ang rosa ng undas

rose

buds: parekoy… mag-uundas na naman dito sa atin…

blu: oo nga eh..kakamiss…naaalala ko tuloy noong bata tayo…sabit parati kay Fr. Allan…

buds: hahahaha….mga sintunadong choir…galing ng raket natin..

blu: libreng kain…may pera pa pagkatapos….

buds: uy pare! si Marina pala nag-asawa na….kanina nakita ko sa plasa…

buds: maganda pa rin…pero tatlo na ang anak…

buds: di ba naging kayo?

buds: nagtaka nga kami dati…bakit bigla ka na lang nawala..

buds: naghintay rin siya sa yo…kung nakita mo lang kung pano ka iniyakan nun…

buds: ikaw talaga…minsan di kita maintindihan…

buds: may maganda ka namang trabaho ….kaya mo namang magpamilya…

buds: tangnenok naman o!…hoy blu!…andyan ka pa ba sa linya….para naman akong tanga nito..kanina pa nagmomonologue…

blu: ay sori pare…oo naman …..kakaamuse ka kasing pakinggan..ang dami mong alam tungkol sa akin…hahahaha…

buds: eh di ba bespren tayo….hello! kulang na lang isilang tayong sabay sa sinapupunan ng ina mo….

blu: o siya!….panalo ka na…

buds: so anong nangyari……

blu: naalala mo yung undas ….1984 ,yata yun….di sya sumipot sa sementeryo….

buds: anong koneksyon?….

blu: kasi yun yung araw na sana itatanan ko sya…di ko na iuuwi sa kanila…

blu: kaso hindi sya sumipot….after one week…yun nagpakita….may dalawang bodyguard….halos di na nga kami nakapag-usap…

buds: so yun pala…bigla kang nawala….

blu:……oo…… partly…. para lumayo sandali….maghanap…..ewan! kahit ako malabo din yung isip ko nun …..

buds: mahal mo siya?

blu: oo

buds: eh bakit ka lumayo?…..namputsa naman..meron bang ganung pagmamahal…

blu: wala actually magulo na rin isip ko nun…basta!….

blu: noong nagtatrabaho na ako sa maynila…we tried to patch up…pero ako na ang ayaw…

buds: may thrid party?

blu: meron…

buds: ganun ba kadali kalimutan ang unang serious  na pag-ibig…

blu: guilty nga ako eh…..kasi after all these years walang closure….sinubukan kung kausapin sya minsan…pero wala na ring saysay…

blu: palagay ko nakapag move-on na siya….ayaw ko na ring guluhin….

buds: o ngayon di ka nagsisisi?…kahit minsan?…..kahit kailan?

blu: minsan…pero para ano pa….

buds: ok ka ba ngayon?….

blu: ok…ok  ako….

buds: owws!….bolahin mo ang lelang mong gurang!…di ka pa nakamove-on..yan ang totoo!

blu: uy..nakamove-on na ako …matagal na matagal na!

buds: eh bakit para kang nalungkot?

blu: wala may naalala lang ako….

buds: si Marina….

blu: oo si Marina …ang rosa ng undas ng aking nakaraan….

 

iba rin naman talaga ang trip ng dalawang mokong na ito. ….piyesta ng patay….hindi kababalaghan ang topic….kundi puro kasawian ng puso….sana pinag-usapan na lang nila ang karaoke sa sementeryo …o kaya ang mga kandilang binilot ng mga bata…o kaya ang ekonomiya…..climatic change….election……yung kasal ni Mar at Korina…..yung peluka ni Boy Abunda….Si Cory….ang dami kayang mas makabuluhan na topic….

siyanga pala pinakikila ko sa inyo si buds…..ako si buds….si buds at si blu ay iisa.

 

 

 

This entry was posted in blu, buds, rosa, undas. Bookmark the permalink.

58 Responses to ang rosa ng undas

  1. bonistation says:

    harapin mo na uli sya. at lakas loob mong sabihing may nakasumpaan ka ng iba! ^^

    sumumpa ka na. at kahit anong ikot at baligtad ng mundo mas masaya ka ngayon, walang kasing saya at hindi pedeng ipagpalit sa kahit anong ganda at yaman sa mundo! ^^

    God Bless po sa pagibig na pinili mo!

  2. Kikit says:

    i like this entry. ang tao kasi dapat marunong makinig at makipag-usap sa ating sarili, di ba?

    at mahirap talaga mag move on lalo na pag first love ang pinag-uusapan.🙂

  3. ayos lang yan, for a change. at least may undas sa mga linya.

    in fairness kuya may dating.

  4. wahehehe. nagulat ako sa twist. ito ang haloween! si kuya blu kinakausap si kuya buds.

    parang si deejay at si diego jose…

    si ax at si jaime highblood…

    si bertie bott at si dobbie…

  5. tanom says:

    naks naman parekoy~ galing mo talga..hhays nakakrelate ako sa story na yon ah..

    btw, need your reaction sa ginawa kong storya sa ghost sa opis, ito ang link

    http://euts.wordpress.com/2009/10/30/ghost-wanted-a-campfire-creative-beside-the-glass-window/

  6. enjoy says:

    oooh, that’s twisted blu. ikaw at si buds ay iisa. meron ka palang alter-ego.🙂

    sabagay, lahat naman tayo eh meron. di pa nga lang bulgar.

  7. dFish says:

    Tsalap ng istorya blu buds…Alala ko tuloy mga kapalpakan ko rin, haaay. May kirot pa rin sa puso, pero sabi mo na rin, para ano pa ang pagbabalik-tanaw kung isa lang naman ang tunay na hangarin ng ating puso: “forgetting what lies behind and straining forward towards the goal” ikanga ni Pablo; na anuman ang estado ng buhay ko ngayon, ang makikipagniig sa Kanya ang tunay na rosas ng aking puso, kasama ko syempre ang mga mahal ko sa buhay. Hayy blu – Undas is in the air na nga talaga habang ang nakaraan ay tumutulak sa atin patungo sa magandang bukas kapiling Sya…

  8. Joyo says:

    nako nako maraming namatayan ng puso ang mangangaluluwa sa undas at hindi ako kasama don…😆

    mr. blu may konsensya din ako si berto😛

    uhmmm seryoso na ito… si marina din ba yung tumutugtog ng violin?

  9. Solo says:

    Wuahaha..Ikaw ang magulo! Si buds at si blu ay iisa. Then ikaw si buds so ikaw din si blu. Ay naku! haha Pero galing, nadala ako sa kwento. ;D

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

  10. livingstain says:

    rosas ng undas????

    mukang puro love ang issue mo ngayon kuya blu, alam mo kung may isang ugali akong maaring ituro sa aking magiging anak, yun ay ang maging mapagmahal sa lahat ng bagay, kasi magiging maingat sya sa pag-gawa ng mali sa iba kung may pagmamahal sya sa mga ito…

  11. deejay says:

    waaaah! di ko inexpect yon a. hehehehe! galeng!😀

    musta na blu? or musta na buds?😛 sensha napapadalang ang dalaw ko, grabe ang kabisihan lately. *kaway kaway*😀

  12. bipolarsisa says:

    ‘sisa..paki-visit naman ang bago kung post..i need ur opinion’

    Kuya!! sana nakikita mo ako ngayong umiiyak. sana nakikita mo kung bakit gusto kong magsising pinuntahan at binasa ko ‘to.

    nitong nakaraan, masyadong marami akong nakakausap tungkol sa pag-ibig, na komento nga ng isang kaibigan eh, ‘very unlikely you.’ isang topic kasi na hindi ako komportableng pinaguusapan ay ang salitang ‘yan. masyadong komplikado, masyadong magulong intindihin ito.

    pero kinailangan ko itong harapin – alang-alang sa mga kaibigan kong naghihintay ng aking opinyon. kinailangan kong harapin lahat ng dapat harapin.

    isa sa pinakakinatatakutan kong okasyon eh ang undas. masyadong lumiliit kasi ang mundo ko sa panahon na’to. masyadong nakakahon ang konsepto ko ng pagmamahal.

    madalas, hindi naiintindihan ng mga tao kung bakit pinili nating lumayo, kung bakit kailangan nating maghanap ng sarili. isang araw, tinanong ako ng isang kaibigang lalaki, ‘totoo ba talaga yun? yung paghahanap ng sarili? o excuse mo lang yon para sabihing ‘i fell out of love,’ o ‘ayoko na.” pero ang totoo, totoo ang paghahanap. o maaaring nahanap ko na ang sarili ko. hindi pa lang ako kumbinsido. natatakot lang ako.

    ang problema kasi, pag usaping pag-ibig, pilit na nililimitahan sa dalawang tao. pero hindi naman ganun. dahil kahit anong pilit ng dalawang taong magmahalan, kung wala ro’n ang puso ng isa, patuloy lang silang magkakasakitan. sa ganitong panahon, mas maganda ngang lumayo..kahit pa hindi nila naiintindihan..

    ewan. parang walang kwenta sinasabi ko.

    feeling ko naman blog ko ‘to? waha. Kuya kasi, minessage pa’ko.😦

  13. jason says:

    ang pag-ibig ay rosas.

    ang rosas ay pula.

    ang pula ay katapangan.

    ang katapangan ay mahalaga.

    ang mahalaga ay buhay.

    ang buhay ay regalo.

    ang regalo ay iniingatan.

    ang iniingatan ay kayamanan.

    ang kayamanan ay pag-ibig.

  14. darbs says:

    Ah- ang nakaraan
    ang lumipas…
    ang ala-ala…

  15. blu.sparks says:

    mahirap talaga kalimutan ang unang seryosong pag-ibig..
    naalala ba everytime mag malapit na ang undas?hehe..

  16. me twist uli wahhhhh, kahirap niyan, si buds at ikaw iisa enggggg. Hala wag sirain ang momentum, undas ng puso niya hayyyssss

  17. jason says:

    may option na buhayin o kaya tuluyan ng patayin..

    isa dyan ay better. isa ay worse..

    hmmm

  18. Rocky Garcia says:

    Imposible nang maibalik ang matagal ng namayapang pag-ibig. Kaya habang nanjan pa ay ipakita mo na na hanggang kamatayan kang magmahal.😦

  19. Pingback: The Death Metaphor, The Aquarium and My Psychopomp | Ax Realm

  20. Ax says:

    “owws!….bolahin mo ang lelang mong gurang!…di ka pa nakamove-on..yan ang totoo!” – Buds

    Aw. Ako rin, di makamove on! Waah. Sakto naman para sa darating na undas ang artikulong ito Kuya Blu.. dalawin natin ang puntod ng namayapang Unang Pag-Ibig. Isang rosa para ipaalam na siya ay naalala.

    Nawa’y manahimik na ang alaala ng Unang Pag-Ibig.

  21. lababo says:

    sana kausapin rin ako ng kunsensya ko minsan.. tingin ko masesermonan ako nun ng todo.
    Happy holloween pre!
    move on na…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s