blu is home

Blue hills

 

marami akong naging saloobin sa aking muling

pagbabalik tahanan

dala marahil ng kasabikan sa aking mga magulang

o talagang merong lang akong hinahanap muli.

kasabay ng buhos  ulan ay

unti-unti kong binaybay ang

daan patungong minsan tinawag kong aking kanlungan

ng isang nakalipas na kamusmusan.

ang mga ngiti nandoon pa rin,

ika nga wala namang nagbago.

ang simoy ng hangin

at ang kapaligiran kalakhan nagbago

pero sa wari ko naroon pa rin ang bakas

ng aking uhuging kamalayan

marahil ako lang talaga ang nagbago.

masarap muling yapusin ang kapayakan ng buhay

malayo sa sibilisasyong aking ginagalawan

sa pangkasalukuyan.

ito marahil ang inyong

pinagtataka…

kung bakit matagal nasundan ang huling

bakas ko sa blogosperyo.

matagal lang akong huminto at nag muni-muni.

ngayon lang kasi bumalik muli ang ang aking katinuang

mag-isip sa mga bagay na dapat noon ko pinagkaabalahan.

maraming salamat:

una , sa Diyos na hanggang ngayon ay patuloy na nagiging aking pananggalang.

pangalawa, sa aking mga magulang  na naging punong-ugat ng aking pagkatao.

pangatlo, kay Lady Blu…my on one only love.

at higit sa lahat sa mga kaibigang naging tulay ng kabutihan at pag-ibig.

paano nga ba sasabihin ang tunay na pasasalamat..

sa puso at sa diwa.

marahil hindi sapat ang mga salita at pagkayap bilang tanda ng isang

masidhing pasasalamat sa Maykapal.

sa mga pagkakataong nararamdaman ko ang nagpupuyos na damdamin

katulad ng nararanasan ko ngayon…

alam ko ..

alam..

na

alam ko…

BLU is home.

This entry was posted in blu, home. Bookmark the permalink.

57 Responses to blu is home

  1. kathy says:

    kuyaaaaa ur home na!…san pasalubong kong key chain?..aheheheh

    sencia na ngaun lang uli nakadaan..

    iba pa rin talaga kapag bumalik ka sa iyong pinag-ugatan ang daming alaala at damdamin na nanariwa sa iyong kaisipan.at lalong masarap sa pakiramdam na muling makasama ang iyong mga mahal sa buhay na matagal na hindi nakapiling.

    ~just enjoy ur vacation kuya~^^

  2. otep says:

    Maligayang pagbabalik sa bayang iyong tinubuan,
    masayang isipin na ang tulad mo’y hindi pa nakakalimot sa pinagmulan.

    Ako’y nagagalak na muli mo silang nasilayan,
    -mga magulang at pamilyang noon pa may ang iyong naging liwanag.

    Salamat sa mga tulad mong nagiging bayani ng bayan,
    sa mga taong nagiging dahilan sa pagtaas ng ating pamumuhay.

    Ika’y aking binabati dahil ngayo’y nayayakap mo na muli ang hangin na noon pa ma’y iyong nakamulatan,
    Ito’y bunga lang ng iyong pagsasakripisyo at pagtatiyaga para sa mas magandang kinabukasan.

    Kaya naman isa lang ang masasabi ko d’yan,

    pasalubong naman d’yan. Nyahahahahahaha😀

  3. wow welcome home Manong Blu. reminiscin’ ng kamusmusan at pagbabalik tanaw sa nakaraang pinag-ugatan. Pakipaabot ang pangungumusta sa family hood po niyo ha.

  4. sandi says:

    welcome home..enjoy your vacation kuya blu

  5. Junice Lopez says:

    hello kuya blu^^,

  6. jason says:

    welcome home!!!!!!

    hehehehehe
    😀

  7. joan says:

    ..elcum elcum kuya blu. ang happy naman.😉

  8. shynyrd says:

    welcome back…

  9. p0kw4ng says:

    hmp kainggit ka…gusto ko din ng welkam home pero di pa pwede!

    ingat at enjoy mo ang holiday mo!

  10. Ax says:

    welcome home!

    masaya kase its home! hehe.

  11. Welcome home Kuya Blu…
    Sabi nga sa kanta: “Here in the land of the loving, I am home…”

    Sana magkaroon ng pagkakataon na tayo ay magkita at magkausap…😉

  12. deejay says:

    awwww… may nagbabalik.🙂

    PS: natawa naman ako sa “uhuging kamalayan.”

    magpapartey ka ba, blu?😛

  13. Mon says:

    Wow! Home sweet home si kuya Blu! Welcome home po!🙂

  14. Mr. Nonsense says:

    home is where ur heart is. home is where ur wife is.

  15. freeshoes says:

    shala! pasalubong! size 8 paa ko ah..kahit anong kulay pink na shoes! hehehe!

  16. bernardumali says:

    wow pagbabalik tahanan. pag nakarelaks ka na ha, daan ka na dito sa maynila.

  17. lipadlaya says:

    kainggit ka naman, sir!!!

    iba talaga ang pakiramdam kapag nasa sa sarili kang tahanan…

  18. dhyoy says:

    u r home…😉

  19. livingstain says:

    Welcome Welcome kuya blu, heksayted na akong makita ka.

  20. maraming ways para magpasalamat…hehe..welcome back..

  21. anakngpating says:

    welcome home kuya..

    saan ka na ba nakagala ngayon hehe..

    enjoy sa ,muli mong pag uwi ngayon ha hehe..

    paano ka ba namen makokontak kuya ehhe..

  22. azul says:

    welcome home kuya blu..cencia di ko namalayan na umalis ka..bihira kasi ako makapagblog hop..churi aman po..pero ngayon sinisipag sipag na ko ulit…hehe

  23. TSI says:

    Blu nandito ka na? wow enjoy your stay blu, make the most out of it lol..

  24. welcome home kuya blu! indeed, there is no place like home…

  25. lhen8 says:

    maligayang pagbabalik sa sarili mong bayan…(“,)
    ang saya talaga ng may palagiang nauuwian na probinsya…
    ang sarap mag meditate….balikan ang nakalipas….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s