blu stop (reload)

kahapon ito ang aking post.

babae: Ang tagal naman ng bus….

blu: bakit kasi di ka nagising ng maaga…. 

babae: late na ako …..patay naman ako kay Nicasio…bawas-sweldo na naman… 

blu: yan ang napala mo …sukat ba namang magdisco ka kagabi…yan tuloy inumaga ka na naman…

babae: hindi na talaga ako sasama sa Grand friendship chuva-chuva na yan…..kakaasar..last na talaga yung kagabi…

blu: talagang last na yan!….kaw kasi ayaw mo pang magtanda….

babae: Ewan!..ano ba ito pati cellphone ko lowbat….patawag naman….

blu: hello! wala na akong load no…maghanap ka ng load station dyan…. 

babae: hello!….hello!….Lo!….namputsa naman…ay yung bata baka mahulog!

 blu: bata?….

babae: miss na kita…kelan ka ba bibisita Andrei?

blu: Hay…hirap talaga sundan ang mga iniisip ng mga babae…

ito ay totoong pangyayari habang naghihintay ako ng bus kanina, kaya lang merong kakaiba dito sa tagpong ito. Mahulaan nyo kaya? Ano kaya ang pangalan ng babae? Makihalo at makisawsaw na sa usaping ito. Kung alam nyo ang sagot, aba’y magpost na sa comment section. Tingnan ko lang kung gaano kalawak ang imagination nyo.

ang totoo nyan ito ang tunay na nagyari:

babae: Ang tagal naman ng bus….

babae: late na ako …..patay naman ako kay Nicasio…bawas-sweldo na naman… 

babae: hindi na talaga ako sasama sa Grand friendship chuva-chuva na yan…..kakaasar..last na talaga yung kagabi…

babae: Ewan!..ano ba ito pati cellphone ko lowbat….patawag naman….

babae: hello!….hello!….Lo!….namputsa naman…ay yung bata baka mahulog!

babae: miss na kita…kelan ka ba bibisita Andrei?

kakaiba nga!…. kasi hindi ko naman kausap yung babae…sinasagot ko lang sa aking isipan ang kanyang monologue. May mga nakakuha ng name nya  ANGELA (anghel)…tama kayo!  lahat ng monologue nya ay may kaugnayan sa mga nangyari sa akin lately..madalas ang mga anghel ay bumababa sa lupa upang sabihin sa atin ang mensahe ng Diyos sa paraang di natin inaasahan. Kailangan lang magmatyag ng mataman sa iyong kapaligiran…tama si desertfishing may hang-over pa nga ang mga posts ko lately tungkol sa mga angel.

subukan nyo kayang ipikit ang iyong mga mata at alalahanin ang monologue ni Angela ….may mensahe rin ba sa iyo?

may matagal ka na bang hinihintay sa iyong buhay?

…are you procastinating something important in your life decision?

…is it time to let go?

…maybe you need a break?

…falling out of?

…are  there missing parts in your life?

wheew! ito lamang ang ilan sa mga katanungan na pwede mong umpisahang pagnilayan…

This entry was posted in anghel, blu, bus stop, mystery. Bookmark the permalink.

54 Responses to blu stop (reload)

  1. darbs says:

    hmnnn… interesting monologue.

    ung katanungan naman, not sure pero maybe it comes with age dahil parang nasagot ko na ata ang katanungang iyan noong kapanahunan pa.

    ngayon kasi parang am just enjoying life as it is and am just reacting na lang sa panawagan ng panahon.

  2. lovely says:

    naniniwala ako dito kasi si brailee minsan may kausap ..na di namen nakikita..naisip ko guardian angel nya un ..

    lahat tayo meron nun..minsan nga lang di pa sila nag papakita..sakin di pa pero nung kabataan ko siguro meron na rin..

  3. tanom says:

    naks! may ganun? heheh try ko yan later..

  4. maccallister says:

    yeah matagal na kong may iniintay hehe

    sana dumating na

  5. joycee says:

    Ay anggaling di ko napansin yung ANGELA hehe.

    I definitely need a break, thanks for sharing this po.🙂

  6. red says:

    yup, minsan lagi na lang kasi tayong nagmamadali na parang mauubusan ng oras pero sa totoo wala namang naaachieve. hayyyy then kapag tumigil tayo para magmuni muni dami na pala time na nawala… hahanapin ko pa ung angel ko, minsan kasi namimislead pa ako e whew!

  7. kaye says:

    napaisip ako sa mga katanungang ibinulaga mo dito… may mga tanong na ang sagot ko ay oo…

    pagiisipan ko nga kung kaya ko na silang harapin…o magpoprocrastinate na naman ba ako…

  8. aninipot says:

    may matagal ka na bang hinihintay sa iyong buhay?—– yes, matagal as in matagal na matagal na.

    are you procastinating something important in your life decision?— yes, madalas, baka kasi may sign na ibibigay sakin bago magdesissyon, ngunit alam ko rin hinahayaan nya akong magdesisyon para sa sarili ko.

    is it time to let go?— im hanging on.

    maybe you need a break?—- ayoko, baka may malampasan ako…

    falling out of?—- dreaming.

    are there missing parts in your life?—- there is, matagal ko na ngang hinahanap para mapunan na ang parte na nawawala….. minsan pagod narin akong maghintay…di ko alam…dami kong questions na di ko kayang sagutin…perhaps time will come that i’ll find all the answers im searching.

  9. jason says:

    parang hinipo ata ako ng anghel kaninang umaga kuya blu??

  10. taga-bundok says:

    hindi ko alam kung may matagal na akong hinihintay sa buhay ko. pero ang alam ko maraming kulang na dapat punan.

    may mga bagay-bagay na madalas kong nagagawa na hindi dapat at alam kong mali. pero wala akong ginagawang paraan para itama, dahil pakiramdam ko dun ako masaya kahit na masakit.

    maaaring panahon na nga para bumitiw ako sa kung anumang kinakapitan ko. pero, saan ako dadlhin nito at saan ako muling kakapit.

    kung saan man iyon duon siguro ako makapag-iisip ng maayos. ng may kapayapaan sa aking puso. kailangan nga siguro ihinto pero naguguluhan pa rin ako.

    sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung nawawala na ba ang pagmamahal ko sa sarili at sa Diyos. alam kong tapat Siya at madlas akong tumatalikod. dahil hanggang ngayon maski sarili ko hindi ko kayang harapin.

    maraming wala sa buhay ko. simula’t sapul maraming wala. pilit kong binubuo pero ang lamat nariyan pa rin. Ang Diyos na pumupuno sa akin, tinatanong ko pa rin. Ano ba ang kulang, ao ba ang dapat, ano ba ako sam mundong ito.

    Paumanhin Kuya Blu, nadala lang kasi ako ng arikulo mo. Pinapaiyak mo ako eh. Salamat.🙂

  11. dhyoy says:

    …may matagal ka na bang hinihintay sa iyong buhay?
    – oo pero alam ko di na yun darating!

    …are you procastinating something important in your life decision?
    -uhmmm YES!

    …is it time to let go?
    -yun ang sabi nila sa akin, yun din ang sabi ko sa sarili ko, is it time Mr Blu?

    …maybe you need a break?
    -siguro nga para makapagdecide ako…

    …falling out of?
    -………………………………

    …are there missing parts in your life?
    -maybe!

    kanina ko pa binabasa itong blog mo, di ako makapagreact kasi naiiyak ako…. natamaan ako weh… waaaah Mr. Blu are you an angel?

  12. bipolarsisa says:

    ay kuya, ngayon ko lang nalaman na ang tagalog pala sa email eh sulatroniko. salamat kay kaibigang wordpress. dito ko lang napansin. haha.

  13. Rocky Garcia says:

    Hirap talagang sumama sa gimik kapag umaga ang pasok kinabukasan.. Minsan kahit hapon, nale-late parin..🙂

  14. ngek, habang nagbabasa ako ang nasa isip ko na name ng babae ay si mommy poks ng http://p0kw4ng.blogspot.com. hahahaha.

  15. Ax says:

    Kuya Blu, kukuhain ko na sana yung pinatago kong pakpak sa’yo..

  16. bipolarsisa says:

    wow. sayang, hindi ako nakihula.😦

    anyway, nakakabigla ang mga tanong na iniwan mo. eto yung mga tipo ng tanong na palaging humaharang sakin pero madalas kong tinatakbuhan. haha.

  17. Solo says:

    Db ang mga anghel ay mabaubuting nilalang? Cguro para sa akin ang pagiging mabait at totoong tao ay ang dahilan para maging anghel ka sa lupang ito. Mag-uumpisa lahat yan sa sarili. ;D

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

  18. alkapon says:

    Ang anghel daw ay hulog ng langit..

    pero bakit yung anghel na na kapit bahay ko ganun ang mukha?

    Siguro nauna ang mukha niya nung bumagsak sa lupa. he he he

  19. dFish says:

    Blu – ang pagiging anghel kaya ay pagiging makatotohanan sa kahinaan. Ang meaning daw kasi ng NICASIO ay isang matagumpay, at ang ANDREI naman ay isang matapang at malakas ang loob. Si Nicasio at Andrei – parang may hold sa puso ni Angela, hinahabol-habol ni Angela ang kanilang kalakasan…Wala lang, muni-muni lang…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s