boys nayt-out: blu, buds at josh

 

blu

isang gabi naiisip kung maglakabay…

sa totoo lang wala akong direksyon..

lakad lang…

habang nag-iisip…

palinga-linga….

para bagang may hinahanap…

pero di ko mawari kung ano?

masarap din palang maglakad minsan

na wala talagang direksyon

feeling malaya…

di nagmamadali…

at walang pressure ika nga…

hanggang magawi ako mismo sa harap ng vatican…

ganda! ang nasabi ko….

ilang gabi na rin akong nagagawi rito…

pero iba ang ganda nya sa gabing ito…

matagal kung pinagmasdan…

hanggang tuluyang nangawit ang mga paa at leeg ko…

pero di pa rin mapalis sa aking isipan ang ganda nya sa gabing ito…

 

buds ( d’konsensya)

sa buhay ng tao

may mga bagay na ordinaryo

kasi madalas nating nakikita

at marahil talos na natin ang halaga

na dala nito sa tuwi-tuwina..

mga ordinaryong bagay..

na madalas isinasantabi natin

dahil sya nga ay pangkaraniwan…

 

Josh

mga bagay na pangkaraniwan

yan ang tunay kung yaman

di pansinin ng balana

pero ang angking kinang

ay tago sa mga matang gahaman

bakit di mo buksan ang pintuan

ng iyong puso

upang totoong matanto

ang kinang ng yaman

na sa turing mo ay pangkaraniwan.

 

This entry was posted in blu, buds, josh, nayt-out. Bookmark the permalink.

40 Responses to boys nayt-out: blu, buds at josh

  1. beeftapa says:

    mga bagay na lagi nateng nakikita, laging nateng kasama, laging nasa paligid, madalas taken for granted. Pero sa oras ng kalungkutan, ng pag-iisa, sila un mga bagay na nandun pa din. at dun lang naten naa-appreciate ung value nila.

  2. taga-bundok says:

    Aw, sinagot mo na naman ang tanong ko sa buhay.🙂

  3. lhen says:

    kakasenti minsan ng ganyang mga view at fave spot ng mga photographer ang ganyang loc at subject …. B-setting ang dating naku na miss ko mga kada kong photographer at syempre ang idol ko na photographer dito wp …… si mark cww… 🙂

    ang saya sigurong makarating jan sa roma….
    mga ksama kong madre sa ASC(adoratrici del sangue de kristo) lalo na si sister cora malamang nakita na nya ang view na yan….haaaaaaaaayyy kelan kya ako mkkpunta jan…..

  4. sandi says:

    wow.. ang ganda naman ng view.. siguradong masarap maglakad sa paligid nyan sa gabi.. lalo na’t may kasama ka😉

  5. mr. nonsense says:

    simbahan ba ng tundo yan?

  6. dFish says:

    Una impresyon mula kay aninipot: hehe, hindi po parehas ang bokasyon namin ni Kuya Blu…

    Secondly – yang Vatican na yan isang postcard pa rin sa akin hanggang ngayon hehe. Siguro, kung naging Dominican ako, hayun, palaboy-laboy na isko din siguro ako kagaya ni Blu haha…Pero mabuti na lang, para kay Josh pa rin puso at kaluluwa ko…

  7. maccallister says:

    naks matalinghaga di ko aarok!hehe

    yeah one of my dreams e makapunta jan sa vatican sana now na OFW na tayo e matupad…

  8. Lionheart says:

    Ganda ng ROME!

    Whew!
    Ang sarap kasi minsang magmuni muni… Hehe🙂

  9. Mon says:

    hello kuya Blu!
    wow ang ganda ng Roma talaga!
    ang galing ng mga na-realize mo kuya Blu! i learned a lot!

  10. Pingback: Tutula ako « Jex I N Z A N E

  11. topexpress says:

    Ginagawa ko ang paglalakad at pagtambay sa labas ng mag isa at nakikinig ng mellow music pag my problema ako o iniisip o minsan pag trip lang. masarap ang ganitong feeling napaka light!
    😀

  12. p0kw4ng says:

    wow namiss ko ang vatican..parang close lang kami,hihihi

    natawa ako sa comment ni Ax…wala kang ubong pagbalik ng pinas nyan AX..ahahaha

  13. Madalas yan ang ginagawa ko pagkagaling ko ng trabaho. I found solace to it. I combine prayers with walking. Mahabang salaysayin pero ang saya ng pakiramdam habang palayo ka ng palayo sa pinag umpisahan mo. Hindi ko makuhang eexplain ang pakiramdam na nararamdaman ko kahit sobrang layo ang nilalakad ko.

    God’s calling is manifested in so many ways. Listen to what your heart tells you.

    Lets pray for each other kapatid!

  14. aninipot says:

    pareho ba kayo ng bokasyong pinili ni desertfish?
    So tama pala ang hula ko nung una akong makabasa ng sinulat mo….

    hmmm, pwedeng mag-ask?…pano mo malalamang tinatawag ka nya para mag-silbi?

    nalilito kasi ako?

  15. Ax says:

    ay. night out ng sentient being, ng Divine. at isang malaki ang tiyan na mama. joke lang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s