lamparang blu

tuwing araw ng biyernes..

hindi na ako magkaundagaga sa pagbibitbit

ng boteng galon patungong

gasolinahan ni Mang Akong…

ito kasi ang nakatoka sa akin tuwing biyernes ng hapon

bago pa man ako makipaglaro sa mga kaibigan.

gaas nga po…limang piso.

nakangiti ang Mang Akong

sabay dukot sa bulso ng isang kendi..

bait mo bata ka!

 

alas sais …dapat nasa bahay na ako..

sisindihan na kasi ang lamparang blu.

 

lampara

 

ang totoo nyan di naman talaga kulay blu…pero sa tingin ko naglalaro sa kulay blu.

dito kasi sa ilaw ng lamparang blu nabuo ang samu’tsaring kwento

na hinabi ng aking lola sa aking murang kaisipan.

 

isa na dito ang kwento ng diwata ng mga ulap…

Bughaw ang kanyang pangalan…malalaman mo pag masaya siya..

kasi matitingkad ang kanyang kulay, pati mga ibon napapakanta sa kanyang halina.

isang araw may dumating na prinsipe at nabihag sya sa kagandahan ni bughaw…

di naglaon umusbong ang kanilang pag-iibigan…

pero tutol ang Amang hari ng Kalikasan..

at pinapatay nya ang prinsipe…

dahil sa sobrang kalungkutan…bumuhos na walang tigil ang luha ni Bughaw…

walang tigil…na pati ang kalikasan ay nakiisa sa kanyang kalungkutan

sumungit ang panahon…kumulog…kumidlat nang napakalakas..

binaha  ang sangkalupaan..

at mula noon sa tuwing naalaala ni bughaw ang kanyang prinsipe

umiiyak sya ng walang katapusan.

ito ang pinagmulan ng pagbaha sa sanlibutan.

ani pa ni lola…

kaya nga sa awa ng mahal na Hari ng Kalikasan sa mga tao

pinababa nya ang mga bituin sa langit upang gabayan

ang mga tao sa dilim at masungit na gabi….

di naglaon bumalik  ang mga bituin sa langit

pero nag-iwan sila ng mga dilang apoy sa sangkalupaan…

kaya nga naimbento ang lampara para maging

ingat-yaman ng ilaw na bigay ng mga bituin…

 

mula noon sa kadiliman at kalungkutan ng gabi…

sinisindihan ng mga tao ang kanilang lampara upang

ang mga naliligaw ay makabalik sa kanilang mga tahanan…

 

sa mga oras na ito,  nagbabadya na naman ng isang masamang pangitain

sa kalangitan.

marahil nalulungkot na naman si Bughaw..

bubuhos na naman ang kanyang luha..

tulad ng pagdaloy nito na walang humpay

noong nakaraang linggong nakalipas…

 

kailangan sisindihan na naman ng mga tao ang lampara….

ng pagmamahal

ng katahimikan

ng pag-asa

ng pagsusumamo

ng pagbabalik-loob

ng biyaya

ng pananampalataya….

 

kaibigan, ikaw……sa mga oras na ito..

anong lampara ang sisindihan at pagniningasin mo

sa panahon na may nakaambang panganib

at kagipitan.

This entry was posted in blu, bughaw. Bookmark the permalink.

42 Responses to lamparang blu

  1. sandi says:

    maraming salamat sa pagsisindi ng inyong mga lampara..

    lamparang may magkahalong tubig at mantika ang aming gamit nitong nakaraan tatlong linggo.

    salamat po muli!

  2. joycee says:

    Kakatuwa, yung mga bata ngayun parang wala na silang alam na mga gantong kwento, mga alamat, about diwatas.

    Pasindi po ng lampara ng pag-asa, para sa lahat ng nasalanta ng bagyo.

  3. nakaka-miss ang ganitong mga kwento!

    dahil sa telenovela, hindi na masyadong nagkukwentuhan ng mga alamat sa bahay ni lola. huhuhu. iba na ang alam ng mga bata ngayon, ung boys over flowers ek-ek. kaya nagla-lighten up ang mood ko pag nakakarinig ako ng mga kwentong tulad nito kuya blu kasi ito ang kinalakihan ko…

    makes me remember, “you are the light of the world…”

  4. maccallister says:

    lola basyang ikaw ba yan?LOL!

  5. precious says:

    hays…nakaka EMO ito kuya blu…-,-

  6. Mr. Nonsense says:

    haaaaaaaaaaaay. namiss ko tuloy ang tatay ko noong bata pa ako. lagi nya kaming kinukwentuhan at pinapaypayan tuwing may brown out…

  7. enjoy says:

    naalala ko tuloy yung kantang “One Little Candle”. tulad kasi ng lampara ang kandila ay nagsisilbi ring liwanag sa madilim na gabi. symbolizing new hope, enduring love for one another, and renewed fellowship with God.

    “It is better to light just one little candle,
    Than to stumble in the dark!
    Better far that you light just one little candle,
    All you needs a tiny spark!

    If we’d all say a prayer that the world would be free,
    The wonderful dawn of a new day well see!
    And, if everyone lit just one little candle,
    What a bright world this would be! “

  8. kabait na lola nakwentuhan mga apo niya as bonding di niya alam naghuhubog yun ng pagkatao ng kanyang mga apo. Sabi nga di ba maging isang lamparang walang taklob upang maging liwanag ng nadidimlan. Nawa’y maging isang liwanag din tayo ng sanlibutan.

  9. Walongbote says:

    Your so mapalad, because wala me experience n knuwentuhan aq ng lola ko.. Pero ang dami mo natu2nan sa mga kwent0ng buhay n ganyan.

  10. ang creative naman! ang napi-feel ko lang twuing umuulan aya parang malungkot din ako, siguro naba-vibrate ko rin si bughaw. sa panahon ng gaya nito, ang binubuksan ko yung lampara na kahit simple pero nakapagbibigay ng sapat na liwanag at init sa aking pamilya.

  11. dlysen says:

    Isa na namang magandang kwento ng pagibig. marahil marami maka relate dito sa dami nang ganyang relasyon. Mawalang galang napo at paumanhin kung maitanung ko kung Lola mo ba si Basyang? Magandang araw.

  12. lhen8 says:

    ay kua blu hindi pala ako nakapag iwan dito ng komento
    pero nag sindi ako ng lampara sa facebook at ini WALL ko
    bilang pagbabahagi sa magandang post mo ito……..

    para sa akin ang pag sindi ng lampara bilang paalala
    sa disiplina……, responsibilidad at pag alala na laging manalangin sa poong may kapal

    marahil nawalan ng disiplina ang iba sa atin…kapabayaan sa kapaligiran…,
    kawalan ng responsibilidad sa pinagkatiwalang magandang kalikasan nuon na bigay ng dios….kung kya nakaranas tayo ng delubyong ganito…….
    sa pag sindi ng lampara….. alalahanin sana ng ibang tao ang pagpapahalaga sa kalikasan………… (kaya marahil nakaranas ang bansang pinas ng pagbaha..kawalan na ng mga puno sa mga bundok…….. at kapabayaan sa kalsadahan…….parami ng parami ang basura…….)

  13. boypulubi says:

    Tunay na tunay Kabayan.

    Tara na mga Ka-blog at ating sindihang muli ang lampara upang manumbalik ang lahat ng nasambit dito.

  14. aksoriyalmo says:

    Sisindihan ko ang aking lampara. Hindi blu ang lampara ko. Para itong space ship. Parang isang unidentified flying saucer na maaaring lumipad sa langit. Nais ko man ng simpleng lampara, ito ang binigay Niya sa akin.

    Nakakatuwa ang lamparang ito. Dahil sa lamparang parang spaceship, nakikita ko ang daan ng maayos upang ako ay hindi maligaw at matapilok sa aking daraanan.

    Tulad ng sabi ko, sisindihan ko rin ito. Ang liyab ng apoy nito ay pagmulat at pag-asa. Ang init at apoy ng aking lampara ang magpapalumbay sa lamig na nadarama ng nangangailangan. Ang ilaw nito ang gagabay patungo sa paroroonan.

    Ito ang aking lampara. Hugis spaceship.
    Iyan ang lampara mo. Kulay blu.
    Kay Hamster, kung walang Rizal na nakasulat, eh mukhang, Hamster.
    Kay Kulisap, marahil may pakpak ng gamogamo ang kanyang lampara.

    Gusto ko malaman kung ano ang hitsura ng mga lampara nila. Sana ikwento din nila.

  15. Pingback: Link Laboratory « i invented courage medicine

  16. J.Kulisap says:

    Lagyan mo naman ng gaas itong aking lampara Mamang Asul.

    Nais kong balikan ang masukal na daan. May ahas, may paniki,
    may nakawalang buwaya, may mga walang buhay pero di naman nakamamatay.

    Lagyan mo ng konting gaas itong aking lampara.

    Silahis naring araw, tila malaot pa.
    Turuan mo akong, tumingala
    Turuan mo akong humiling.

    Kaya ko kaya?

  17. hisnameisdencios says:

    hay.. i need more of this. very timely sa akin ito boss blu!😀

  18. p0kw4ng says:

    sisindihan ko ang lampara ng katipiran kuya blu…i just realized the value of money kasi gipit,ahahaha…

    nandito na ulit ako sa milano..pasyal kayo dito!

  19. dear lovely..

    babalik at babangon muli tayo…been praaying for you and your family..nararamdadaman ko ang sakit ng inyong pinagdaraanan at ng lahat ng ating kapwa pinoy na biktima ni Ondoy…

  20. lovely says:

    pray pray..alam ko di nya tayo pababayaan..
    sana hindi na rin malungkot si bughaw..
    kailangan ingatan natin lahat lalo na ang mga mahal natin sa buhay..
    magbalik-loob tayo..
    salamat kuya blu sa kwentong to..
    naway bumalik sa ayos ulit ang lahat..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s