terrence: oh kanina mo pa tinitingnan ang post card na yan ah.
buds: do you believe in angels?
terrence: oo naman …sa theology class namin sa college itinuro yan sa amin…
buds: may pakpak ba talaga sila?
terrence: hello!..oo naman…tanong ba yan?…eh! messenger kaya sila…dapat kasing bilis ng kidlat!
buds: ah ewan…feeling ko…di naman talaga sila nakakalipad di ba?..
terrence: eh bakit mo naman nasabi yan? (napakamot ng ulo ang kumag!)
buds: kasi sa akin…eto sa aking palagay lang ha…
terrence: ano?….aysus at binibitin pa ako…
buds: ang mga anghel….ang mga tunay na anghel ay nasa lupa…
terrence: ha? (napakamot naman ngayon sa batok nya)..
buds: kung talagang messenger sila ni Bro…dapat lang nasa lupa sila….naglalakad!
terrence: at sino naman ang nagsabi sa iyo nyan, aber?
buds: kasi…lately may mga pangyayari ….mga di pangkaraniwan….
terrence: nakakita ka ng angel…malaki ba ang pakpak…ano kulay?
buds: he! wag kang timang!
buds: kahapon habang papunta ako ng work…mga 6:30 am…pagdaan ko sa Piazza Collegio Romano…wala na siya…
Terrence: sinong sya?
buds: yung babaeng parating natutulog sa labas ng school…..tapos noong malapit na ako sa bar….bigla ko na lang nakasalubong..
Terrence: so ano naman ang kakaiba doon…eh syempre nagkakape din yun sa bar noh!
buds: hindi…for the first time binati nya ako…eh di naman ako nakatingin sa kanya sa mga oras na yun…
buds: sabi nya: Ciao!…il miracolo di luglio…..1977… (hello!….the miracle of July……1977)
Terrence: ay weird nga….
buds: kaya buong maghapong pinag-isipan ko yung sinabi nya..
Terrence: hmmmm….ano kaya ang ibig sabihin nun?
buds: …..(nag-iisip)…..alam ko meron itong kaugnayan sa napulot kong postcard…..
Terrence: ..baka nga….tingnan mo sa likod…ay halos di na mabasa….
buds: teka!…terrence…tingnan mo ang date o….
Terrence: ……31…… 07…..77………………….ah! July 31, 1977….
Buds: si Milagros!
Terrence: ha? …sino si Milagros?
Â
si buds ay ako. si blu at si buds ay iisa. Nabanggit ko na marahil sa blog na ito na kami ay tatlong magkakapatid. Ako ang panganay…ang sumunod sa akin ay lalaki na naninirahan sa UK at ang bunso ay babae na nasa Canada. Meron nga pala kaming isang kapatid pa…Milagros ang kanyang pangalan..isinilang at namatay noong July 31, 1977…il miracolo (miracle = milagros)…. Luglio (July)…1977. Ito ang susi sa talinghaga ng babae…
si Terrence..ay oo nga pala…si Terrence ang anghel ng buhay ko. Ngayon tanungin nyo ako…naniniwala nga ba ako sa anghel?…may pakpak nga ba sila?…o katulad din natin sila paminsan-minsan gumagala sa mundong ibabaw na ito.
Manong Blu…. 2days ago lang… may angel na dumating sa buhay ko….. may mga pangyayari sa buhay na hindi natin inaasahan…at napaka Sensitive ni PAPA J… pinadalhan agad ako nang ANGEL…. Blessed gid ko sa mga tawo sa palibot ko… although indi tanan mayo ang pakitungo sakon..pero most of them is true..and deep in my heart they are loved… salamat MANONG….
Manang Milagros is always be your FAMILY ANGEL… GODBLES!
uy salamat sa visit sa bahay ko. 🙂 uu, gusto ko rin pumunta nang roma. Sana matuto muna ako nang espanyol bago ako mag travel. Sana makaipon ako para maka pag travel sa europa :d
matutupad ang wish mo…kaw pa sipag mo kayang tao…..at saka may dream….
i do believe in angels. they are the one who is protecting us from harm. //
tama ka! talagang tama ka!
i believe in angel…para sa akin eh yung mga taong nakakatulong sa atin sa araw araw…hindi lang sa mga pangyayari kundi pati sa mga kung paano tayo mag isip….
im back,hehehe
salamat sa comment mo..welcome back!
Marami akong kilala Mr. Blu…. sobrang dami, yung iba alam ko ang name yung iba hindi. May mga kilala ka siguro na kilala ko rin. 🙂
To be an angel, there is no need for the glamour of wings and a halo. Just a sensitive heart and a sensitive soul will help you along the way. And, for just a moment, any day, anyone can walk with an angel, or even BE an angel
wow talaga naman ate dyoy! …tama ka ….To be an angel, there is no need for the glamour of wings and a halo. Just a sensitive heart and a sensitive soul will help you along the way. And, for just a moment, any day, anyone can walk with an angel, or even BE an angel
hihi 😛 gud morning Mr. Blu!
gud morning din
marahil to2o at ngta2go cla sa likod ng mga mhal ntin sa buhay..hihii pero ntkot ako dun ah di kya multo ung gel?
hahahaha..hindi multo ang gel…in fact nakita ko syang muli kahapon…
ako rin alam ko madami kaming anghel,
binabantayan kami lagi..:)
tama ka dyan lovely…
sa buhay ko, napakaraming anghel na ‘kong nakilala. 🙂
happy to hear that ….ako rin …marami na…..
I also believe in angels. 🙂
yung kapatid mong namatay, mas matanda sa inyong lahat? siya ang angel ng pamilya nyo. 🙂
hello kaye…nope…youngest sya…..
hello..musta po kuya blu?
ok naman me…kuya eli
masarap yung idea na may guardian angel kuya blu!
kaso masyado ko ata siyang napagbuntunan ng sisi sa mga nangyayaring hindi kanais-nais sa akin. =(
hahahaha..wawa naman ang guardian angel mo…
marami sa buhay natin ay matuturing na anghel. mga tao na sa araw-araw ay tumutulong sa mga nangangailangan, mga kaibigan sa mga araw na masama ang pagtingin mo sa mundo, at mga taong nag-touch sa iyo at tuluyang kasama sa mga desisyon mo sa araw-araw, sa physical o sa isipan.
may pakpak? para sa atin, oo. dahil mas mataas ang pagtingin natin sa kanila.
eh di angel ka rin mr. Nonsense?! aw.
ala ginebra san miguel
angel, my kind of evap milk brand.
hahaha…tama ka, brand pala ng milk yan ……
hahahaha….san miguel daw o!
dati pingdebatihan namin yan kung may angel nga ba o wala?, khit isa samin walang mahanap na konkretong sagot….
sabi ng values teacher namin during highschool, angels are higher in terms of hierarchial position than humans…but fortunately, we humans are luckier than angels, we are made in image ang likeness of God…(so ano pala itsura ng mga angels?)
Ewan ko rin bakit nya nasabi yon…
kaya ang solusyon nanood na lang kmi ng City of Angels..hehe
hahahaha..may mukha sila di ba?….
meron sigoro, depende sa paniniwala mo.
meron..they do exist….maniwala ka…salamat sa pagdaan kaibigan…..
Yap, according sa belief/tradition/bible/scripture/ may anghel daw. In fact, si Lucifer ay dating anghel na sa katigasan ng ulo ayon ibinigay na lang ang impierno para wala nang gulo sa langit.
Tanong: Kuya blue bat hanggang ngayon hindi ka gumagamit ng avatar/gravatar/blavatar? just curious.
hayaan mo pagkakaabalahan ko yan…..
ay tama ka dyan…si lucifer ang patunay na angels do exist…sayang nga lang at isa na syang fallen angel….
Kuya Blu, hindi mo naman sinasagot yung mga tanong ko.. Sa former post mo tinanong kita kung naniniwala ka sa Limbo.. kase sabi ng offismate ko yung Limbo ay lugar na pinupuntahan ng mga baby na namatay.. ayun lang.
Ayan, pinaalala ko na naman na may comment ako na di mo nasagot. yay.
ay sori…i sent my answer to your querry through the email…paki-acknowledge na lang kung natanggap mo na…
naniniwala ako sa angels.
at alam nyo ba na bawat isa sa atin ay may guardian angel?
Malalaki sila, hindi normal human size ang mga angel. tapos nasa suot nila malalaman ang personality ng binabantayan nito.
Anong suot nung sa akin at anong suot nung sa’yo?
uu nga naman…ano rin pala ang suot ng aking guardian angel…
at talagang nakaplasma pala sila ayon sa personality ng kanilang binabantayan …huh…bago to sa akin ah!
Hahaha – gets ko na comment mo sa Hagar post ko. Salamat Blu sa connexion, at sa yong kwentong punong-puno ng pananampalataya…
salamat di dfish….minsan nga naman pagnagbiro ang ating mga angels….
ako ay isang angel..! yay.
ako din ax.!!
kaw din jason….
Tumatakbo ang something’s-wrong-ness ko kuya Blu! Nailagay mo sa 2nd to the last paragraph: July 31, 1997. Should have been 1977.
ay salamat sa paalala…nacorrect ko na…angel!
tama..isa kang ngang angel….
Haha. Opo, I’m an angel.. sent to you guys! haha.
ako? yup. tingin ko po meron tlgng angels..i was once or twice about to face death and here i am bugging u guys..alive and kicking hehe
seriously kuya blu, ung mga taong sobrang bait (ehem), sobrang cute (ehem), at sobrang…waaa!
(wla nakong maisip kuya!) sila ung kinoconsider kong angel ng buhay ko..ung mga taong plgeng anjan s saya tska s lungkot..ang drama ko aga aga! 😆
morning kuya blu! 😉
ay tama ka dyan ..yan ang mga anghel sa lupa…kailangan ba talaga sobrang cute (ehem)…..hehehehe
ah syempre gnyn tlg ang mga angels hnd sinungaling (ehem!) nga pala kuya, im back na! hehe..la lng, share ko lng! at mappdalas ako d2… humanda ka! 😆
salamat sa pagdaan prrecious!
hmmm..
eto, gusto ko palaging nag-iisa at palaging nasa isang tahimik na lugar.. naghihintay ng kasagutan sa aking mga tanong
ha..ganun ba….sana nga mahanap mo ang kasagutan sa iyong mga tanong…patulong ka kaya sa guardian angel mo….
katulad natin minsan…magmatyag ng maigi…kumusta ka na sandi?
Hi Kuya Blu!
Tanong: Naniniwala ka ba sa anghel? may pakpak ba sila o katulad din natin sila dito sa mundo?