blu wind

Autumn Leaves

kakaloka ang panahon ngayon dito sa roma!

…sa umaga malamig

…sa tanghali mainit

…bandang hapon malamig ulit

….samahan pa ng ihip ng hangin…

…freezing wind….eh! autumn pa lang kaya?

..talk about climate change….

 

kanina habang naglalakad ako pauwi ng bahay…

nakita na naman kita…

ang iyong mapanuksong mga ngiti….

at mga matang halos tumagos na sa aking kahubdan….

minsan tuloy di ako makatingin ng diretso….

dyahe talaga!

 

…bakit kasi nilapitan pa kita?

…bakit kasi di na ako umiwas noon pa lang?

…bakit kahit sa aking panaginip ay parang multo kang sumasalang?

…bakit kahit sa aking paggising, ikaw pa rin ang aking nasa isipan?

 

sana palayain mo na akong tuluyan….

bigyan pahinga ang pagal ko ng isipan…

huwag mo na akong susundan kailanman….

lubayan mo na ako at tuluyang iwanan…

 

kuya blu

…bakit ka ba namumutla?

…sino ba ang humahabol sa yo?

….hinga kang malalim?

….exhale!…….inhale!.

…yan!…

….kuya blu??     ……..

……….*&^%$#%$$##=$@?><<…

……kuya blu di ko maintindihan?…

….bakit po ba?

…kasi ayaw akong tantanan….

nino po?….

sya….sya…sya!….

 

 

aaa148d2347eed2a[1]

 

 

 

 

This entry was posted in Uncategorized, blu, buhay, misteryo, wind. Bookmark the permalink.

74 Responses to blu wind

  1. J.Kulisap says:

    Nagbago ang disenyo ng iyong kuta.

    Katulad ba ng panahon ay nais magbago ng misyon ang Blu?

    Katulad ng panaho’y nais matukso na magbigay ng iba pa?

    Katulad ng panaho’y di ko rin maintindihan ang iyong akda, o baka naman pinili kong hwag kang unawain..muna…ngayon..bukas na lamang.

    Mahihintay mo ba ako?

  2. Kikit says:

    ibang-iba na talaga ang weather ngayon. hindi na maintindihan😦 we need to plant more and more trees.

  3. tanom says:

    grabe ang init dito sa Pinas pero kagabi grabe ang ulan dito sa Cebu.. ito na talga! hehehe

  4. blu.sparks says:

    naghaharas ba yang iphone mo? itapon na..dali!
    hehehe

    dito sa pinas ang init..wala na yatang wet season eh..kung may bagyo lang umuulan..kung wala super init naman.

    ganda ng pix.🙂

  5. ronelM says:

    dami nman may gusto sa fne cge sa kmay nlang ako..huhuhu

  6. joycee says:

    Imperness napangiti ako Kuya Blu! At talagang ayaw ka tantanan ni iPhone ah hihi. Text mo naman po ako hehe!

    At kokomment na din ako sa header na maganda weee.🙂

  7. lhen says:

    hmmmm siguro dami kang txtm8 noh?…at isda pa ang wall paper parang si nemo lang🙂

    hmmm isda ang wall paper?….. at parang tukso lang?… na ayaw kang tantanan ng text?…🙂

  8. bipolarsisa says:

    waha. kala ko pagkaseryoso seryoso.🙂

  9. timangkey says:

    gusto ko nung celpon na un.hehehe

  10. flamindevil says:

    hay naku kuya blu.kala ko kung anu na.

    napaisip ako dun ah..hehe

    God bless po.😀

    thanks nga pala sa comment mo, i was really touched.

  11. livingstain says:

    ay kala ko may liligawan ka na naman kuya blu… ikaw talaga in love ka pala sa isang phone… why not maganda naman kasi,.

    nice header…

  12. Alkapon says:

    Seryoso akong nagbasa dahil nagandahan ako sa pag balangkas mo sa tula..

    pero namputsa.. iphone lang pala ang tinutukoy mo..

    naisahan mo ako.. he he he

  13. jason says:

    una kala ko lab story!!
    i phone pala! hahahah

    cool naman!!!
    😀

  14. kaye says:

    hahahaha! kala ko related na naman sa mga spirits itong sinasabi mo… si iphone pala… in fairness, e talaga namang mapanukso. hahahaa!

    goodluck at sana e mabili mo na siya… kung hindi naman, sana’y makaiwas ka sa kanyang mapanuksong ngiti. hehehe

  15. enjoy says:

    hopefully next year may iphone na ako. weee! malapit na kasing matapos yung contract ko dun sa postpaid line ko ngayon, at pag nag-renew kami promise ni Gard, yung may line na may iphone na kukunin namin. fingers crossed muna…😛

  16. mr. nonsense says:

    iphone ko ay itong palad ko. lahat ng information na kailangan ko eh nakasulat dito…pwede ring entertainment ko pag-bored ako…at pwede ring pansampal.
    …kaya lang pagnahugasan ay sira agad…

  17. shynyrd says:

    waahhh nagbasa muna ako ng comment bago ko nagets.. toinks..

    kung ako yan, nabili ko na yan. impulsive buyer ako eh..

    tayo rin nman may kasalanan bakit may climate change. hehehe.
    kahit pa gumawa ng batas si gloria wala na siyang magagawa, depende na lang kung siya ang isasalang sa araw…

  18. korek abnormal na talaga ang klima ngayon. at abot na pala dyan sa roma (hehehe feeling ko naman ibang planeta yan di ba?!)

    mukhang kailangan na talaga nating maging handa. at huwag ng dumepende sa lagay ng panahon sa umaga para sa hapon at sa gabi para kinaumagahan.

    mabuhay kuya blu!

  19. darbs says:

    Sino sya?

    Ba’t di ko makuha kuha?

    Basahin nga ulit…

    OT: kuya blue, thanks pala sa clap, clapan mong iniwan na karami rami at sa huli naging lima na lang.

    Nag-umpisa na akong mag respond sa comment, pero nung sa iyong comment na- – bigla akong napahinto.

    Black out po ang isip, kaya lumipad na lang akong Roma baka makakuha na naman ng timing mula sa iyo.

    kaway – kaway

  20. dhyoy says:

    nagbasa ako ng mga comments nagbakasali akong makukuha ko ang kwento…. ngunit subalit datawa’t mas naguluhan ako…

  21. dencios says:

    bluroseguy,

    climate change na nga iyan. si gloria pala inaprove na ang climate change na batas.

    with regards sa nangaakit sayo, e goodluck. mabibili mo naman yan kung gusto mo e, ikaw pa mayaman ka parang ako, mayaman sa pagmamahal, wushoo..

    • hahaha…..di ako mayaman…mamaya mo dyan makidnap ako…toinks! at higit sa lahat di ako impulsive buyer…napakabarat ko kaya..hehehe…napagdiskitahan ko lang na daanan parati…..nang-aakit kasi….no worries di sya ang priority ko ngayon at never will be….

  22. lovely says:

    nice hehe..nakabili ka na ba kuya..:)

    hinahabol ka talaga hehe..

  23. sandi says:

    hmmm.. ganda naman ng celfone! libre lang ang mangarap😉

  24. dFish says:

    Wow! Bago header natin Blu. Awestruck kaagad ako. Bordering on addiction na ba? Wala talagang pinipili ang climate change – hubad man o may damit, toinks…

    • hhahahah..talagang ganun ang climate change…walang pinipili…
      nope….napagkatuwaan ko lang syang ipost…..never will i be…i still stick to what is essential in life….di ko kakayananing makipagsabayan sa bilis ng takbo ng teknolohiya….kakalula di ba…..

  25. roomboy1987 says:

    wow ang ganda naman po ng phone na gusto nyong bilin… at siguro mayaman ka noh kasi nasa roma ka na…

    ingat po kayo lage, sya nga pala ako si romeo, baguhan po sa blogging… salamat po…

  26. Ax says:

    Uy, nagjo joke lang ako sa ‘di ako makamove on.’ Wahaha. Gusto ko man habaan ang komento ko, parang wala rin akong mabuo na kaganapan o istorya na magsasabi sa tulang ito. Masyado kaseng misteryoso. Maraming tanong sa taong makakabasa.. Ultimo ang buwan ng Oktubre ay isang palaisipan. Ang asul. Ang hangin.

    Bakit ka nga ba namumutla Kuya Blu? Ganito na lang..

    Bakit nga ba nakulong ka sa panahon na dapat ay lumisan na?

    Sige ka, magpla-plug ulit ako ng artic ko! Wahaha.

    • hahahaha…at talagang may ganitong tanong:

      Bakit nga ba nakulong ka sa panahon na dapat ay lumisan na?

      • Ax says:

        at talagang ganyan ang sagot mo Kuya Blu?! Seriously, may kinalaman ba kay Marina tong post mo? Hindi kase ako nagconcentrate sa iphone, mas nagconcentrate ako sa wallpaper ng iphone na may mga isda.. so naisip ko si Marina of all your post dahil siya lang naman ang may kinalaman sa tubig..?

      • Ax says:

        Kuya Blu, di mo na ako pinapansin.. di mo sinasagot yung tanong ko..

        • Bakit nga ba nakulong ka sa panahon na dapat ay lumisan na?

          minsan na akong nakulong sa isang kahapong ayaw akong tantanan…nag-iwan kasi ito ng malalim na sugat sa aking pagkatao..
          ..pero di na ngayon…ang turing ko sa kanya ay parang multo na lang na sumusulpot sa takda ng panahon….nakamove-on na ako…matagal na…

          …teka bakit mo nahulaan ang misteryo ng post na ito…me 4th eye ka ba? hehehehe…

        • Ax says:

          Kuya Blu naman.. I make it a point to read between the lines.. and to be observant on little things. hehe. actually, ako lang di ba ang nakakuha ng tamang sagot? (yabang ko na naman. wahaha.)

          hm. blu, nanggigigil talaga ako sa’yo ngayon. haha.

        • tama ikaw lang ang hindi nakabasa….yabang! i hate u! and luv u! hahahahahaha

  27. Ax says:

    ah, ito pala ang blu wind, parang naglalakad sa pagitan ng hatinggabi at madaling araw sa mahabang kalsada. haha. nagplug din? basahin ko po muna.

  28. waaahhhhhh…balikan ang kwento…..

  29. dhyoy says:

    da hu? si nemo? uhmmmm errr…. di ko mahulaan…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s