blu candles

light

kanina pagpasok ko sa simbahan…

nagsindi ako ng kandila..

di ko alam kung bakit?

dati pa di ko naging ugali.

ngayon kasi feeling ko nasa

crossroad ako ng buhay ko.

alam ko kung saan ang daan,

pero naroon pa rin ang agam-agam.

na baka mali,

baka dapat sa kabila ang tamang daan.

pero nagtaka din ako…

kasi di lang iisa

kundi

labingwalong kandila ang sinindihan ko.

ang dami palang mga kaibigan ko

ang nasa sangangdaan ng kanilang buhay

na tulad ko nagtatanong ng direksyon

at naghahanap ng kasagutan.

 

kaibigan, ang isang kandila ay para sa iyo.

This entry was posted in blu, candles. Bookmark the permalink.

72 Responses to blu candles

  1. Walongbote says:

    It only reminds me na halos mag 1 ta0n n pla aq di nakakabalik sa st.Jude tnx 4 reminding me. Makapagtirik nga dn.

  2. dencios says:

    i think very timely ito sa mga nasalanta ni ondoy!

    tnx for sharing kuyablu!

    Godbless!!

  3. forbiddenlei says:

    uhmmm ang astig nman po kuya blurosebluguy.
    ang daming kandila. ang dami din nung prayers.

    “LOVE UNFAILING
    OVER TAKING MY HEART
    YOU TAKE ME IN
    FINDING PEACE AGAIN
    FEAR IS LOST IN ALL YOU ARE”

    – from HILLSONG astig kase narelate ko lang po

    padaan

  4. Mr. Nonsense says:

    uhmmm….*akward posture*…ummm…
    pwede bang pahiram ng isang kandila? brown out kasi sa bahay ko. di ako makita ng misis ko😦

  5. darbs says:

    yaong simbolo na lang na ibinigay ng liwanag sa akin kuya blu.

  6. ELIment says:

    Ganda naman kuya blu.bkit ganun, parang ako yong kinausap mo sa mga huling sinabi mo.hehe tnx
    mukhang may pgkakaugnay post natin ah.ilaw ka, ako naman batis.hehe

  7. aksoriyalmo says:

    Siguro yung para sa akin, ibibigay ko na lang sa ibang nangangailangan ng candle.

    Ikaw lang ang tanging may blogsikat at bloggaling award. tsk! rakenrol.

  8. deejay says:

    ah, ok lang, blu. okay lang na walang kandila para saken. ok lang talaga, pramis. di ako mahe-hurt. ok lang talaga. *tingin sa kisame*

    basta, wag kang mapreshur ha. nakakahiya naman sa yo e. basta. pramis. (nagwowork ba ang reverse psychology sa yo?)

    wehehehe! jowk lang blu. as always, a nice, quiet and reflective read.🙂

  9. otep says:

    Wow naman maraming salamat parekoy,

    feeling ko sa’kin yung isa dun hehehehe🙂

    ka touch naman, kinoment mo pa sa blog ko salamats🙂

    pero lam mo parekoy pakiramdam ko isang dahon na lang ang nasa sanga ko sa sandaling maihipan ng malakas na hangin ay nagbabantang mahulog sa lupa😦

    parang isang kandila, ang daming nagbibigay sakin ng liwanag -kaibigan

    pero sa bawat liwanag na yun tila luha ang katumbas ng bawat patak nito.

    hirap sa’kin kahit alam kong may mga tao sa kapaligid ko, mas pinipili ko pa ring malungkot.

    • walang dahilan para malungkot…ika nga why cry over spilled milk…ang mahalaga may bukas pa (sabi yan ni Bro, ha!)….
      …kaw pa…just believe in urself…in happiness…in love…in miracles…in hope….
      …..walang dahilan para mag-emo mode! there is always the bright side of life…at yun ang dapat mong pagtuunan ng pansin…oke ba!

  10. bonistation says:

    huwaw!! ang saRAP namang basahin ng entry! sakin na ung isang kandila ha!
    God Bless Blu!

  11. jun-g says:

    1. yhen
    2. -poot
    3. boypulubi
    4. jules
    5. enjoy
    6. pokw4ng
    7. joycee
    8. machongbutiki
    9. mr. sleepyhead
    10. dhyoy
    11. J.Kulisap na para sa kanyang Utoy
    12. lhen8
    13. sandi
    14. lovely
    15. shynyrd
    16. TSI
    17. coolwaterworks

    17 candles na ang naibigay mo… syempre yung isang candle para sa iyo… huhuhu… wala nang naiwan para sa akin… huhuhu…

  12. lhen8 says:

    itong iniwan mo sa akin parikoy ay tunay na nagustuhan ko…. ganda pa ng pagkakakuha sa litrato….. nakakagaang ng feeling….

    isa kase ito sa mga bagay na hindi maaalis sa akin tuwing nagtatanong ako kay bro…
    bagay na humahanap ng tamang daan….isang liwanag patungo sa tamang daan na kung saan ayoko na ang dating daan (si eli soriano?eow si lester trip nya ang pastor na yan…. kakaiba kapatid ko eh kase kakaibang likha… 🙂 )

    kaya tamang tama ang iniwan mong ito parikoy…. 🙂
    scented(tama ba spell?) kaya yan?… hmmmmm mukha namang mabango kaya isa lang masasabi ko……

    I LOOOOOOOOOOVE IT!!!….. 🙂

  13. yhen says:

    salamat po sa pagsindi ng kandila…

    salamat po sa pagalala…

    ang agam agam ay mawawala basta ientrust lang natin lahat sa Poong Maykapal…
    😉

  14. .poOt! says:

    akin na kuya yung isang kandila. hehe. aangkinin ko na. LOL.

  15. boypulubi says:

    Kung bibilangin ang mga nagtugon, maliban sa iyo, sa inilathala mong ito., Tila ako ay pang labingpito. Sana para sa akin ang isa sa labingwalong kandila na iyong sinindihan.

  16. enjoy says:

    Crossroads. Sobrang familiar na ko dito. In fact, naging bihasa na nga yata ako sa pagharap sa iba’t ibang crossroads sa buhay ko.

    Wala ako sa crossroad ngayon pero pwede bang mahingi yung isang kandila? Sa tingin ko nasa maayos man ang takbo ng buhay ko ngayon ay kailangan ko pa rin ng gabay mula sa liwanag na dala ng kandila mo🙂

  17. p0kw4ng says:

    akin na lang ang isa blu! salamat,hihihi

    nong nasa Milan pa ako eh gawain ko din yan everytime na pumapasok ako ng Doumo…sana maging gawain ko ulit sa aking pagbabalik!

  18. joycee says:

    Icclaim ko na po na akin yung isang kandila. I really need to see the right direction.

    Thanks po sobraaaa.🙂

  19. kua maraming salamat sa isang kandila sa akin. heheh. mraming slamat po ulet. heheh. in a crossroad again. hehehe.

  20. mr. sleepyhead says:

    salamat kaibigan kung ibibigay mu sa akin yung isa. Dahil iba din ang nararamdaman ko sa mga araw na to. Pakiramdam ko naliligaw ulit ako sa aking buhay.

  21. dhyoy says:

    pwede sa akin yung isa? nandon din kasi ako…

  22. aksoriyalmo says:

    Maraming maraming salamat.

    At salamat din sa isang insekto sa ibaba.

  23. J.Kulisap says:

    Subukan mong magsindi ng kandila sa napakadilim na lugar, hindi nga ba’t nasasakop ng liwanag ang kabuuang espasyo, ano pa kaya kung labing walo?

    Sana sa liwanag na iyong nasaksihan dulot ng kandila ay mahanap mo din ang sagot sa iyong idinudulog.

    Ang ibinigay mong kandila ay ibibigay ko ulit sa aking Utoy. Mas kailangan niya ito ngayon.

  24. lhen8 says:

    wow i love candles…
    lagi kong ginagawa mag light ng candle everytime magsimba ako sa OUR LADY OF MERCY sa novaliches bayan…
    ang sarap makipag usap kay bro habang naka sindi ang kandila
    ROMANTIC ang feeling koh…. 🙂

    tnx sa candle🙂

  25. livingstain says:

    ay parang ang hirap naman mamili ng tamang daan, tama po ba na humingi ng sign kay God, pano kung hindi umayon sa inaasahan ung inaakala nating sign ni God… kaya mo yan kuya blu…

    congratz nga po pala sa sarangola…

    • hahahhaa..kaya ko talaga ito…one of those moments baga…pero di naman grabe…
      ….sundin mo ang kaibuturan ng iyong puso…na walang halong anupaman…dyan kasi nananahan ang kalooban ng Diyos…
      …oo nga salamat sa pagbati..pag pumunta ka…iaccept nyo na lang ang award ko hehehehe….magpapansit ka na rin sa mga friends natin…hahahahaa

  26. lovely says:

    im one of the candle light hehe..:)

  27. dFish says:

    Wow! i luv the symbolism-lighting one candle at a time for the “unknown” ahead all of us…

  28. shynyrd says:

    kakamiss naman dito. thanks sa candle.. need ko nga yan ngayon…

  29. TSI says:

    Sana isa ako sa mga kandilang sinindihan mo. ^_^

    Happy Wednesday.

  30. wow 18 candles!

    ako rin dati, tinitingnan ko rin lang mga ‘yon. hanggang one time naisip ko na rin lang magsindi. dito pa nga sa atin may iba’t ibang colors yan depende sa kung ano ba ang kahilingan mo.

    hay sana ay masumpungan mo ang iyong ibig at matupad ang kahilingan mo sa Kanya. anuman ang ibig mo sa pagsisindi sa mga kandila.

    mabuhay!

  31. Base nga….

    Maraming salamat sa kandila Kuya Blu…

    I have long been a pilgrim… Pray for me that I may find my place in the grand scheme of the Lord…🙂

    Hmmm…. Naalala ko tuloy ang Pilgrim’s Theme…
    Mai-share nga dito… Pangalawang beses ko na na magshare ng kanta… hehehe… I had the chance to sing this song in public a few weeks ago, and while singing this song I had to hold back all my emotions, because as I was singing, I realized I was singing about myself…

    —–

    Tired of weaving dreams too loose for me to wear
    Tired of watching clouds repeat their dance on air
    Tired of getting tired of doing what’s required
    Is life a mere routine in the greater scheme of things

    Through with taking roads someone else designed
    Through with chasing stars that soon forget to shine
    Through with going through one more day – what’s new
    Does my life still mean a thing in the greater scheme of things

    I think I’ll follow the voice that calls within
    Dance to the silent song it sings
    I hope to find my place
    So my life can fall in place
    I know in time I’ll find my place
    In the greater scheme of things

    Each must go his way, but how can I decide
    Which path I should take, who will be my guide
    I need some kind of star to lead me somewhere far
    To find a higher dream in the greater scheme of things

    The road before me bends, I don’t know what I’ll find
    Will I meet a friend or ghosts I left behind
    Should I even be surprised that You’re with me in disguise
    For it’s Your hand I have seen in the greater scheme of things

    For Yours is the voice in my deepest dreams
    You are the heart, the very heart
    Of the greater scheme of things

    Why don’t we follow the voice that calls within
    Dance to the silent song it sings
    One day we’ll find our place
    For all things fall in place
    For all things have a place
    In the greater scheme of things

    • ay talaga naman at with matching song pa….i luv this the song….at talagang napapakanta pa ako ngayon habang sinasagot kita….
      ….ayan napapaluha na kaya ako…kaw kasi…
      …pramis kantahin mo rin ng live yan sa akin..heheehhee

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s