blu rain

ulan

hmmm….ilang araw na nag-uulan ah! Gusto ko pa naman sanang gumala. Bakit kaya ang mga turista di man lang nagpapayong, ayun at tuwang-tuwa pang naglalakad sa ulan. Tampisaw sa ulan, ayun ….ang tagal ko nang di nagagawa ito ah!…

Blu!…..uy, ikaw pala Vebrette. …kanina ka pa ba dyan? Hindi naman….pero kanina pa kita pinagmamasdan ….doon sa aking bintana. Halika…sabay ka maglalakad lang ako sa buhanginan…sarap kasing maglakad na nakaapak at nababasa ng ulan ang mga paa….

Blu!….bakit ba lately iniiwasan mo ako?…di naman….anong hindi, madalas di ka na sumasabay sa pag-uwi, katwiran mo lakad-barkada…dahil ba sa sinabi ko sa iyo…hindi…wala yun…lately kasi may iniisip lang ako. Kung…hindi ko ba sinabi yun…wala kang iniisip ngayon? Siguro…ewan…sori ha…nadamay ka pa tuloy sa mga palaisipan ko…wag mo nang isipin yun…ang mahalaga magkasama tayo ngayon…

Blu!…ano ba…ang sabi ko uwi na tayo….ha…eh, bakit naman? ….pagod ka na ba? hindi…pero uwi na tayo! galit ka ba? halata ba? Sori na…ewan ano ba kasi ang laman ng isip mo….o marahil sino ang laman nyan?…ang hirap kasi….eto ako nagsusumiksik sa yo…kulang na lang yatang magmakaawa ako sa ‘yo….sori….sori na…..wala to pramis…ok …talunan na ako…talo na ako..at isuksok mo sa kukote mo na kailan man di na kita gagambalain…

Vebs…sori na talaga…namputsang buhay naman ‘to oh! bakit kasi di kita matutunang mahalin…ok ka naman, maganda…mabait…ano pa ang kulang sa ‘yo…siguro nga tanga lang ako…manhid …walang kwentang-tao….sori…ang hirap kasing turuan ang tibok ng puso….kung pwede lang sana…kaso hindi eh!…bakit naman kasi dumating ka sa maling panahon ng buhay ko…sana noon pa….

Blu..non viene con noi? ah si Charlie….tinatanong kung sasama ako…Si, vengo subito (oo, punta na ako dyan)….ang ulan nga naman….tulad ng dati nagbabalik ng mga alaala…kumusta na kaya siya…..sayang…sayang na sayang….bakit kasi dumating ka sa buhay ko na di na ako malaya…

er….sir Blu…c’e’ una chiamata (tawag po) ….grazie (salamat)…..chi e’? (sino daw?)…… Vebrette Villamin!

This entry was posted in blu, pag-ibig, ulan, vebs. Bookmark the permalink.

66 Responses to blu rain

  1. joycee says:

    I love the rain! It makes me more gloomy kapag malungkot aku, it makes me happier kapag good mood aku, hihi.

    At syempre masarap sa bahay pag may kayakap.🙂

  2. Sows says:

    paulan ulan nga…kaloka..$,$

  3. honga kua eh… sobrang lakas din ng ulan dito, hayst.

  4. Mr. Nonsense says:

    mga kano nga, tulad ng misis ko, eh natutuwa sa ulan sa tropics dahil sa amerika eh malamig ang ulan. ako naman noon mahilig maglaro sa baha sa maynila….kaya tuloy lagi akong binubulate😦

  5. mr. sleepyhead says:

    hala…hindi ko na makita yung comment ko ah..hehhe..wala kasi pics ehh..

    paki visit naman po yung latest post ko…

    http://wp.me/pDqV4-1C

  6. deejay says:

    ako rin blu may naaalala tuwing umuulan… ang aking mga sinampay.

    hehehe. jowk lang. oo kakasenti tuwing umuulan. sarap magbabad sa kama at alalahanin ang lahat at kalimutan ang lahat.😛

  7. sandi says:

    sayang na sayang talaga bkit ngayon ka lang dumating, bakit hindi pa noon..hehe
    hindi mo siya makalimutan kuya…naging malalim siguro ang inyong pagsasama😉

    napaka misteryo talaga ng iyong buhay..

    ligo na lang ako sa ulan😉

  8. yhen says:

    i hate it wen its raining but i love the coldness it brings…😉 ironic… hehe

  9. boypulubi says:

    tinitigan kong mabuti talaga yung ulan. akal ko kasi kulay bughaw ang kulay niya talaga. hindi pala. jowk. pasensiya na korni ako kuya blu.

    ang totoo medyo nalito ako sa kwento. inulit ko pang basahin. pasensiya na din dahil medyo baguhan lang ako sa iyong tahanan. kaya hindi ko alam masyado ang kwento ng buhay mo kuya blu.

    minsan nga kay hirap ng buhay. kung kailan hindi na pwede saka dumarating ang mga pangyayaring hindi mo na dapat inaasahan pa.

  10. livingstain says:

    oh my gudniz kuya blu natawa ako…. kasi naman may love story pala ang mga pari, (natural tao din naman sila)… chickboy pa ang datingan, at nambabasted pa. kuya blu sayang… (habang tumutugtog ang Bakit ngayon ka lang)

    kuya pasensya na nalate ako, kasi naman busi ako sa business on line hula ko… may gudniz wala pa nagbabayad.

  11. Tuwing umuulan, namimiss ko yung dati kong kwarto, kasi yung binta ay nasa ulo ng kama ko… Kapag umuulan, natitilamsikan ako…🙂

    Naalala ko rin yung mga kakulangan namin dati… at pati mga pakikipagsapalaran ko sa ulan…

    Hmmm… Sino ba talaga si Vebrette Kuya Blu?🙂

  12. ELIment says:

    “bakit kasi dumating ka sa buhay ko na di na ako malaya…” ay..sad nito.

    sa totoo lang ang sarap magmuni-muni kapag umuulan. samahan pa ng paghigop ng mainit na kape. ‘wag lang sobrang ulan kase babaha–takot naman ang kasunod nun. hehe

  13. monching02 says:

    mas naniniwala ako sa coincidence kuya blu… masyado kasing ‘cheesy’ na sagot ang destiny o nakatadhanang maganap ang isang bagay… para sa akin palusot lang yung destiny para mas nakaka antig ng damdamin…

    masyado kasing ‘end of the line’ yung tadhana… wala nang iba pang explanation kung bakit… siguro para sa ikaluluwang na lang ng damdamin natin ang magsettle sa pangangatwiran ng tadhana…

    haay. =)

  14. flamindevil says:

    masarap pag malakas ulan,todo aircon,tapos may electric fan,tapos magbabalot ng makapal na blanket.hehe

    sarap tulog nun.

    kuya blu,sensya lagi ako busy pag nagbabuzz ka sa FB. :p

  15. p0kw4ng says:

    gusto ko ang umuulan lalo na pag may tsamporado at tuyo..may katabi sa pagtulog maghapon…may kaakap,hihihi

  16. dhyoy says:

    sa totoo lang ayaw ko nang umuulan… may naaalala ako na hindi ko na dapat maaalala…

  17. aksoriyalmo says:

    Kuya Blu, kapag umuulan natatakot ako. May binitiwan kase akong kontrata na sa tuwing umuulan, ito ang magpapabago ng buhay ko.

    Maling panahon. Maling pagkakataon. At laging uulan kahit wala na siya.

  18. J.Kulisap says:

    Ulan, ang aking kristal na dinambana sa aking mundo.

    ‘Yon na nga at isang elemento siya, may sariling panahon, lakas at oras. Darating kung sadyang ukol na bubuhos, magdadamot kung gusto niyang magpanabik ng nag-aabang, kapag bumuhos- di napapansin- aapaw lamang, wala ng mapagsidlan- kapag nawala- magdarasal muli-hihilinging bumalik.

    Isa ka ring alipin ng ulan Mamang Asul.

  19. precious says:

    hmmm..destiny..

    “we had a ryt love at a long tym, guess i olweiz knew inside, i couldn’t have u 4 a long tym…”

    “but somewhere down the road…”
    -sing with me kuya blu…^,^

  20. the rain is there to cleanse us and tell us that sometimes we should not look back.

  21. Nashyboy says:

    naniniwala ako sa kasabihang

    “if you’re meant for each other….

    then FINE! you’re meant for each other!”

    hahaha

  22. jason says:

    umuulan? kahapon lamang ak’oy bumili ng sorbetes sa isang
    grocery store, maaraw at maaliwalas ang panahon
    ng bigla akong binuhusan ng rain showers..

    basa…

    pero kuya blu…

    pinipilit kong intindihin ang nasa taas.
    ang hirap hirap,

    wahhh

    babalikan ko mamaya
    😀

    magandang araw po !!!!!!!!!!

  23. wahahahahaha.

    ganyan din ang pansin ng mga turista sa roma…

    pinoy lang ang nagpapayong. pag nagpapayong, pinoy yan.

  24. dFish says:

    Ito na marahil ang pinakamatalinghaga na post para sa akin Blu. Di bale, basta si Blu, kontento na ako sa mga strokes ng misteryo. Hindi ko kailangan intindihin lahat; mas mahalaga pa nga, yung thoughts left in the dark, yung mga spaces in-between na minsan ay hindi nasasakop ng pangkaraniwang pang-unawa. Yan si Blu – laging hinahamon ang boundary ng pagka-literal sa buhay. Salamat si Blu…

  25. browny99 says:

    by the way, reagarding what you said na ang mga turista hindi nagpapayong, my observation talagang ganyan yata sila eh, kasi dito sa Canada, pag summer and then medyo maulan as in maulan, wala man lang ako nakikitang nagpapayong medyo deadma lang nila ang basa ng ulan, samantalang here I come with matching umbrella tapos sabay dami ng stares ng mga puti medyo nakahalata ako na medyo nanibago sila sa colorful umbrella ko na galing sa Pilipinas.
    Nakikibisita lang po!

  26. Nikko says:

    palala na ang sakit ng ulo ko Kuya Blu..
    ang panahon, nagdadrama Kuya, hapon kung umiiyak..
    halos kada hapon na eh…

    masarap magsentimyento(??) kapag umuulan, kaya marami talagang mga alaalang hindi maiwasan na mabalik – balikan..🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s