minsan sinubukan ko na ring ibahin ang landasin ng aking buhay…
bakit?
siguro dahil nagsasawa na ako.
nababagot sa bagal ng takbo ng orasan..
at naghihinayang habang ang agos ng buhay ay
patungong kanluran.
pasalungat at pahilaga ang aking paglalakbay..
taliwas sa inaasahan ng balana at karamihan…
minsan na akong nasilaw sa pangako
ng isang tawag…
na hindi ako magkakaroon ng sariling-yaman….
ngunit ang tatamasin ko raw ay higit pa yaman ng mundong ito.
na kailanman di na ako magkakaroon ng mga supling…
pero pagkakalooban daw ako ng mga anak na di mabibilang….
katulad ng mga bituin sa langit?…….(dami naman, sabi ko!)….
sumunod lang daw ako…
at masusumpungan ko ang tunay na kalayaan!
haya heto ako naglalakbay kasama nyo…
minsan nyo na akong nakasabay…
marahil…
malamang nakadaupang palad….
nakihalakhakan sa mga tuwa ng buhay..
at nakiiyak din sa bawat sugat ng inyong puso…
naglalakbay na naman ako….
nagpalaboylaboy….
sa lansangan ng roma…
pero ang totoo nyan..
matagal ko nang binabagtas ang landasin na ito…
mula luzon, visayas at mindanao
india, merika, australia….
italya, alemanya at austria..
isama pa natin ang malaysia, singapore at ingglatera..
pransya, argentina at san marino…
mula hilaga at kanluran
saan may sangkatauhan…
ang bakas ng isang tulad ko ay maiiwan
dahil sa pangakong aking sinumpaan.
kuya blu, ang lalayo naman ng pasyalan mo..ako kase kpag naiinip mula sa amin gang sa kabilang kanto lang nakakarating.. hehe
hahahaha…nagkataon lang maong eli…nagkataon lang…hahahah
base sa interpretasyon ko.. isa ka palang misyunerong pari!!!
FR. BLU!! Fr. Blu!! ingat ka po palagi!
hahahaha…salamat fr. boni….
Matalinhaga pala. Mistyped lang po, sorry!
its ok…naintindihan ko kaagad ang sinulat mo…
Masyadong matalindaga ang iyong salaysayin, kapatid! Sana minsan makasalubong tayo ng landas at iisa ang ating patutunguhan.
Praying for you too!
salamat sa panalangin kaibigan….balitaan mo na lang ako…
may punto talaga ang post na ito bai… dont wori God will always guide us..pray always
salamat kaibigan….
blu, hindi ko pala makita ang “lady in blu” na post mo. pwede mo akong bigyan ng link? 🙂 salamat 🙂
posted july 3, 2009…sori di ko alam kung paano bigyan ng link….
july 1 – the other blu
july 3 – lady in blu
dapat basahin mong magkasunod para maintindihan mo ang flow ng kwento…
blu, lakad ka lang ng lakad habang may pagkakataon ka. magandang exercise yan, di ba? hehe 🙂
tama ka dyan kaibigan
sana’y nalaman ko noon pa na ika’y maglalakbay sa mga bansang iyan, di sana ay nakahingi man lang ako….ng postcards hahaha!
Nasimulan ko rin ang landas na nilalakbay mo, Kapatid. Nasimulan lang. Pero ang kasalukuyang landas na nilalakbay ko, alam kong ang kapatid rin ni Jude ang nag-semento hehehe
hmmm..mahiwaga ang iyong huling tinuran..paki-explain naman…
bluroseguy,
gusto kita sana makasabay sa paglalakbay. Minsan magkikita din tayo.
dencios
tama ka pareng dens…minsan magkukuros din landas natin….
boss blu
di ka naman nagcomment sa latest post ko na bookworm II hahha. joke. walang sapilitan.
bakasyon ka dito sa dubai naman. i to-tour kita! kaso KKb nga lang hahaha
hahahaha..i got invitation, too from some friends…siguro di pa ngayon….
a ok. cge kapag nakabakasyon ka, bulabugin mo lang ang blog ko hehe
ok…..no problem….
Ba’t hindi man lang tayo nagkasalubong minsan, kahit doon na lang sa Underground River ng Palawan, toinks…
isang araw magkikita rin tayo …..kungsabagay di pa ako nakapunta ng Palawan…..ok reserve mo yan ha!
Sigurado akong malayo pa ang lalakbayin mo Kuya Blu, at madami ak pang maiinspire sa mga kwento ng buhay mo.
ang lakbayin ko di ko talos kung hanggang tunay na kailan….ang mahalaga ay ngayon…someone reconciled with me…and it did happen along my travel in life….hahahahahaha….kahapon lang nangyari yun…..thanks God!
ako rin di ko alam san ako dadalhin ng paa ko, ang hirap kasi di ko alam kung san ako talaga papunta…
minsan alam natin kung saan pupunta….pero ang hindi natin alam ay ang plano ni Bro ….yun bang travel itinerary na swak talaga sa atin….
dito na lang kami kuya blu kasama sa iyong paglalakbay at panalangin 😉
with prayer always,
salamat….pero kuya sandi ang tunay na manlalakbay ay yung tinatahak ang tamang daan saan man sya naroon…salamat sa prayers!
bago ang lahat kuya…nabilaukan ako sa isang linyang “pransya, argentina at san marino”
nagutom ako sa totoo lang heheehe 🙂 kse parang corn beef lang at corn tuna ang binanggit 🙂
eto seryoso na….. get ko ang pangakong iyong sinumpaan 🙂 totoo nga madami ka pang lalakbayin at alam kong bawat sulok ng mundo ay mararating mo pa ng dahil sa pangakong iyan…. at syang tunay kuya na marami kang anak khit ikay single 🙂 hehehe ako din parang nakikita ko sarili ko na kung mananatili akong single dadami din kya ang anak ko?…. sana matuloy na iyon……… 🙂
ay sori…o sya uminom ka muna ng tubig…sana matuloy ka na sa iyong paglalakbay….isang step pa kapatid! effort baga…..do not be afraid to take the necessary step….
pero wala nmn masama mangarap.. Sabi nga ni kuya otep “Libre Lang Mangarap” one of my idol…
Pa blog roll poh.
hello ryelancarlalcala…..haba ng name
naluluha ako sa post mo Kuya.
kung nasan ka man, maligayang paglalakbay.
🙂
salamat naman sisa….
ano ba ang pangakong iyong sinumpaan kuya? hmmm madamdam naman ng post na ito. hehehe
parang naaantig ako at nakaka-relate kahit hindi naman ako pala-tour. anuman yan I’m sure you can keep up!
ang pangako……you will know about it in the near future….yaiiiks!
Malayo pa ang iyong mararating sa paglalakbay, kapag hindi ka matigil sa kalalakad.
hanggang may hininga….dapat talaga di ka titigil sa kakalakbay…..
hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
ang hirap pala ng maraming pangarap..
natural lang ang maraming pangarap!……
pangarap kong tuparin ang pangarap niyo. weh.
hahaha…kaw talataga ax….anong pangarap ko ang gusto mong tuparin?
sabihin mo na….