blu violin

blu violin

pagpanhik ko attic ng bahay …

napagmasdan ko ang lumang violin na ito…

isang takaw-tingin lang…

sandali kung pinagsino…

at pagdaka’y kinuha ko ang lumang kahon na katabi lang nya.

 

hindi mapawi sa aking isipan ang lumang violin habang nakahiga ako…

halos di na ako dalawin ng antok…..

pilit kung winawaksi sa aking isipan ..

ang lumang violin….

pero parang may kung anong halina itong kumakaway…

 

bigla akong napagitla….mag-uumaga na pala…

ang lumang violin nasambit ko…

parang tao kung kumausap ang bawat musikang hatid nito…

 

ah! yun ba….ani mang juan..

ang lumang violin nahinto ng tumugtog

noong namatay ang anak ni Sir George..

si Marina….

kung naabutan mo lang…

animo’y may kung anong hiwaga at tamis

ang bawat musikang dulot nito…

 

sa bawat indayog at hapit ng mga daliri

ang galak ay napapaluha…

at ang panglaw ay napapahalakhak.

 

kahapon lang narinig ko ang musika galing sa attic

mula sa isang violin….

ha?…

ika – 5 ng oktubre…limang taon na pala ang nakalipas….

tuwing sasapit ang araw na ito….

sa duyan ng musika ng violin ,

muling nabubuhay ang alaala ni Marina.

oo,  kahapon muling nabuhay ang lumang violin.

This entry was posted in blu, misteryo, violin. Bookmark the permalink.

26 Responses to blu violin

  1. lhen says:

    ah! yun ba….ani mang juan..

    ang lumang violin nahinto ng tumugtog

    noong namatay ang anak ni Sir George..

    si Marina….

    kung naabutan mo lang…

    animo’y may kung anong hiwaga at tamis

    ang bawat musikang dulot nito…-SA POST MONG ITO KUYA BLU MAY PARANG SINASABI NA PALA SA AKIN SI GEO….”NAMATAY ANG ANAK NI SIR GEORGE….” SI GEORGE ALTOBAR SR. ANG DADDY NI GEO….. ANG MGA POST NG MGA BLOGGERS…COMMENTS KO…MGA DOWNLOAD KO SA FB ay waring nagbabadya na pala yun ndi ko lang batid……………… isang musikero rin siya kya pala ganito ang comment ko ” oh my… kinikilabutan ako ng basahin ito …. ” 12 yrs na nakakalipas…. 1997 ko xa nakilala naging kami ng 4 na taon at pagtapos nuon ay wala ng komunikasyon pero bakit til now kuya blu ndi ko mapigilan ang humagulgol……………..?…..,,,,,…….

    • meron nga bang ipinahiwatig si geo….di ko alam…minsan ang mga pagkakataon ay talagang nangyayari….kabit kabit kasi ang buhay natin kahit di tayo magkaano….

      …you are still hurting…it is alright to grieve…but not for long…you have to move on for your sake and for the sake of your loved ones…

  2. sandi says:

    Naalala ko tuloy ang aking violin sa itaas ng aking aparador.. isang dekada ko na yata siyang hindi pinapansin🙂

    salamat po sa paalala!

  3. kaye says:

    tumindig naman daw balahibo ko pagkabasa ko nito… but you’re right, violins evoke much emotion. wish ko nga kahit man lang isa sa mga anak ko matutong magviolin… iba kasi ang dating ng violin kaysa kahit anong instrumento…

  4. lovely says:

    dati nung nasa simbahan ako (choir pa ko nun)
    may mga kabataan din kaming marunong mag violin sila ang mga taga violin habang kami naman eh kumakanta..nangarap din akong matuto nito kaso ayaw nya sakin hehe..

    may misteryo ah..ano ba kinamatay ni marina kuya?

  5. Mr. Nonsense says:

    i’m touched. and at the same time, kinilabutan ako sa mental image ng violin na tumutugtog nang mag-isa.

  6. ELIment says:

    mukhang may misteryo sa likod ng violin. hehe

  7. J.Kulisap says:

    Ooppps, bago ako lamunin ng lumang banga upang mag-ipon ng panibagong enerhiya, ano pa’t ako ay nahalina sa musikang pumapailanlang mula sa bayolin.

    Si Marina pala ang tumutugtog gamit ang kaniyang puso at kalulwa. Ang pagkapanglaw ay isang musika sa aking pandinig, ang haplos at aliwiw na nagmumula sa bayolin ay nagpapalutang sa aking alaala.

    Salamat Marina, salamat sa iyong puso at kalulwa. Naiwan mo ba ang bayolin?

  8. joycee says:

    I’ve always wanted to learn how to play any musical instrument, and the violin is #1 on my wishlist, kaso hinde ko magawa kase.. kase..

    Hinde ko masabi, basahin mu nalang po ‘to, dito nireveal ko kung baket hinde ako matuto magplay ng kahit anung musical instrument, guest blogger ako early this year sa blog ni Neto

    http://netoriffic.wordpress.com/2009/01/19/habang-wala-si-neto/

    Have a great day Kuya!

  9. musika ng alaala…yan ang dala ng ating nakalipas….

  10. dhyoy says:

    hmmm… narinig mong tumutugtog ulit si Marina? iskeri…

    sino sya sa buhay mo Mr. Blu?

  11. .poOt! says:

    grabe kuya, ang lalim nun ah.

    — OFF TOPIC: magbi-bid daw ang rome sa hosting rights of the 2020 olympics. totoo ba? ang alam ko meron pang isang italian city na susubok.

    uhmmm… bakit ko ba naitanong?

    wala lang.

    hehe. about sa 2016 olympics kasi ang newest post ko. daan ka po🙂

  12. lhen says:

    oh my… kinikilabutan ako ng basahin ito ….

    grabeh iba talga ang nalilikha ng musika kuya blu
    naalala ko tuloy ang xbf ko na musikero… na hanggang ngayon parang nakakabit na sa akin ang mga notang iniwan nya magmula ng maghiwalay kami…..

    12yrs na rin nakakalipas at nakakabit pa rin sa buhay ko ang mga musikang iniwan nya… kaya naman dinadivert ko yun sa mga paslit at pagkakatesismo ko…..

    hindi man violin ang naipamana sa akin ng xbf ko pero iisa lang nililikha nila kuya….
    musika na may hatid na kakaibang mensahe sa bawat tugtog nito…..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s