lakbaying blu

minsan sinubukan ko na ring ibahin ang landasin ng aking buhay…

bakit?

siguro dahil nagsasawa na ako.

nababagot sa bagal ng takbo ng orasan..

at naghihinayang habang ang agos ng buhay ay

patungong kanluran.

pasalungat at pahilaga  ang  aking paglalakbay..

taliwas sa inaasahan ng balana at karamihan…

minsan na akong nasilaw sa pangako

ng isang tawag…

na hindi ako magkakaroon ng sariling-yaman….

ngunit ang tatamasin ko raw ay higit pa yaman ng mundong ito.

na kailanman di na ako magkakaroon ng mga supling…

pero pagkakalooban daw ako ng mga anak na di mabibilang….

katulad ng mga bituin sa langit?…….(dami naman, sabi ko!)….

sumunod lang daw ako…

at masusumpungan ko ang tunay na kalayaan!

haya heto ako naglalakbay kasama nyo…

minsan nyo na akong nakasabay…

marahil…

malamang nakadaupang palad….

nakihalakhakan sa mga tuwa ng buhay..

at nakiiyak din sa bawat sugat ng inyong puso…

naglalakbay na naman ako….

nagpalaboylaboy….

sa lansangan ng roma…

pero ang totoo nyan..

matagal ko nang binabagtas ang landasin na ito…

mula luzon, visayas at mindanao

india, merika, australia….

italya, alemanya at austria..

isama pa natin ang malaysia, singapore at ingglatera..

pransya, argentina at san marino…

mula hilaga at kanluran

saan may sangkatauhan…

ang bakas ng isang tulad ko ay maiiwan

dahil sa pangakong aking sinumpaan.

This entry was posted in biyahe, blu. Bookmark the permalink.

47 Responses to lakbaying blu

  1. eli says:

    kuya blu, ang lalayo naman ng pasyalan mo..ako kase kpag naiinip mula sa amin gang sa kabilang kanto lang nakakarating.. hehe

  2. bonistation says:

    base sa interpretasyon ko.. isa ka palang misyunerong pari!!!

    FR. BLU!! Fr. Blu!! ingat ka po palagi!

  3. Matalinhaga pala. Mistyped lang po, sorry!

  4. Masyadong matalindaga ang iyong salaysayin, kapatid! Sana minsan makasalubong tayo ng landas at iisa ang ating patutunguhan.

    Praying for you too!

  5. tanom says:

    may punto talaga ang post na ito bai… dont wori God will always guide us..pray always

  6. Kikit says:

    blu, hindi ko pala makita ang “lady in blu” na post mo. pwede mo akong bigyan ng link?🙂 salamat🙂

  7. Kikit says:

    blu, lakad ka lang ng lakad habang may pagkakataon ka. magandang exercise yan, di ba? hehe🙂

  8. Nortehanon says:

    sana’y nalaman ko noon pa na ika’y maglalakbay sa mga bansang iyan, di sana ay nakahingi man lang ako….ng postcards hahaha!

    Nasimulan ko rin ang landas na nilalakbay mo, Kapatid. Nasimulan lang. Pero ang kasalukuyang landas na nilalakbay ko, alam kong ang kapatid rin ni Jude ang nag-semento hehehe

  9. dencios says:

    bluroseguy,

    gusto kita sana makasabay sa paglalakbay. Minsan magkikita din tayo.

    dencios

  10. dFish says:

    Ba’t hindi man lang tayo nagkasalubong minsan, kahit doon na lang sa Underground River ng Palawan, toinks…

  11. joycee says:

    Sigurado akong malayo pa ang lalakbayin mo Kuya Blu, at madami ak pang maiinspire sa mga kwento ng buhay mo.

    • ang lakbayin ko di ko talos kung hanggang tunay na kailan….ang mahalaga ay ngayon…someone reconciled with me…and it did happen along my travel in life….hahahahahaha….kahapon lang nangyari yun…..thanks God!

  12. dhyoy says:

    ako rin di ko alam san ako dadalhin ng paa ko, ang hirap kasi di ko alam kung san ako talaga papunta…

  13. sandi says:

    dito na lang kami kuya blu kasama sa iyong paglalakbay at panalangin😉

    with prayer always,

  14. lhen says:

    bago ang lahat kuya…nabilaukan ako sa isang linyang “pransya, argentina at san marino”
    nagutom ako sa totoo lang heheehe🙂 kse parang corn beef lang at corn tuna ang binanggit 🙂

    eto seryoso na….. get ko ang pangakong iyong sinumpaan🙂 totoo nga madami ka pang lalakbayin at alam kong bawat sulok ng mundo ay mararating mo pa ng dahil sa pangakong iyan…. at syang tunay kuya na marami kang anak khit ikay single🙂 hehehe ako din parang nakikita ko sarili ko na kung mananatili akong single dadami din kya ang anak ko?…. sana matuloy na iyon……… 🙂

  15. pero wala nmn masama mangarap.. Sabi nga ni kuya otep “Libre Lang Mangarap” one of my idol…
    Pa blog roll poh.

  16. bipolarsisa says:

    naluluha ako sa post mo Kuya.

    kung nasan ka man, maligayang paglalakbay.
    🙂

  17. ano ba ang pangakong iyong sinumpaan kuya? hmmm madamdam naman ng post na ito. hehehe

    parang naaantig ako at nakaka-relate kahit hindi naman ako pala-tour. anuman yan I’m sure you can keep up!

  18. alkapon says:

    Malayo pa ang iyong mararating sa paglalakbay, kapag hindi ka matigil sa kalalakad.

  19. Ax says:

    hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s