josh

dalena: hahaha…teka…teka….ha..ahhaha..(hinihingal!)…kuya blu!….KKKKKKUya Blu!

blu: ano ba…sino ba ang kaaway mo dyan…naku!…kung makasigaw ka….

dalena: ay naku …hindi…hindi ka maniniwala sa sasabihin ko….

blu: aysus! eh ano naman yang nasagap mo sa umpukan ng mga pinay friendsters mo dyan sa park!

dalena: heksayted talaga ako…si Maring….pinakita sa amin ang isang nilalang na gumagala sa blonoperyon….

blu: ano?….saan kamo gumagala?

dalena: blonoperyon!…internet ba?

blu: ah!..blogosperyo….

dalena: yun nga…blonoperyon!…kulit mo kuya ha!…

dalena: eh kasi itong si Maring nagkwento may nakita daw siya na gumagala na tao sa internet….bumibisita daw sa fesbuk….frenster….blag!….yung ganyan ba sa katulad sa iyo ….eh! di ba minsan …sinulat mo buhay ko sa blag!

blu: aysus at naalala pala nya…..tagal na noon ah!..wala lang akong topic noon kaya naisipan kung isulat ka …hahahahhahaha!

dalena: basta kuya blu….sana dalawin nya rin  fesbuk ko….kasi sabi ni Maring…gumaan daw ang feeling nya…noong napadaan ang mamang ito sa kanyang fesbuk…..

blu: ano daw sinabi?…sinong kamukha?

dalena: wala ….di man makita ang mukha!…..pero noong dumaan sa fesbuk ni Maring …nagsulat  ng isang lab letter….aysus! kuya binasa nga namin ang ganda…ganda….tapos sabi dadaan din daw sya sa fesbuk ko….kaya nga ito…umuwi na lang ako kahit di pa nag-umpisa ang binggo sosyal namin….

blu: sa akin kanina….. dumaan din ang lalaking sinabi mo…..

dalena: ano sabi?

blu: bumisita lang …pagkatapos,lumakad nang muli….

dalena: nakita mo ang mukha?

blu: hindi….pero noong mag-umpisang humakbang paalis…ito lang ang napansin ko….

image001[1]

Advertisements
This entry was posted in blu, dalena, josh, misteryo. Bookmark the permalink.

88 Responses to josh

  1. blu.sparks ay nagsasabing:

    na touch naman ako dito..sana bumisita din sya sa facebook ko..aabangan ko xa talaga.

    nice one. 🙂

  2. yin ay nagsasabing:

    hala, di ko alam san napunta yung comment ko, antok na yata talaga k. tol dagdag kita sa blogroll ko poh ha.

  3. yin ay nagsasabing:

    kala ko may update hehehe. dagdag kita salistahan ng mga kawing ko dude ano.

  4. bojoy ay nagsasabing:

    MAnong Blu…nami kadto di permi sa imo balay..kamag-an sang pamatyag… damu lang ko maisipan nga bagay kag makapag reflect man ko….. its been a busy day at may mga problema ako nga ginatubang subong.. but then i know nga si PAPA J. ara gid sya permi nagabulig kag nagahulat lang nga saluon nya ko sa mga panahon nga down gid ko… salamat gid sa pag agi sa blog ko.. kag salamat gid sa mga post mo nga naga pa inspire sakon sa kabuhi nga ni..
    GODBLESS MANONG!

  5. jason ay nagsasabing:

    patumbling muna dito kuya blu!! kamusta ang Roma!!

    maulap ba dyan?

    Ang gubat ba ay matiwasay? huh?

  6. flamindevil ay nagsasabing:

    ganda kuya blu.

    ‘Let Him carry you.’

    tama nga naman.

    when all else fails, He will be there.

  7. taga-bundok ay nagsasabing:

    ilang beses na Siya kumatok sa pinto. lagi ko naman binubuksan. kaso minsan pakiramdam ko, may nag-aantay sa akin sa labas. aalis ako. maghahanap ng ibang matutuluyan. iiwan ko Siya.

    kapag naliligaw ako sa pupuntahan ko. makakasalubong ko Siya. tapos kasama ko sa pagbabalik sa tahanan ko.

    makulit lang talaga ako minsan, iniiwan ko Siya.

    (kuya, add kita ah. nang sa ganun kapag naligaw ako. alam ko kung saan ang tamang daan. sigurado naman na lagi Siya nandito. kung sakaling magdilim ang kapaligiran ko, may liwanag akong makikita dito.)

  8. yin ay nagsasabing:

    ganda naman nung header. naligaw poh booss. nikaka-hinspayr aman mga poste mo hehehe.

  9. jason ay nagsasabing:

    hi hello how are you youre fine? thank you.

  10. coolwaterworks ay nagsasabing:

    Hinihintay ko rin parati ang kanyang pagdalaw sa fesbuk Kuya Blu…

    Pero nitong nakaraang linggo binisita niya ako sa pamamagitan ng isang tv show… 🙂

  11. darbs ay nagsasabing:

    The little boy was growing kuya blu… sabay turo doon sa gravatar ba?

    Mag-caroling pala ako kuya blu. kung ang pagkakaroling ko ang nang-iistorbo pasensya na dahil ispiritu ng Christmas ay narito na.

  12. Mr. Nonsense ay nagsasabing:

    mahilig din palang magbloghop si tukayo! weeeee

  13. dFish ay nagsasabing:

    Sa fesbuk ko – tahimik lang syang dumadaan, walang ka-comment comment hehe…

  14. hisnameisdencios ay nagsasabing:

    hays..

    nakakatulong ito sa akin.

    tnx bluroseguy for sharing.

    pa kiss, walang malisya. muaaaah

    boss blu pasensya na ha busy busy han ang lolo mo 😀

  15. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    aba, ganda naman ng dalang mensahe ng bisita. mabuti yan!

  16. Nortehanon ay nagsasabing:

    uso na pala ang binggo sosyal noon hehehe

    ako, si Maring yata ang laging bisita ko hahaha.

    Nice one,, Kapatid!

  17. Solo ay nagsasabing:

    Ang ganda ng photo mo sa post na ito. At salamat sa pag-remind na anjan lang sya at kapag dina natin kaya, sya nmn ang bubuhat sa atin. ;D

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

  18. livingstain ay nagsasabing:

    young foot print on the sand, malaking palaisipan sakin yang high school na ako, ipinaliwanag lang sakin ni daddy yun ng minsang maitanong ko sa kanya. at muli naman nyang ikinuwento sa akin

    tapos simple lang nasabi ko… aaahhhh talaga… (namangha)

  19. eli ay nagsasabing:

    kuya blu, ang galing… ganda rin ng pix.

  20. dhyoy ay nagsasabing:

    hmmm… kausap ko SIYA kagabi, dami kong sinabi sa kanya… as in ang dami… nakikinig lang SIYA…pinaglinis niya ko ng cabinet… gagaan daw pakiramdam ko…

  21. p0kw4ng ay nagsasabing:

    lagi ko din Syang bisita…..ako nga lang minsan ang nakakalimot syang bisitahin….

  22. .poOt! ay nagsasabing:

    sa totoo lang kuya blu. natakot ako sa kalagitnaan. mag-isa pa naman akong uuwi. lolz. pero nagbigay sakin ng relief yung ending.

    lagi niya akong binibisita sa bahay. pati na rin sa cellphone ko. HE is always here. kaya panatag ako lagi.

  23. Ax ay nagsasabing:

    hm, hindi lang siya sa FB, Multiply, Blog, FS ko bumibisita..

    pati sa totoong buhay, Kuya Blu binibisita niya ako.

    kaya minsan, pag worried ako.. ako naman ang pumupunta sa kanya. ako naman ang ‘bisita’ paminsan minsan!

    ingat ka kuya Bbbbllllluuuuuuuuuuuu!

    aw, kung makasigaw naman ako para akong may kaaway!

  24. Alkapon ay nagsasabing:

    Foot prints in the sand…

    Ito ang pinaka gustong kuwento sa bible ng yumao kong nanay.

    salamat dito.

  25. precious ay nagsasabing:

    blonoperyon..natawa ako ah! 😆

    seriously, nakow d2 po sa pinas kuya blu hnd c josh ang sikat c Bro!

    un lng..

    nga pala kuya, im back na pl s blogging (prng 1 wik pa lng eh ano?)! hehe..la lng, share ko lng! at mappdalas ako d2… humanda ka! 😆

  26. bipolarsisa ay nagsasabing:

    Kuya..

    matagal na Syang nasa harap ko..palaging naghihintay..pero madalas, hindi ko Sya pinapansin.

    tumigil ako para pakinggan muna Sya. sa ilang segundo nang pagtahimik, naramdaman ko Sya. binigay nya sakin ang peace of mind na hindi maibigay ng kahit na sino. binigay nya sakin ang matagal ko nang hinahanap.

    nagsisimula ako ulit sa simula. pero masaya ako. sabi ko nga sa isang kaibigan, ‘sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagsabing, ‘masaya na ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. kasi alam kong kasama ko Sya.’

    sa pagbuhat sa iba, naramdaman ko ang pagbuhat Nya sakin. 🙂

  27. aninipot ay nagsasabing:

    what i did really like when i do bloghopping is when i’ve read post with so much faith in God…

    minsan yon pa ang nagiging basihan ko para balikan ang blogsite na yon….

    and seems like im hook with your blog.

    keep it up… Godbless

  28. jason ay nagsasabing:

    ahh..

    kaka refresh naman to kuya blu..

    gusto ko buhatin nya rin ako pag pagod na kong maglakad sa dlampasigan.

    aakain ko sya ng mahigpit na mahigpit at magpapasalamat.

  29. sandi ay nagsasabing:

    sana dumaan din sa fesbuk ako si josh 🙂

    salamat sa paalala!

  30. sandi ay nagsasabing:

    Magandang Araw Kuya Blu!

    base yata ako.. 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s