blu travel

bag

butterfly: sa sunday punta ka sa haws namin bertdei ni mama…

blu: sori wala ako….im leaving tomorrow…

butterfly: pasaan….ilang araw?….kailan balik mo?…eh di ba kababalik mo lang?….bakit ka na naman aalis aber?….ano ba yan….life is unfair…ikaw …alis ka na lang ng alis…..bakit kaya may mga taong sadyang pinanganak na may nunal sa talampakan…..ano ba…tagal pa naman ng aming preparation tapos di ka pala makapunta…….blaaaahhh!…blaaaah!…..blaaahh!

blu: eh….kasi….

butterfly: o sya wag kang magpapakita ng walang dalang pasalubong….

ayssss….. mga ka-bloggers doon nagtapos ang dialogue …este monologue ni butterfly!

 

Tama! Paalis na naman ang kuya blu ninyo…

nine days akong mawawala.

trabaho lang to, walang personalan.

eight hours drive.

halos boundary na ng Austria…aktwali, 20 minutes Austria na!

Bukas…iniisip ko na kung papano ko gugulin ang walong oras na biyahe..

una…magbibilang ako ng mga punongkahoy sa daan.

pangalawa…maglalaro ng mahjong titans sa pc.

pangatlo…makikinig ng nobodi got chu!…heheheh peborit ko ngayon yan…

pang-apat…

panglima…

pang-anim….

saka ko na isusulat….hehehe…

 

pero ang totoo kanina pa ako nag-iisip…

bakit kaya ang tao kailangang maglakbay?

eh pwede namang tumigil lang.

pero nawari ko…

di ba ang buhay ay isang paglalakbay…

kasi pag di ka na naglakbay…

dedo ka na?

 

ano ang connection?

wala naisip ko lang….

kayo ano sa palagay nyo….

This entry was posted in biyahe, blu. Bookmark the permalink.

64 Responses to blu travel

  1. wag kalimutan ang camera para magpicture picture habang naglalakbay.

    hmmm, life is indeed a journey, no? a pilgrimage, a sacred adventure. Within everyone’s inner solitude, there is that bright and warm hearth where the spirit dwells waiting to be roused.

  2. kengkay says:

    ay, paborito din ng mga little kengkays yang nobody but chu na yan. sukang suka nga sila kapag nakikisayaw ako sa kanila e, hahaha. alam mo kakaibang biyahe ang pinagdaraanan ko ngayon; at alam ko kung saan ko nakukuha ang lakas para magpatuloy… dun sa Kanya at sa rosaryong parating hawak ko at sempre, dahil sa kantang Nobody but Chu😀

  3. walongbote says:

    wala ka pang nasasabi hehehe.. andami na nasabi.. ni butterfly.. natawa ako..

  4. topexpress says:

    kuya blue, ingat po sa pagbyahe! ang paglalakbay ay ang pagbuo ng pirapirasong puzzle ng buhay. upang maging ganap ang ating buhay, kailangan nating maglakbay. Minsan nakakapagod na parang gusto mo na mamahinga, pero minsan para tayong wlang pagod sa paglalakad makarating lang sa patututnguhan.

    Nawa ay maging ligtas ang iyong byahe at paglalakbay. Ako mag aaply pa lang po ng schinegan visa sana ma approve. ahehehe

    hab a gud dey kuya blu!

  5. Mr. Nonsense says:

    mahirap para sa mga pamilya ang maglakbay-lakbay. mahirap pag ang spouse ay laging wala—mahirap i-maintain ang intimacy. mahirap ang palipat-lipat ng tirahan, lalo na’t may mga anak—mahirap magmaintain ng consistency at structure. at some point, we need to stay in one place for a while and let ur life as one unit, one family, take u in an adventure of growing up together.
    hehe…emo lang

  6. jason says:

    Kuya Blu!!! YooohooO!!! heheheh

    wala lang,,

    patumbling muna sabay somersault

  7. Sows says:

    aba! pasalubong po! hehe..

    musta na po?

    close? hehe..
    😆

  8. otep says:

    kuya blu.

    kailangan umalis ang tao para mahanap nya ang sarili,

    parang simpleng paglabas lang yan sa bahay.

    kapag hindi pumunta sa tindahan, magugutom ka.

    Sa paglalakbay na’tin marami tayong matitisod, makakasalubong at makakadaop-palad.

    sakaling magawa na tin yun, makakaranas tayo ng pagkatapilok, pagkakaroon ng sugat at pagkatuto na masasabi nating – totoong buhay

  9. Nortehanon says:

    hmn, kapatid, sa tingin ko naman…..ay dapat dumiretso ka na sa Venetian lagoon and enjoy yourself sitting in a gondola hehehe.

    Pasensya na ngayon lang nakadalaw. Medyo tagal kasi ako nawala sa blogging world. Heto at unti-unting dinadalaw ang mga kaibigan sa mundong birtwal🙂

  10. taympers says:

    life is an endless journey. and i believe so.ingats.

  11. yhen says:

    pero bakit nga ba kelangan magbyahe?

    dahil sa mundo maraming bagay ang dapat iexplore para mas makita natin ang ganda ng gawa ng Maylumikha.

    dahil ito ay pagkakataon para makilala natin ang mga taong pwedeng maging parte ng buhay natin ngayon, bukas, at magpakailanman.

    at dahil sa paglalakbay mas handa nating haharapin ang bukas nang walang takot pero may patutunguhan…😉

  12. waaah..ako naman super love ko ang travelling..tc!

  13. flamindevil says:

    kuya blu, i need your help pls…vote for me in the philippine blog awards!#35-flamindevil..pls click the link then you can see on the left side there’s a voting area.click#35 then submit vote.thanks in advance…this means a lot to me. :p

    btw, bonistation is number 33 and topexpress is number 34..u can vote 3 people at the same time. thanks po.

    http://pinoyexpatsblogawards.com/

  14. boypulubi says:

    Sana ay maging masaya ang iyong paglalakbay.
    Enjoy sa Austria.
    Ingat.

  15. livingstain says:

    kuya blu sasama ako, wait gagayak lang ako… ikaw naman hindi moko sinabihan agad…

  16. jason says:

    heheheeheh ang galing ah austria naman ngayon kuya blu!!
    huwaw!
    hehehehe naglalakbay ng naglalakbay. kung baga life goes on continuously.
    😀

    Hi kuya blu!!! kamusta kamusta!!!😀

    nandito na ko para i resume ang pag tutumbling woohoo

  17. Nashyboy says:

    well try mo obserbahan ang nangyayari sa paligid mo habang nakatingin sa bintana ng sasakyan o kaya tumingin ka sa langit parang nakahiga ka lang masarap yun🙂

  18. dhyoy says:

    Agree ako na ang buhay natin ay isang mahabang paglalakbay. Isang paglalakbay na sobrang dami ng daan na pagpipilian. Nakakalito. Minsan pa nga kahit may dala tayong mapa para ituro ang tamang direksyon nauuwi pa rin tayo sa maling destinasyon.

    May mga pagkakataong naliligaw pa tayo. Mga pagkakataong sinubukan tayo ng pagkakataon.Mga panahong dumadaan tayo sa mabatong daan na hindi natin alam kung hanggang saan. Mga panahong tumitirik ang sinasakyan natin na hindi natin alam kung may tulong na mahihingan. Mga panahong mejo madadaan sa matrapik na lugar. Mga panahong kailangang magstop-over.Mga oras na humihina ang baterya o nauubusan ng gasolina.

    I-share ko lang ito :

    Where we are going is not always clear. So sometimes it is best not to plan our trip but to go by faith.

    Even with faith on our side. We can still lose direction. We are not really lost but somehow we have stumbled off our path.

    These are the most crucial times in our life. Times as these that can make us or brake us as the old saying goes. But it all really depends on us. We think life is out of control but it is completely in our control because it is all about choice.

    We choose our paths, our roads, and our faith. We choose what to live for and not to live for. We choose what to believe or not believe in. We choose what is important in life and what is not.

    We make mistakes because sometimes the fork in the road has too many paths and we do not always know which one is the right one to choose.

    Some lead to disaster, some lead to happiness and some are just plain dead ends.

    In a parable, life is like a road trip. Some roads we choose can be dangerous but necessary to use to get to where we are going. Others can be bumpy, uncomfortable and other times it can be smooth.

    We have taken roads to disasters roads to happiness. But we seek to find the one we were destined to find at birth. The road at the end, the last road we will ever have to take on this earth. (Mary Guimont.)

  19. J.Kulisap says:

    Masarap maglakbay, maraming kakaibang nakikita at nalalasap, pero nais pa rin ng kulisap na lakbayin ang bayang sinilangan bago ang iba pang nasa labas ng Perlas ng Silangan.

    Maligayang paglalakbay ng iyong katawan, ng iyong isip.

  20. enjoy says:

    madalas din akong mag-travel noon dun sa dati kong work sa atin sa Pinas. natutuwa ako kapag sa Northern Luzon ako naa-assign. gusto ko kasi ang mga long bus drive. naaaliw ako sa sceneries.🙂

    ingat sa biyahe blu! isama mo na lang ako virtually🙂

  21. deejay says:

    kakatuwa mag-travel. it’s one of my greatest joys. inggit ako sa yo blu. gusto ko magkaschengen visa para makapag-backpack thru europe kahit isang beses man lang. para adventure. pero kelangan pag-ipunan. ambilis kasi dumaan ng panahon. ambilis lumipas ang mga taon, gusto kong maranasan ang lahat ng maaari kong maranasan bago ako tumanda.

    hi blu! *kaway*😀

  22. tingin ko po kaya kailngan na maglakbay ay

    -para mahanap ang iyong bagay na wala ka
    -para makita ang ibang lugar na magpapalawak sa iyong kamalayan
    -para makapag-exercise
    -para may silbi ang mga sasakyan
    -para maka-meet ng iba pang tao
    -para hindi mabagot

    hehhee yun lang… pero ngayon hirap maglakbay sa metro manila. traffic na traffic pa. wahhhhh

  23. sows says:

    pag hnd ka na nakapaglakbay bka po napapagod k lng, umupo sandali..nag snacks, nakakita ng bebot/hunky na pagtutuunan mo MUNA ng pansin..

    pro di ibig sabihin non n tapos k ng mglakbay..lumihis ka lng saglit..
    may sense ba ko? sows…ko,,po…

  24. IKAY says:

    ay ang sarap nman travel galore..ahihi
    ingat po sa byahe…

    faborite din nmen ng niece kong 4 yrs old yang
    nobadi butchu na yan…hehehe

  25. aksoriyalmo says:

    yay. okay, di ba nga sabi mo sa akin ayos na ang preparation mo for that. buti na lang nagawa mo na yung presentation mo! ang work mo nga naman oh. alam mo Prof. Blu, bilib ako sa trabaho mo..

    (pero ipapaalala ko sa’yo.. di pa rin ako makamove on. haha.)

  26. joycee says:

    Enjoy your trip Kuya! Sabi ng tatay ko, life is a never-ending journey, kase as we go, madame tayung natututunan eh.🙂

  27. hisnameisdencios says:

    kailangan maglakbay para MATUTO SA BUHAY!!

    enjoy ka lang boss blu! GBU!

  28. kaye says:

    tama nga naman na ang buhay ay isang paglalakbay. at kung may mapupuntahan kang magagandang lugar sa iyong paglalakbay, why not, di ba? so go ka lang ng go. at sa paglalakbay, siguraduhing may baong camera para di sayang ang mga view na pupuntahan mo. ingat!🙂

  29. darbs says:

    di ba ang buhay ay isang paglalakbay…

    kasi pag di ka na naglakbay…

    dedo ka na?

    Sang-ayon kuya blu
    Pero may nakalimutan ka
    Na ang pagkadedo ay paglalakbay din
    Paglalakbay sa kabilang ibayo
    Paglalakbay papuntang…
    Saan ba?
    Depende kung ano ang paniniwala
    Kung Kristiano, alam nila kung saan ang punta…
    Pati Muslim…
    Judaism…
    pati na Buddist..
    lahat yan pag na dedo
    naniniwalang…
    sila ay pupunta
    sa kabilang ibayo.

  30. wow ang bilis ni mac……hahahaha….tama ka…una sa listahan ko yan….

  31. maccallister says:

    true!

    masaya kaya yang byahe ng byahe.

    goodluck and have fun sa pagbibilang mo ng punung kahoy haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s