blu tunnel

mahigit isang taon na ang nakaraan sa kasagsagan ng  preparasyon

sa nalalapit na kapistahan ni San Juan Bautista

isang trahedya ang nangyari sa aking sinilangang bayan sa western visayas.

umaga pa lang nang magitla ang madla sa pagtaas ng tubig sa kalye dala ng ulan at bagyo..

mabilis…rumaragasa at galit na pumasok ang tubig baha sa mga kabahayan

na walang pasintabi.

unti-unting naglutangan ang mga pinggan, sofa, bote, pridyeder…

mga kotseng naging bangka at palangganang naging salbabida…

samahan pa ng mga lumulutang na baka, baboy at kambing..

ika nga ng mga taga-facebook ngayon..

aba para lang farmville na binaha.

paghupa ng baha…

isang  kalunos-lunos na imahen  ang tumambang

sa bayan…nagkaubusan ng bigas, de lata at gatas

walang mayaman at mahirap sa putikang kalsada

lakad dito…takbo doon…

parang pyesta na walang banderetas..

ang plasa ay napuno hindi ng mga karosa ng mga prinsesa

kundi ng mga nakahilerang bangkay..

sabi nga eh BYD….bury your dead…

kagitla-gitla ang mga pangyayari….

na maituturing na isang bangungot…

na tila naulit muli nitong nagdaang linggo.

 

buong araw akong naghanap ng balita..

sa facebook, sa youtube, sa tv.

kaninang umaga sa simbahan sa Roma

usap-usapan ang balitang dala ni ONDOY…

nagpaikot kaagad ng collection box..

maraming nalungkot…may kanya-kanyang dalang kwento…

si Isang kakapagawa pa lang ng bagong bahay sa Marikina…

si Brigitte nagpadala kaagad ng pera sa mga magulang ….

si Tano natangay ang kotseng bago sa agos ng Pasig…

Si Mildred narinig ang anak na  nastranded sa LRT…

samu’t – saring kwento…sari-saring katanungan…

 

habang sinusulat ko ang kwentong ito..

 tunnel

 

feeling ko ako ay muling pumapasok sa isang tunnel…

madilim…walang hangin…

at habang tumatagal….

kumikipot ito…

nakakasakal….

senyales na naman ng kawalang pag-asa

panghihinayang…

pagtitika….

pagtatanong!

ito  rin ang nadaanan ng aking pamilya ….

isangpagsubok na iniatas ng

bagyong nagdaan sa aming buhay..

isang taon na rin pala ang nakalipas…

ang sugat ay muli naming binalikan..

wala na ang sugat, pero ang pilat na inimarka nito

sa aming pagkatao at kasarinlan ….

ay nag-iwan ng isang tandang malalim at panghabangpanahon.

 

minsan nga naman dumadaan tayo sa tunnel ng buhay…

ng kawalan ng pag-asa ..

mga pagsubok na magyuyurak sa ating nga pangarap…

 

pero isa lang ang aming napatunayan..

sa hulihan ng tunnel ng buhay

mayroong ilaw na aandap-andap.

at iyon ang aming naging tanglaw

sa pagbangon

mula sa pagkalugmok at kawalan ng pag-asa.

 

kaibigan alam ko ang iyong nararamdaman..

kasi dumaan din kami dyan…

tulutan mong yapusin ka namin

upang madama mo muli ang init

ng pagmamahal…

tulutan mong pahiran namin ang mga luha

ng lungkot at hinagpis..

kahit sa ganung paraan maibsan ng kaunti

ang iyong nararamdaman…

tulutan mong samahan ka namin hanggang maabot mo ng tanaw

ang ilaw na gagabay sa iyo…

kandila

 

kaibigan, sa gitna ng iyong laban sa buhay na ito.

ito ang iyong magiging gabay habambuhay.

.

This entry was posted in bagyo, blu, tunnel. Bookmark the permalink.

43 Responses to blu tunnel

  1. Pingback: We write to taste life twice, in the moment and in retrospect. « …ɐʍɐƃɐɯ ƃuoʞɐ ɐןɐʍ ɐs ɥǝ

  2. sandi says:

    maraming salamat po sa post na ito! Ang mga balitang ito ay napapakinggan ko lamang sa aming de bateryang radyo simula ng dumaan si Ondoy.

    Nagpapasalamat ako kay Lord na wala naman masyadong nangyari sa amin. May mga nawala at hindi na magagamit, ang mahalaga buo pa rin ang aming pamilya at tahanan.

    pagkatapos ng baha.. ang pag-aayos ng bahay at pagpupundar muli.

  3. jason says:

    kuya blu

    namiss kita wahhhh

    nakakatrauma

    nakakatrauma

    wahhhh

    thanks God safe ako

    at yung ibang mga nakasurvive,,,

    lets pray sa mga na wiped out

    huhuhuhu

  4. TSI says:

    Salamat sa post na ito Sir Blu, na-inspire ako, let’s pray for them na tatagan ang loob, hindi Niya tayo papabayaan. ^_^

  5. Rizza says:

    Sa lahat ng hirap may ginhawang naghihihtay, wag lang mawalan ng pag-asa. Ang mga pangyayaring nagaganap sa mundo ngayon ay isang katok sa atin upang tayo magising at magbago. Simple lang naman ang mensahe ng Amang Diyos… tayo ay magmahalan, wag maging makasarili at wag sirain ang ano mang meron tayo.

    mabuhay ka blu… ang artikulo mong ‘to ay isang malaking bagay para pampagising sa mga taong tulog sa kabutihan at mulat sa kasalanan.

  6. fortunately, in davao we dont have typhoons.

    but rest assured, i am one with you in prayers.

    the people of olutanga island, zambonga sibugay offered masses for the victims of calamities.

  7. .poOt! says:

    sana makabangon agad ang mga Pilipinong naapektuhan. kaya natin ‘to kung magtutulong tulong tayo. sa mga panahong ito, sino pa ba naman ang magtutulungan kundi tayo tayo din.

    naalala ko nung humagupit din ang reming dito sa bicol. ang bahay namin nalubog din sa baha. walang pinagkaiba ng nangyari sa maynila at mga karatig pook nito. i think may gustong ipahiwatig si Bro.
    🙂

  8. dhyoy says:

    may mensaheng pinaparating si Papa God at si Ondoy ang nagdala…. haizzz

    sana makabawi agad ang Pinas.

  9. yeah sana wag mawalan ng pag-asa kahit ang sakit-sakit at ang hirap-hirap.
    mahirap i-explain pero maiging gawin ay pilitang umalis sa kinalulugmukan. kung na-trap sa tunnel imbes na mag-stay doon at ma-suffocate bat hindi hanapin ang daan palabas.

    sana nga ay makayanan ng mga masalanta at wag talaga silang mawalan ng pag-asa

  10. livingstain says:

    MY GOD KUYA BLU KINIKILABUTAN AKO.,.. naalala ko tuloy ang mga ipinapakita sa TV

    god salamat, hindi ako isa sa kanila…

    God Bless Philippines

  11. J.Kulisap says:

    Hindi ko muna binasa ang mga hinaing at komento nila.

    Walang ibang suspek kungdi tayong mga palalong at mapag-imbot na mga tao.
    Sa Leyte, sa Quezon Province, sa Bicol, Pampanga, Cagayan de Oro, Iloilo, at kung saan saan pang bahagi ng Pilipinas- pinaparanas ng hagupit at ganti ng kalikasan.

    Kapalaran nating masaksihan ang pagbabago ng panahon gaya ng pagbabago ng ating nakamulatan.

    Hindi sapat ang sardinas, noodles, tuyo, lumang damit, pagbuhat sa namatay o paglakad sa putikan para mahanap ang nabaong pag-asa.

    Nang ilibot ako sa Kanlurang Bisayas, noong nakaraang buwan, kasama na sa kwento ang trahedyang nangyari sa kanila, dama ko ang pait at panghihinayang pero pinipilit nilang bumabangon.

    Hindi masama ang pag-unlad pero hindi rin masamang alagaan ang ating kalikasan.

    Huwag masyadong makasarili. Walang taong namamatay ang nakapagdadala ng kaniyang yaman.

  12. napakagandang entry po nito..

    tama po sa dulo ng tunnel may naghihintay na liwanag at itong entry mo na ito ay isa sa mga liwanag na nagbibigay ilaw sa dulo ng tunnel na iyon.. itoy para sa mga biktima ng bagyong si ondoy… nakakatouch po..

    lahat may reason bakit nangyayari ito.. para matuto.. magising.. marami pong lesson dapat matutunan…

    Sabi nga there’s always sunshine after the rain..

    God bless us all😉

  13. Ax says:

    Hello po Kuya Blu. Sa amin okay naman. Hindi kami binaha pero yung kalsada namin ay binaha. Syempre, naligo rin ako sa ulan at naghakot ng gamit dahil yung mga boarding houses namin ay binaha. Nakakalungkot nga lang at may ibang pamilya na nasira ang tahanan, nawalan ng gamit, at kalunos lunos ay nawalan ng miyembro ng pamilya.

    Ipinapanalangin ko sila.

    Although Ondoy may have wreaked havoc, the bayanihan spirits of the Filipinos will make things better.

  14. joycee says:

    Hinde tayo dapaat nawawalan ng pag-asa sa mga gantong panahon, dahil tama Kuya, at the end of the tunnel ay merong ilaw na magtuturo saten ng tamang daan.🙂

    Prayers promised to those who are affected by Ondoy.

  15. lababo says:

    It’s mother nature’s way of waking us up. Kaya naman pala nating magtulong tulong eh. Sana hindi lang sa mga gantong kalamidad at sakuna makita ang pagtutulungan nating mga Pilipino. Kahit sa Facebook at Twitter lang, kitang kita ang buhos ng suporta.

    Sana marami pang tulad mo blu na mag alay ng kandila at panalangin para sa mga nasalanta.

    Kaya natin ito.

    Magiging maayos din ang lahat.

  16. Mr. Nonsense says:

    maraming magkakamali na iisiping gawain ni God ang baha…ang natural disasters.
    …no, masakit sa kanya ang makitang nagsa-suffer ang mga kalikasan nya.
    sa totoo lang, nandoon si God…sa bayanihan, sa kasasamahan, sa pagdarasalan, sa pagdadamayan…sa lahat na mga simple or heroic show of kindness na nakaka-uplift ng puso.
    …and to say, may Diyos nga tayong nagmamahal.

  17. tama ka. ang buhay ay talagang ganyan. minsan talaga ay mararamdaman mo ang kawalan ng pag asa. yung parang hindi ka na maka hinga sa dami ng pagsubok sa ating buhay. Ang trahedyang dinala ni Ondoy ay isang pagsubok sa atin. Ang lahat ay nagulantang ngunit sa oras ng problema, makikita natin ang mga magagandang bagay sa ating mga pinoy. Ang pagtutulungan ng bawat isa.

    Ngunit tandaan sana natin na sa bawat pagsubok lalo na yung nangyaring trahedya. May mga makikita ka pa ding mga pinoy na naka ngiti na nakapag bibigay ng pag-asa sa bawat isa…

    http://justsayknow.paidtoblog.com

    bisita ka kaibigan:)

  18. Junice Lopez says:

    ayos ang blu tunnel!

    tama ka kuya blu!

    sa loob ng tunnel madilim man sa dulo may liwanag din na nagbibigay pag-asa sa mga nagdadaan rito..

    kuya blu! sa kabila ng pinsalang dinulot ng bagyo.. nakakapanlumo man lalo na sa mga nasalanta tama na hindi dapat mawalan ng pag-asa..

    galing mo kuya blu!

  19. lhen8 says:

    YES!!! BASE AKOOOOOOHHH!!! Alam mo parikoy natext ko nga ito kay padz(fr.fiel) sabi ko sa kanya tamang tama yung mga candle na post mo….sa nangyayari dito sa pinas…

    haaaaaaaaay ang mother nature nga namn pagkumilos oh …. wlang mayaman at maralita sa kanya………

    salamat naman sa diyos at kami dito hindi naranasan ang matinding baha na yon… kawalan nga lang ng kuryente…kaya pag sindi ng kuryente nagulat ako sa nakita ko sa t.v…….. OMG!!! iba magbigay ng mensahe si bossing(GOD)………..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s