bago ako umalis patungong Turin noong lunes…
balisa na ako….
matamlay ang aking pakiramdam…
para di mahalata ng mga friends ko…
dinaan ko na lang sa tulog
ang halos…..
pitong oras na biyahe…
alam ko kasi merong mali
at di tama sa mga nangyayari sa aking buhay
these past days….
madalas akong dalawin ng lungkot….
all because of one person…
kausap ko kasi last week…
nakikipagbati sa akin…
ako kalma lang…never ko namang sineryoso
ang nangyari noong july…
isang araw ng hulyo na bigla na lang akong
tinawagan sa phone at galit na galit….
di ko naman alam ang dahilan…
last week nagdrama …kesyo gusto nya raw akong makausap…
eh di ba Mr. Congeniality awardee ako….e di sugod…
usap….usap….usap…
sa katapus-tapusan ang dialogue
naging monologue….litanya ng mga defects ko!
at take note nakalista…ang araw…ang mga sinabi ko daw!
sa kalaunan …wala namang napatunayan…
ako may napatunayan…may mali yata sa turnilyo ng taong ito!
pwede ba naman na puro mali lang ang nakita nya?
hello, eh pano na ang mga award ko?
Mr. Smile, Mr. Helpful, Mr. Hope….
dapat pa bang iinumerate yan, huh!
kaya tuloy ang reconciliation kuno…
nauwi sa pagkakamot ko ng aking ulo…
pero take note mga kaibigan…
kalma pa rin ang kuya blu nyo….
nag-isip….nag-isip ng tama at mataman!
nasa turin ako habang matamang nakaupo sa parke ng may napansin ako….
isang kumpol ng mga rosas….
pulang-pula…
naghihimagsik ang kulay..
sabi ko nga parang damdamin ko lang…
nagpupuyos sa galit…..
hanggang namataan ko ang isang bagay na puti….
ay nakahalo sya sa mga pula….
tinitigan kung maiigi….mataman….matagal….
hanggang ang mga rosas na pula…
naging puti..isang puting rosas…
hindi ko namalayan na ang galit sa puso ko….
unti-unting napapalitan ng kapayapaan….
sa oras na iyon….
sinabi ko sa aking sarili…
“dapat sigurong mas unawain ko na lang ang taong ito…
..ipagdasal…”
..parang himala kung kanina-kanina lang
halos pasan ko na ang daigdig….
ang gaan naman ng feeling ko ngayon…
may ngiti na ako sa aking mga labi…
magaan na rin ang aking mga paa…
wow! dapat i-celebrate!
celebrate tayo ngayon na!
mga kaibigan…
sori talaga ha!
naubos ko na ang ice cream
kani-kanina lang…
as in seconds ago…
kakahiya…
di ko Β man lang kayo naalok!
next time na lang…
pramis!
great info Here’s some pass forward: Thought for the day? : God protect me from your followers
napakaganda namang realization niya kuya blu…
sabi nga nila db kung sino ang may pang unawa siya ang dapat umuunawa…
wel, ubos na ba ang ice cream? inggit ako tagal na akong di nakapg ice cream ah…
salamat yhen….
Saya naman! Enge rin ako ice cream! Haha!
Tama naman yun Kuya Blu… Kahit na gaano ka kagalit sa isang tao, nariyan na magagawa mong unawain na lamang. Ambait mo.
Si friendship mo, sana naman sa dinami-dami ng nilista mali mo eh sana may naisama kahit isang tama. Diba?
Wala lang, parang isang puting rosas sa kumpol ng pula… at isang tuldok na itim sa puting papel, mas mapapansin nya yung tuldok kesa sa maputing papel. Yun lang kasi gusto niya makita. Kala niya yun na ang kabuuan. π
Maligayang Pasko Kuya Blu!
salamat kaibigan….ganun nga talaga …minsan kailangan maging maunawain sa ibang tao….
promise? π
ang ganda ng picture..hehe.
yung white rose, nandyan lang sya..kelangan lang irecognize. minsan kasi, naliligaw tayo sa sarili nating damdamin.
kahit gano karaming beses pa tayong masaktan, ienumerate man nang kung sino ang mga nagawa nating mali, malalim man ang sugat, isang white rose lang ang katapat nyan..maghihilom, magagamot din sila.
oo pramis…
.hahahah tama ka dyan…isang white rose lang ang katapat…abangan ang susunod na kabanata…indi dito nagtatapos ang emo ko hahahahha….
ay salamat di sa mga comment mo…ayan tuloy mas marami akong natutunan sa iyo….
blu, in another perspective ha. yung bouquet of flowers, pula. pero mas napapansin ang puti kasi yun ang kulay na naiiba. minsan may mga tao talagang mali lang yung nakikita sa atin. π¦
pero ang bait mo pala blu π magangang xmas gift yun para sa friend mo. π
aysus…nagblush tuloy ako….pero sinisikap ko talagang unawain sya kahit mahirap…pero ok na ako ngayon….magaan na ang paliramdam ko…wala ng mumo sa pagtulog ….hahahahha….
Namiss ko itong bahay mo Kuya Blu!
Naku, naubos na pala ang ice cream na bebelgam flavor….
Di bale, napapayapa ka naman Kuya Blu… Hmmm, binisita mo ba ang Shroud dyan sa Turin? π
yung replica lang nakita ko ….kasi may misa ng dumating kami…di pwedeng bisitahin….sa april-may 2010 may exposition…sana makabalik ako….
“peace of mind” yan ang wish nating lahat…
baket di mo ako bibigyan ng ice cream? hmp!
hahahaha…sori na dhyoy sa over na happiness …naubos ko ang ice cream…next time na lang ha…
hehe..naubos sa ilang segundo lang ung ice cream na hawak..
ung rose na lang ang pwede ko atang hingin kuya blu hehe..pwede ba?
oo naman ..sayang wala ako sa eb nyo sa dec. 30 ba yun….
di ka ba uwi nun dito kuya..:)
uwi ka ng may santa claus kaming kasama hehe..uwian mo ko ice cream dapat hindi ung tunaw ha ehhe..:)
miss u kuya rhett..
ay sori kahit ako mamimiss ko itong eb na toh! ….pero uuwi ako for holyweek…sana nga matuloy…..
waaah. ngayon lang ako nakadalaw muli sa bahay mo kuya blu.XD
madalas talaga nakakatulong ang pagkakaroon ng positibo at malawak na paguunawa sa mga bagay na nais nating maintindihan kuya blu. =)
tama ka dun monching…minsan kahit mahirap ang sitwasyon….mas pipiliin ko pa rin ang pagkakaroon ng positive attitude…..
wow kuya blu congrats with the positive thinking. Alam mo tama ka wag mo na ituon ang pansin mo dun sa taong iyon
sayang lang sa energy π
maging masaya kanalang sa ibang bagay
smile!
Kuya Blu check out my first PODCAST weeee
http://lovenashyboy.blogspot.com/2009/12/test-podcast-christmas-gift-list-listen.html
tama ka rin dyab nash…at congrats napangkinggan ko ang ang test podcast….aba parang bihasa ka na dun ah…..testing lang ba yun?
sna lahat ng sakit mawwla s pitong oras ng pagtulog..sna ang pait ay mawwkasan ng isang punpon ng bulaklak..
***
βdapat sigurong mas unawain ko na lang ang taong itoβ¦
..ipagdasalβ¦β
-sna kuya kaya ko rin gawin to..
aysus….mahirap at masakit sa kalooban kung tatapatan mo rin sya ng galit….in the end loser ka …kasi malay mo di nya iniinda yun kasi sanay na sya…eh ikaw nakulong ka na sa galit mo…..di ba mahirap naman yun…ang saya kaya ng buhay…why waste time investing on anger!
im not angry on anybody else but myself..
and dats the worst.
4 u cnt 4giv urself, hw cn u 4giv oders?
cnxa na kuya sa ka-EMO-han ko!!
π
kailangan matuto tayong patawarin ang ating sarili…very basic ito sa pakikirelasyon natin sa iba….
Ganyan talaga Blu, may mga taong malinaw ang mata sa paghahanap ng mali.
Napadaan lang. Oy, daan ka naman minsan!
ay salamat kaibigan…tunay ang sinabi mo….
ahhh alam ko na solusyon nyo ang ICE CREAM pag nababadtrip kyo noh π pam palamig ng ulo π kya pla kumalma ka eh kse sa ice cream hehehe π
hahaha…di ah…nag-ice cream ako to celebrate ….weeeeh!
waaaaaahhh bakit ang mga tulad nila kuya blu at padre fiel mahilig sa ice cream?…(at ndi nag alok? π naku magkatonsilitis ka rin nyan ikw rin hehehe π )
bakit kya mahilig kayo sa ice cream?..ganun din kya si dfish? π ah siguro ang init kse ng suot nyo π
Oo Lhen peborit ko yung tig-5 na soft ice cream sa SM, mura kasi hehe…Nasulyapan ko yung pagka-hilig ng mga Italyano sa ice cream dun sa movie Under the Tuscan Sun. Napadpad ka na ba ng Tuscany Kuya Blu?
ay oo nman dfish…doon ako nag-aral ng italian language sa florence…capital ng tuscan province ….
hahahahah…anong mainit …eh taglamig nga dito,,,….brrrrr!
eh kase kasalanan mo naman talaga.. sabi ko friday, naghintay ako hanggang midnight.. tapos wala ka naman.
tapos sabi ko saturday, naghintay ulit ako hanggang midnight, wala man lang message.
tapos iba pala ang araw diyan sa roma kaysa dito sa pilipinas. haha.
at iba rin pala ang oras diyan at dito.
gumaganon?
OT: bakit nagtampo yung mama na malaki ang tiyan? kaya nga malalaki ang tiyan ng mga santa claus eh. aw.
aysus…7 hours diiference kaya tayo ……una kayo dyan sa pinas….
…dumaan na ba si santa claus??????
santa claus..
ayaw ni santa claus sa mainit na bansa.
at sinong nagsabi na ayaw ni santa claus sa mainit na bansa aber!….naka-shorts sya pag dumadaan dito…hhahahhaaaa
syanga pala Blu, sinilip ko ang kahulugan ng pangalang Turin. “Victory mood” daw…
ay kaya pala panalo ako doon….buti na lang at napunta ako sa turin…hahahahah
ikaw talaga Blu, mag-aalok naman pero ubos na pala. ang ganda ng metamorphosis ng emotions mo kaalinsabay ng paglalakbay patungong Turin. salamat sa geography ng emosyong ibinahagi mo…