krismas na?

star

krismas na? ito ang naisip ko kanina pagpasok sa mall at narinig ko ang unang karoling ng pasko sa taong ito…sa saliw ng walang kamatayang..mama sita …haysss! parang ayaw ko nang bumalik sa roma para maiyak na naman tulad noong una kung pasko sa bayang ito two years ago…

miss ko talaga ang krismas dito sa pinas…ibang-iba sa krismas sa ibayong dagat…malungkot at mahirap kasi malayo sa mga mahal sa buhay.

noong bata ako..tinitiis kong gumising ng maaga para mabuo ang simbang gabi…ehemm…para lang makakain ng puto bumbong at makasimoy sa mga cute na babes…aba at palukso-lukso pa ang aking puso pagnasimoy ko ang aking kras…di na baleng antukin sa klase…tutal lahat naman tulog sa first period…sarap alalahanin ang mga paskong nagdaan…

marami pa akong dapat masabi sa paskong nakalipas…pero puro kurot lang ang nararamdaman ko ngayon….kasi ilang araw na lang back to work na naman ako sa bayan ng roma na kung saan white at cold krismas…dati nga sa kanta ko lang naranasan…

ah! basta iba pa rin ang pasko sa pinas! mahirap man ang buhay…pero parang nagiging wonderland at magical ito sa pagsapit ng pasko…marahil nakaukit na sa puso ng ating kamusmusan..

kungsabagay…ang totoo naman dyan eh…ang tunay na diwa ng pasko ay wala sa bagong shus, damit, psp, cellphone, kinang at kutitap ng mga ilaw at iba pang mga bagay….

kasi ang diwa nito ay matatagpuan kay Kristo…mga kaberks sana lang….. ibalik nating muli si Kristo sa pasko!

This entry was posted in blu, pasko. Bookmark the permalink.

68 Responses to krismas na?

  1. vita31 says:

    mabuti p kayo masaya ang pasko nyo. ayoko ng pasko dahil un din ang araw n napatay ang lalaking mahal ko..

  2. wow star! i like star…pero namomoroblema ako kung paano ide-decorate yung christmas tree namin…mga ate ko kasi madala nag-aayos noon at medyo wala akong hilig sa ganoong bagay. pero gusto ko ang makapaghbigay ng regalo sa aking mga pamangkin.

    wahhhh may naiisip akong style na matipid kaso baka di nila magustuhan. medyo exotic and weird ang art ko eh. hehehe

  3. sandi says:

    napaka-aga talaga ng pagdiriwang pasko sa atin… ngayon pa lang ay may naririnig na akong awit pamasko..

  4. bojoy says:

    Maligayang Christmas!!!!

    muna mapuli gid ko ya sa Dec.. hehehe…nahidlaw na ko sa iloilo hehehe…

  5. Merri xmas blu!

    tama yan! iba talaga ang pasko dito, at pasko na kasama ang taong mahal mo.

    mejo malungkot ang tono ng post na to..

    wag ka na muna pumunta sa roma..hehe

    sama mo ako..
    gusto ko din ng white and cold christmas eh.

  6. Nobe says:

    it’s christmas time! lalago na naman ang ready to wear business ko nito. hehehe. blind shopping for everyone! lol

    love,
    nobe

    http://www.iamnobe.wordpress.com
    http://www.deariago.com

  7. nakupo. napakalapit na ng pasko. kabanas. kalungkot. huhuhuhu!walang popoy. nyahahaha!

  8. .poOt! says:

    oo nga kuya. september pa lang eh feel na feel mo na talagang malapit na ang krismas. diba halatang atat na atat ang mga pinoy sa krismas? hehe.

    di na rin ako makapaghintay. sa december uuwi dito si ate dhyoy at sabi niya may pasalubong daw siya sakin. ano kaya yun? buhangin mula dubai? camel? wag naman.

    musta kuya yung GEB niyo? mukhang masaya yun. kaka-inggit naman. hehe.

  9. yhen says:

    kuya blu… bago po sa bahay niyo…

    merry christmas po…😉

  10. totoo, masaya ang pasko dito sa Pinas

  11. jason says:

    hello kuya blue!!!

    its always been nice to make tambay here
    😀
    hehehehe
    kamusta kayong lahat!!!

  12. ELIment says:

    Hi kuya blu!

    Nadalaw din ako sa yo sa wakas.hehe

    pasko na nga.ang mga buwan ng BER ay nagsimula na.haay, namiss ko tuloy ang lutong puto ng nanay ko tuwing pasko na siyang kumokompleto sa munti naming salusalo.

  13. Junice Lopez says:

    ayos kuya blu!

    thanks to God kasi binigyan nya tayo ng okasyon hindi lang para i-celebrate kundi para tayo ay mabuklod at makapgnilay..

  14. Ax says:

    Merry Krismas sa lahat! Ber na. Lalamig na naman ang panahon! Wala mang yebe dito sa Pilipinas, eh, masaya pa rin ang Pasko!

  15. taympers says:

    napadaan. *nagpapakilala* lols maya ko na basahin post mo, dito pa ako trabaho eh. hehehe

  16. jason says:

    yeah wala yun sa psp..

    di talaga psp..

    di ko kelangan ng psp..

    talaga..

    HI kuya blu!!!

    pagpasensyahan mo na po ang hamster kahapon..
    medyo nagkakalat.

    hahahahahaha
    😀

  17. darbs says:

    Sabi pa, pag may Er na daw ang month yan na ang umpisa ng Christmas Hymns.

    Here at my end mag-umpisa ang X-mas hymns around November.

    Remembering Pinas experience: Pag malamig na ang simoy ng hangin siguradong Christmas na. Mag umpisa na ang Parol Contest.

  18. precious says:

    hi kuya blu! i agree! tho hnd ako catholic nassbik ako sa christmas nio…

    dame kasi gifts..tsaka quality tym with family and friends..ang saya! tpz bday pa…hehehe^,^ pasalubong ko pala?! hehehe

  19. bonistation says:

    miss kona ang pasko sa pilipinas! next year pako makakapg pasko dun huhu! pero this year halloween nasa pinas ako awooooooo!

    advans meri krismas po!!!

    **
    public info: read my blog before going to EB this evening!: thanks!

  20. aLps says:

    Ang bilis naman ng taon. :’) At wala pa akong ipon, woo

  21. joycee says:

    Simula na nga ang Pasko dito sa Pinas! Weee!

    Kuya Blu, magkikita ba tayo bukas? Wuhuuu!

  22. J.Kulisap says:

    Para bang saglit na humihinto ang mundo kapag Pasko, para bang lahat ng tao ay sinasaksakan ng gamot para gumana ang mga ugat na nag-uutos para ngumiti, bumait at maging mapagbigay.

    Mas masaya sa probinsya ng Pilipinas, mas payapa, mas ramdam ang Pasko.

  23. anakngpating says:

    saming bahay ng aming bati merry christmas na mawalhati ang pag ibig ang syang nag hari sana araw araw ay pasko lagi hehehe..
    eto rin ang namimiss ko pag malapit na ang pasko..tamburine na tansan at tambol na lata..

    mery xmas kuya blu..

  24. Mr. Nonsense says:

    septem-brrr…pasko na talaga sa pinas. miss ko rin ang simbang gabi. dito sa states meron rin gawa ng mga pinoy dito. kaso scheduled @ 7pm at palitan ang mga simbahan.

  25. merry christmas kuya blu!

    natutuwa ako sa post mo…

    nagpapatugtog na nga ako ng christmas songs eh…

  26. enjoy says:

    Agree ako na iba talaga ang Pasko sa atin Blu. Napakasaya at very colorful. Dito sa SG, lumilipas ang Pasko tulad ng isang ordinaryong araw lamang. Bukod sa dahilan na iba ang relihiyon dito, sa town area mo lang makikita ang mga makukulay na decorations. Walang puto bumbong at bibigka. Walang simbang gabi o kung mayroon man ay talagang sa GABI ng bandang alas-siete ginagawa.

    Sa panahon ring ito nagaganap madalas ang mga reunion ng pamilya at magkakamag-anak. Ang masasayang batian at yakapan, at palitan ng mga regalo. Ang matutunog na halakhakan at umaatikabong kulitan. Hay nakakamiss talaga ang Pasko sa Pinas. Nakakalungkot nga na sa taong ito, first time naming hindi magpa-Pasko sa Pinas. Pero promise next year, uuwi talaga ako🙂

    The true essence of Christmas is in its first six letters. Kaya mas nararapat lamang na gunitain natin ang kapanganakan ng ating tagapagligtas ng higit pa sa materyal na bgay.

    Merry Christmas Blu!

  27. Winkie says:

    hay (kuya) blu, sorry naman at ngayon lang nagawi!

    maagang pagbati ng Pasko!!!

    sana maisip din ng sangkatutak kong inaanak na ang Pasko ay di lang regalo… namumulubi ako lagi eh! *gastos na naman, huhuhu!*

  28. Mickey Mouse says:

    Ay sori Kuya Blu, kala ko nasa blu anime pa rin ako. Honga eh – kapitbahay ko, lakas ng music ni Joe Mari Chan habang nagmumurahan haha…

  29. livingstain says:

    merry merry christmas sa lahat ng bosing sa mundo aw aw aw aw
    happy happy new year yan ang bati namin sa inyo…

    kumusta mr blu…

  30. Pang home run ito kasi puno na ang tatlong bases… hehehehe…

    WB Kuya Blu… Oo nga, September na and I realized this when I received several text messages from my thoughtful siblings in SFC early Tuesday greeting me with an early “Merry Christmas”, at siyempre hindi nakareply si Brother Mark kasi wala na namang load! Hehehehe….

    Hindi ko masasabi na iba ang Pasko dito sa Pinas kasi I have not celebrated Christmas anywhere else but here….🙂

    Indeed, the true meaning of Christmas can be found in the manger where a child of virgin birth laid sleeping 2000 years ago… In Christ alone we find the fullness of Christmas…

    Kaya inis na inis ako sa Polar Express, kasi sabi dun ng santa claus “The true meaning of Christmas is in your heart.”… Hmmm, logically it can be argued to be true for Christ is in our hearts, pero ang layo eh… (Hingang malalim…) Kaya hanggang movie trialer lang ang tiniis ko…🙂

    Hinhintay ko ang malamig na simoy ng hangin sa umaga…

  31. dhyoy says:

    haizzz iba ang pasko sa pinas… don kasama mo ang pamilya mo…

  32. lhen8 says:

    oo naman laging nakaukit sa puso si kristo pag pasko🙂

    ako pag xmas …. problemado lang sa dami ng inaanak
    pero ok lang basta ma solve sa bawat ngiti nila at mano pa

  33. p0kw4ng says:

    hapi xmas blu…agang pagbati,hihihi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s