edelweiss

 

maria

martes, oktubre 13, 2009…alas dos ng hapon.

katatapos lang ng lunch namin nang napagpasiyahan kung maglakad-lakad sa labas ng hotel na kung saan malapit sa isang catholic shrine…1,590 m. above sea level. … naka-winter jacket …. lumusong ako pababa at sinundan ko ang isang daan patungo sa kakahuyan….mga kinse mintuos na akong naglalakad ng masumpungan ko ang isang bahay na abandonado….akmang babalik na sana ako ng biglang may tumawag sa aking pansin…isang bulaklak na puti na ang tawag dito ay stella alpina (alpine star)…sabi ko sa aking sarili…swerte ko ito…rare opportunity ika nga…ang tawag rin dito ay edelweiss ……. tumutubo sa matataas na bahagi ng kabundukan at pinagbabawal ang pamimitas nito…

babae: bago ka dito?

blu: (lumingon akong bahagya para tingnan ang pinanggalingan ng boses)….nope…second time ko na dito…

babae: sabi ko na nga ikaw si blu?….sabi mo nga isang araw magbabalik ka…

blu: sorry po….di ko po kayo kilala…..at bakit alam nyo pong isang araw ay magbabalik ako dito?

babae:  nagkausap na tayo….at sabi mo noon may hinahanap ka?…na kung ano di pa malinaw sa iyo!

blu:…. wait ….1994…oo… April….natatandaan ko na….( pero di ko pa rin matandaan ang mukha ng babaeng kaharap ko).

babae: alam ko natagpuan mo na…

blu: natagpuan ko na?

babae: sayang kung buhay lang sana si Joshua….sana katulad mo…..naabot nya na rin ang pangarap niya…

blu: ….si Joshua?

babae:..anak ko….matagal na siyang namatay….doon sa paanan ng bundok na iyon natagpuan ang kanyang bangkay…

blu:…sori po….

babae…wala na yun….matagal na akong nagpatawad….pero mahal ako ng Diyos…kasi binigyan pa nya ako ng isang anak sa aking katandaan…si Jude..

blu: si Jude po anak nyo rin?

babae: hindi…pinahiram lang sandali…….para alagaan….isang buwan na siya ngayong namatay sa kanser…

blu: …..hmmm.

babae:….. si Jude ang aksidenteng nakabaril kay Joshua….labing-walong taon nyang pinagdusahan ito sa kulungan….isang araw….dumating na lang sa aking bahay….humihingi ng tawad….napalabas na pala sa kulungan…..pero ng mga oras na iyon hindi galit ang nanaig sa akin kundi awa at pagpapatawad…

babae:….tinanggap ko siya sa aking pamamahay …pinatulog sa mismong kuwarto ni Joshua….tinuring na parang isang tunay na anak…alam ko hindi siya si joshua….pero….batid ko para siyang anak na matagal na nawalay sa akin…

di pa rin makapaniwala sa aking mga naririnig…wari ko ako’y parang dinuduyan sa isang kawalan…dakilang nilalang…dakilang pag-ibig…nang ako ay mahimasmasan…nawala na rin ang babae sa aking harapan…tuliro man….pinilit kong binagtas ang daan paakyat sa hotel…

Aldo (front desk officer): Ciao blu!….stella alpina….saan mo nakuha?

blu: natagpuan ko doon malapit sa isang abandoned house….may nakausap rin akong babae doon….(at ikinumento ko kay Aldo ang lahat na aming pinag-usapan)…

Aldo:…. Edelweiss…..nagpakita sa iyo si Maria Weissenstein!….

Blu:….Maria Weissenstein?

 

sabado, oktubre 17, 2009, alas otso ng umaga

kahapon bago ako umuwi….dumaan ako saglit sa catholic shrine para magdasal…maraming tao….kahit noong nakaraang gabi ay nag-snow……Maria Weissenstein….nakaukit ito sa labas ng shrine.

This entry was posted in blu, edelweiss, hiwaga, maria, weissenstein. Bookmark the permalink.

96 Responses to edelweiss

  1. bonistation says:

    ang ganda ng kwento, buhay na buhay po!

  2. Kikit says:

    ang swerte mo blu. sigurado ako na mas naiintindihan mo ngayon ang ibig sabihin ng pagpapatawad. salamat sa pagshare sa story🙂

  3. Nortehanon says:

    “so…ano ang naging sagot mo…(halatang di atat sa tsismis hehehehe)”>>>>>Napa-yes niya ako hehehe. Although hindi nga lang ako natuloy na tumira sa bahay niya. Siguro, Dadi Blu has other plans for me.

    (I posted this as a new comment, di na kasi kasya sa threaded comment itong pang 5th comment hehehe)

  4. dFish says:

    Wow! Ang lalim ng leksyon na hindi ako makapag-isip. It borders on liturgy Blu…Ang gusto ko lang sabihin pansamantala – si babae ay jude ay natagpuan ang stella alpina ng kanilang mga puso…

  5. walongbote says:

    parang creepy naman yun, pero grabe.. akala ko talaga minulto ka..

  6. wow, ang galing naman nito!
    posible kayang mameet ko rin xa…sana, para matuto na rin akong magpatawad…
    pacenxa na kuya ngaun lang ulit ako nakadalaw dito!

  7. April says:

    Ganda ng pagkakasalin sa tagalog. ;D Bitin tuloy, hehe cge pasyal ulit ako sa sunod. ;D

    April
    Stories from a Teenage Mom
    Mom on the Run
    Chronicles of a Hermit

  8. Solo says:

    Ayos! Ang ganda ng pagka-kwento. Parang ako ang nasa karakter ng mga tao sa kwento. Ramdam koh, magaling Blu! ;D Sana lahat ng tao ay matutong magpatawad, at muling bigyan ng pagkakataon ang bawat magkasala. ;D

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

  9. maccallister says:

    may ganunnnnnnn din jan?

    parang kwentong mariang makiling hehe!

  10. Joyo says:

    forgiveness… haizzz mejo nahihirapan ako jan

  11. Medyo bitin Kuya Blu… hehehe…

    Hmmm… at kanser pala ang ikinamatay ni Jude… Hindi kasi nasabi dun sa diaries ng apat na kaibigan ni Joshua na parang naging anak-anakan din ni Bb. Maria Weissenstein… Parang iba yata ang hinuha nila sa kamatayan ni Jude…

    May ganun? Haha!

    Hanga ako sa kapasidad na magpatawad ni Bb. Weissenstein…

  12. Alkapon says:

    Matalinghaga at mahiwaga ang iyong pangungusap.

  13. timangkey says:

    tagalog talaga ung pagkakausap sayo?hehehe

    galing naman.

    havent had any encounters with paranormal beings yet…. and im not in a hurry to experience one.=)

  14. bipolarsisa says:

    gusto ko rin sya makausap. sasabihin nya rin kayang ‘natagpuan mo na ang hinahanap mo?’ hehe.

    nakakamiss ang mga blog posts mo Kuya. puno pa rin ng hiwaga..

  15. wahhh nakakapangilabot at the same time nakakaantig ang iyong story kuha blu. kakabugin ang mga international film.

    ganda rin ng name ng flower. like it!

  16. tanom says:

    wow! galing naman.. pagpapatawad talga bro… hahays,, hirap naman gawin lalo na pagCLOSE mo talga ang tao na may sala sayo… hahays

  17. hisnameisdencios says:

    hay…

    kung iisipin natin ang sakit ng mga nangyari e. pero sa kabilang banda e naiisip talaga niya na mas masaya na ang mga mahal nya sa Taas. hay sana maging katulad nya ang madaming taong nahihirapan tanggapin ang pagkasawi ng mga mahal nila.

  18. blu.sparks says:

    napakasimpleng kwento pero napakalalim ng aral.
    mabuhay ang mga blue!🙂

  19. livingstain says:

    natatawa ako sa sarili ko kuya blu kasi hindi ko mabigkas yung mga salita lalo no si Mama worhteshire… hehhehehe

  20. Nortehanon says:

    Kapatid na blu, I think I have a postcard showing that pilgrimage site😉

    Hehehe ang galing ng pagkakagawa mo ng kwento, ng representation mo kay Joshua at kay Jude…at ng babae. Gets na gets ko ang meaning😉 I can almost see a loving image of the Madonna😉

  21. lhen8 says:

    nyayks grabeh totoo ngang nakakakilabot ang kwento kuya blu….
    sa fb sbi mo “brrrrr ang lamig” naku baka katabi mo na si ….Maria Weinssenstein🙂

    ay kuya blu daan ka naman sa bahay ko at kelangan ko ng tulong mo eh……sige na plssssssss……. kelangan ko ng puna mo ruon at grado sa mga stud ko……………
    at kelangan ka din nila para karagdagang marka nila sa pagsusulit …..hehehe🙂

  22. taympers says:

    medyo kinilabutan ako sa kwento, ppero maganddang halimbawa ng pagpapatawad.

  23. joycee says:

    Isang napakagandang halimbawa ng pagpapatawad. Nawa ay tularan natin sya.🙂

  24. sandi says:

    Hello po! kay buti naman ni ms. maria weissenstein, sana po ay ampunin nya rin ako at gabayan habang buhay😉

  25. Mr. Nonsense says:

    i like that song from sound of music…
    at bakit lately ay puro multo ang posts mo? takot naman ako…

  26. yhen says:

    hmmm… mejo weird ang feeling habang binabasa ko ung naging conversation…

    tama nga unconditional love nga ang tawag jan… forgiving is a way of showing unconditional love.

    sobrang hirap nito lalo na’t nagkasala ang tao pero nagawa niyang magpatawad… tulad nalang ni Jesus Christ, na kahit ipinagtatabuyan siya ay handa pa rin niya tayong patawarin sa ating mga kasalanan. ganun niya tayo kamahal.

    John 3:16

  27. J.Kulisap says:

    Kung sana ang lahat ng pag-ibig ay kasing linaw ng tubig sa sapa.

    Kung sana lahat ng pagmamahal ay busilak sa puso at kasing inosente ng sa isang anghel.

    Kung sana ay wala sa talasalitaan, kung sana ay nandito ka lamang.

    Gayong iyong ipinababatid sa akin na kakaiba ang aking mga sulatin, katulad mo rin, may nararamdaman akong hiwaga na nais mong ipabatid…mayrong isang ikaw na ginagabayan ni Maria Weinssenstein?

    May isang anak nag-alay ng walang hanggang pagmamahal Bluguy.

  28. lababo says:

    alam mo yung kilabot in a good way? yun. nadale mo.
    i have this really really different feeling when it comes to parents, especially mothers. Ibang klaseng magmahal, and that specific story proves na kaya nating magmahal unconditionally. Sarap! Sana bago ako mamatay maranasan kong umibig ng ganyan. haaaaaaaaay. amp! umagang umaga naman to! sana mamaya ko na lang binasa.

  29. Ax says:

    uy, natouch ako sa kwento huh. search ko yan.. ise search ko yan.. totoo yan di ba? pero..

    waah! bawal pitasin pero pinitas mo pa rin!

  30. sagana ka talaga sa hiwaga, hummmm pero ang galing, dakilang pagmamahal nga at iilan lang ang makakagawa nun sa atin.

    Congrats po!

  31. Mumu says:

    this is a great story at kung totoong nangyari nakakakilabot .

  32. precious says:

    katakot nmn to kuya blu…

    waaa..

    but lesson learned: dapat wlang puwang sa puso naten ang galit..bagkus, bawat dagok sa ating buhay ay dpat nating ariing isang hamon ng ating pagkatao..

    pwede?😆

    off topic:
    kuya! CONGRATSUMALATIONS! tinawag kagabe name mo sa kite awards! sayang ang layo2 mo! un lng… gandang araw!🙂

  33. deejay says:

    kapangipangilabot naman blu. *nginig*

    hehehe. musta na? ako rin e natagalan bago makablaghap.. but the important thing is you’re back, and i’m back para makapag-kunek sa isa’t isa at sa iba pang ka-blog natin. *kaway kaway*😀

  34. .poOt! says:

    // hi kuya blu. *sabay kaway at palakpak. haha. baliw.*

    kinilabutan ako dun, sa may part na nakaukit si maria sa labas nung shrine. totoo ba yun? mai-google nga. grabe yung ginawa niya. tinanggap niya yung nakapatay sa anak niya ng buong puso.

  35. p0kw4ng says:

    unconditional love…

    kinilabutan ako blu…totoong nangyari? sino si maria..santa ba sya?

  36. lovely says:

    nakakatakot pero nakakatuwa ng buong loob nyang tinanggap ang mismong naka baril sa anak nya..hays..ang sarap naman sa pakiramdam ang pag papatawad..

    at lumawak naman ang isip ko dahil dito kuya..salamat..:)
    pero pwede mo idiscribe ang itsura ni maria..:)

  37. kaye says:

    grabe. had goosebumps reading this.

    bakit kaya palaging parang may nagpaparamdam/pakita sayo na mga spirits? you have a gift!

  38. darbs says:

    Kuya blu ang magawa ko na lang po pagkatapos basahin ang entradang ito ay ganito po.

    Nakayuko ang ulo ni darbs…
    Sa harap ng shrine…
    sabay sambit…
    sya nawa…

  39. jason says:

    waw… isa itong milagro..

    o kaya naman may purpose ang pagtatagpo nyo ni Maria Weissenstein.
    maaaring siya ay nagalak ng may bumisita sa kanila na katulad mo kuya blu.
    😀

    nakaka goosebumps itong salaysay mo at the same time, inspiring lalo na yung ginawa nung nanay na pagkupkop dun sa nakabaril pa sa anak nya..

    Unconditional love nga naman,

    hi kuya blu!!

  40. eli says:

    mukhang may misteryong bumabalot sa kwento.

    bagaman di ko po kilala si Maria Weinssenstein (hehe..pacensya na po). pero sa nakayanang abutin ng isip ko e isa siyang santa?tama po ba?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s