blu 3kings

may mga kwento na paulit-ulit …

parang pasko….tuwing taon dumarating sya,

kahit ayaw mo.

katulad na lang nitong tatlong haring mago…

melchor, baltazar at gaspar…

di ba gasgas na ang kwento nila?

dito sa italya ang tawag sa pistang ito…

la befana (bruha) …pero may dalang regalo…

ewan ko ba…mas kilala pa ng mga bata ang befana..

kesa sa nakasanayan nating tatlong hari…

ito kasi ang huling araw na makakatanggap muli sila ng regalo…

sarap maging bata…..daming beses may regalo…

kanina habang pinagmamasdan ko ang lumang krismas card na ito..’

may nabuo tuloy akong kwento.

isang araw habang matamang na pinaliliwanag ng nanay ang kwento ng

tatlong haring mago…..

sumabat si batang blu…

eh ganyan naman taun-taon….

ang pinagatataka ko lang, nanay….

eh bakit ginto, insenso at mira ang regalo nila…

di ba nila nakikita si baby Jesus…

dapat ang regalo nila kama!

tama ba namang sa sabsaban siya natutulog?

ang kawawang nanay walang nasabi…

natameme….

the end ang kwento….

pero kaibigan ano kaya ang pahatid na message ni Bro?

o sige tulog na ako..

pero hihintayin ko sagot mo…

nawala ako ng mahabang panahon…

pero nagbabalik muli.

This entry was posted in blu, buhay, tatlong hari. Bookmark the permalink.

51 Responses to blu 3kings

  1. Happy three kings!

    saan bang message kuya? bat sa sabsaban o bat mga ganun ang regalo?

  2. kaye says:

    bruha talaga? hahaha!

    pero walang panama ang kahit na ano sa tanong mo. ang talino mo naman at bata ka pa, naisip mo nang itanong yun kay nanay mo., bakit nga ba di na lang kama/crib…o kaya nga lampin…hehehe

    happy new year, blu!

  3. Lionheart says:

    Ang kulit naman ng tanong mo….

    Happy New Year na lang….

    I hope isa ka sa mga ma meet ko this year!

  4. Mr. Nonsense says:

    kung babae ang visitors eh baka mas praktikal ang mga regalo….sus maria, aanhin ba ni baby jesus ang gold frankincense at myrrh? di ba dapat eh diapers, gatas, or even tinapa…
    wise men daw…hmm?

  5. timangkey says:

    happy 3 kings.

    bakit kaya karaniwan 3? 3 stooges, 3 blind mice, 3 little pigs, tatlong itlog, tito vic and joey, 3 musketeers, 3 sopranos, etc

  6. rllqph says:

    errr….. ano ba yung happy 3kings?

    • ito ang unang tawag sa pista tuwing sasapit ang January 6 o kaya first sunday after new year sa pananampalatayang katoliko…

      ….ngayon ang tamang tawag sa kapistahang ito ay epiphany…God’s manifestation…

  7. Cebu City says:

    Blu guy,
    na add na kita sa directories tab ko here http://www.cebucitylife.com..

    pls add mine here too. salamat

  8. topexpress says:

    HAppy NEw and Chinese New Year sau Kuya Blu!

    ANg sabsaban ay simbolo ng mababang loob at kasimplehan. Simple lang naman ang gustong hatid ni BRO para sa ating lahat, ito ay ang maging mapagkumbabang loob para sa lahat at simpleng makadiyos na mamamayan.

    Isang mala bruhong pagbati sa iyo kuya blu!!!πŸ˜€

  9. darbs says:

    Happy Three Kings! Tatlong bruha ba na may dalang regalo? or just bruha.

    Ano ba namang bruhahang istorya yan. Teka, mukhang wala ata kami dito, pero alam ko during sa homily nabanggit yang tatlong yan na may dala dalang regalo.

    Di bale, kung walang extra regalo ang mga bata dito, basta ang importante HAPPY NEW YEAR! KUYA BLU!

    • isang bruha lang …isang matandang bruha na nakasakay sa walis at nag-iikot sa mga bahay at namimigay ng choco at kendi sa mga batang mababait at sa mga naging pasaway ang dala nya sa kanila ay uling…isang tradisyon ng mga italyano ( na may kahawig din sa tatlong haring mago na nagdala ng regalo kay Hesus)…

      befana ay corrupted word ng epifania….

  10. Dorm Boy says:

    Happy Three Kings kuya Blu!!!

    Sa amin sa Lingayen Fiesta namin dun ay ang Epiphany!

  11. belated happy three kings kuya blu!

    hahaha kakatuwa naman pala diyan sa italya. tatlong bruha. hahaha.

    kung kama ang gift mo, lampin sa akin. hehehe.

  12. yhen says:

    pinewyear kuya blue…

    Godbless you!

  13. etchosera says:

    ang lahat ay may dahilan at si Lord lang ang may alam ng lahatπŸ™‚ dahil malalaman lang natin bakit sa sabsaban sia nakahiga un ay pag wala na tau dito at kasama na natin SIYA.

  14. livingstain says:

    natawa ako sa regalong kama… hahahahaha mga hari talaga noh, manong pinasundo na lang si jesus… (natatawa talaga ako)

  15. lhen8 says:

    BEFENA?wow un pala ang sikat na tawag jan kza sa 3hari….(buti nga befena keza naman 3 stooges!!! πŸ™‚ JOKE LANG KUYA)

    Namis ko mag blog…, (naging busy sa chocolatah,jam,cooking… πŸ™‚ )

    namis ko si kuya blu ah….. πŸ™‚

    buti nalng ndi nakiki sparing si kuya blu sa isang kapitbahay natin heheheπŸ™‚ tama lang na tawagin kang kuya heheheπŸ™‚ (kung ndi makakasparing mo un) pero gusto ko rin mabasa kung paano ka sparing ni kuya blu ang kapitbahay nating….. hehehe πŸ™‚

    PICTURE: “wer is the new born king of the jews? we saw his star and have come to do him homeage” wer is? xpres one of our deepest human drives..our gaze keeps scanning the horizon in search of some star of our own…not to reach for it, for sure but to serve as guide for an earthly journey of a lifetime….. – Fr. Pio Estepa SVD (Rome)
    (wala lang kuya ganda ng nabsa kong bible diary eh kya nasulat ko yan…. πŸ™‚ )
    miss you kuya blu…… πŸ™‚

    jam nalang tayo sa bahay ko kuya…. πŸ™‚

  16. Cebu City says:

    Bluroseguy.. belated merry christmas and happy new year. Pwede tau exchange links?

    slamat

  17. bipolarsisa says:

    bakit nga ba sa sabsaban pinanganak si Hesus? kasi, kaya nyang yakapin ang dumi at baho ng pagiging tao.

    bakit may 3 mago? siguro ang pinaparating lang nila ay ito: hanapin mo muna Sya, ang tunay na liwanag. walang kahulugan ang lahat ng yaman kung wala naman Sya sa buhay natin. siguro, kaya yon ang dala nila, gusto nilang iparating na kaya nilang isakripisyo ang lahat ng meron sila kapalit ng pagsunod sa Kanya..:)

    Happy New Year Kuya!

  18. dFish says:

    Honga Blu – nawala ka ng ilang araw, ngayon nagbabalik…Asan ang tiningnan mong Christmas card?

    Hapi New Year Blu…kahit malamig susuungin ko. Alam mo na hiling ko sa yo hehe, makulit ba.

  19. jason says:

    merry christmas, happy new year happy three kings

    sana nasa mabuti kang kalagayan kuya !!!!!!

  20. Ax says:

    bakit ganun ang regalo nila?

    insenso kase malamok.
    ginto para may pangsanla.

    ano english ng mira?

  21. kaspangarigan says:

    Bakit nga ba 3 haring mago ang tawag at la befana (bruha) naman diyan sa Italya eh 3 pantas naman ang sabi sa Bibliya.

    Mt 2:1 Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi,

    Mt 2:7 Nang magkagayo’y tinawag ni Herodes ng lihim ang mga Pantas na lalake, at kaniyang siniyasat ng buong ingat sa kanila ang panahong isinilang ng bituin.

    Tama kaya ang sabi kay David na tatakan ang libro kasi hindi ito mauunawaan?

    Bale ba’y, saan ka nakakita ng mga hari na naglakbay na nagiisa na walang guwardiya at 3 pa sila ha?

    Kakatwa kasi politikong pulpol nga dito kung lumakat andaing bodyguard eh 3 hari pa kaya?😦

  22. i have found your blog so interesting. I would like to ask for a link exchange with my blog “in my journey” http://rentale.blogspot.com with your blog
    please let me know if it is ok with you.

    i have added your blog in my blogroll portion.

  23. maccallister says:

    happy new year kuya!

    kamusta new year mo jan?

  24. sandi says:

    hapi 3kings kuya bluπŸ˜‰

  25. bonistation says:

    yehey ako ang base! una kong nakita ang tala dahil sa gitna na gabi habang nakaduty dito sa hospital, dinalaw ako sa YM ng isang pards at nagsabi may bago!! may bago!! haha eto pala yun! yihii ang kwento ng tatlong mago!

    simple lang naman para sa akin at para sa iba kung bakit nga sa sabsaban sya ipinanganak, dahil paglaki nya “Pro-Poor” siya ahihi! hatid nya ang pag-asa! ang walang kaduda dudang pag asa para sa ating lahat..

    tapos yung mga dala dala nung tatlong hari.. nadinig ko dati nung elementary ako may mga meaning sya ah basta.. hihi.

    HAPPY NEW YEAR pO!! base ako! un mahalaga din yun! ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s