magandang timpla ng hangin para
    sa matayog at malaaliwalas na paglipad ng saranggola!

  23. jason says:

    masnahirapan pa kong basahin ang panagaln ni aquilon blu
    hehehehehe

    ang ganda talaga ng story pang 3 time ko na to binasa!!!

  24. anakngpating says:

    hehe naisip ko pwede kayang sumakay ako sa saranggola ng makalipad din ako sandali lang hehe..kaso mabigat ako haha..

    ang dami na sumasali sa pa kontes ni kuya bernard hehe..hmmm..tapos ang titindi pa ng mga sumali, mas common ang tula, sayo kuya kwento..

    gudluck sa kontes hehe..powerhug…

  25. TSI says:

    Dapat may consolation prize yung mga nakaka home base lol..

    Napadaan lang Blu.

  26. deejay says:

    aw love the melancholy tone, as always, blu. goolak sa contest!😀

  27. .poOt! says:

    kuya, ok na. nare-receive ko na yung comments mo. salamat.

    i appreciate na dinalaw mo agad yung blog ko. hehe. *senti*

  28. .poOt! says:

    di ka na yata kuya napapadpad sa blog ko. huh?

  29. Mon says:

    very nice post about father and son though di ako masyadong nakaka-relate. i didn’t grow up with my dad. i’m a mom’s boi.

    anyways, blu i have a pa-contest, i’m inviting you to join or to be a sponsor. i’d appreciate it so much.🙂

    Havagreatday!

  30. azul says:

    another entry para sa kontest ni bernard..good luck po sayo…sana manalo ka..

  31. shynyrd says:

    astig naman…

    talagang may pinaghuhugutan.

    nakakainspire at touching…hehehe

  32. enjoy says:

    eto pala ang sinasabi mong kontes. isang akda patungkol sa saranggola. technically, di ako nakakarelate. di kasi ako marunong magpalipad ng saranggola kahit pa ilang beses naming sinubukan ng brother ko noon. pero nakakatuwa ang interpretation mo. how you relate the kite to the adversities of life. nakaka-inspire🙂

  33. Napakaganda Kuya Blu! Wala na akong masabi pa… Good luck sa contest na ito…

    Hinuha lang… Aquilone may have come from Aquilon, the Roman equivalent of Boreas, the Greek god of the cold north wind and the bringer of winter.

  34. Aling Baby says:

    aquilone..ang gandang pakinggan katulad ng tulang ito. isa kang henyo. malaman, may magandang aral.🙂

  35. Pingback: Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya | Ax Realm

  36. .poOt! says:

    Wow. siguradong papatok ‘to. hehe.

  37. dFish says:

    Bawat pagpalit ng diaper na puno ng pagpapakumbaba,
    bawat punta sa Mercury Drug para bumili ng Ceelin,
    bawat mahinahong masahe para makatulog ng mahimbing,
    bawat ngiti, tuwa, halakhak kasama siya,
    bawat tanong kung saan si Papa Jesus, si Mama Mary –
    ako ay nagpapalipad kay aquilone blu…

  38. jason says:

    napa wowowowow ako..

    at nanggilid ang luha sa kanang mata
    ko kahit di ko pa tapos basahin ang iyong obra!

    salaamat po sa babasahing ito!
    hehehe
    🙂

    father and son !

  39. dhyoy says:

    clap clap clap!

    ANG GALING!

    Soar High MR Blu…😉

  40. Ax says:

    blu, may sasabihin ako sa’yo.

    isa kang alamat.

    ang galing mo.

  41. bipolarsisa says:

    kuya, ang ganda!😉

    naalala ko yung story ni jonathan livingston seagull dito..

    lipad lang ng lipad!

  42. aba dagdag knowledge yang aquilone na yan ah. akala ko ibang klase ng pagka-blue at iniba lang konti ang tawag.

    good luck sa pagsali mo sa contest ni kuya bernard.. naway pagpalain ka. maganda ang istorya na iyong nalikha. lahat ng kabataan na nagsisimulang tuklasin ang kanilang landas na mag-isa ay pinagdaanan ang ganyang estado.

    mabuhay!

  43. TSI says:

    ay ang pagkakagaling [batanguenio accent] uo tama, itong entry na ‘to may kurot sa puso, one of the best entries so far.. at yung image ha kala ko same pic tayo, yung color lang pala [sepia]..palakpak🙂😉

  44. bernardumali says:

    kuya blu. salamat. ganda ng aquilone. trivia yun ah. na add ko na. sorry ngayon lang, medyo sumama pakiramdam ko kaya hindi ko maupdate agad.

  45. sandi says:

    ganda kuya!

    buong lakas loob natin harapin ang ating takot para makamit ang matayog na pangarap.

  46. flamindevil says:

    tnx sa info..so aquilone pala ang tawag nyo dyan kuya blu.

    btw,nagpaplano na kami ng enggrandeng eb pagdating mo.

    sabi ko nga kay hamster uwi ka.goodluck ha.

    uwi ako sept 4 to 10.

    pwede ka ba sept 4 ng gabi kuya? friday un. kahit libis or timog lang daw.kita-kita tayo. kasi friday lang usually available ang mga peeps dahil walang work, ako rin friday available.hehe.

    ym tayo pag may time.sana matuloy yan kuya blu. may roaming number ka?

  47. dencios says:

    2nd base!

    hahaha. alam mo boss blu pede itong isama sa mga story telling for children.😀 kahit ako hindi na children (plural?haha) e namamangha pa din sa aral na dulot nito😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s