blu bus 100

ngayong araw na ito naisipan kung isama kayo sa pagsakay ko sa autobus paikot ng roma…

katulad ng mga pampublikong bus sa buong mundo may kanya-kanyang sistema nakakasakop dito…

tara na aralin nating mabuti ang sistema ng Roma:

1. 1(one) Euro ang bayad sa loob ng 75 minutes…pwdeng sumakay sa aling bus, bumaba at sumakay ulit. Kailangan may tiket pag-akyat ng bus.

2. May mga bus na pwedeng bumili ng ticket sa loob nito. Kailangan ivalidate ang ticket sa machine. pwedeng ring bumili ng one day, weekly, monthly or annual ticket sa mga tabacchi (parang mga sari-sari store sa atin).

3. Walang ticket, may multa katumbas ng 50 euro. Kung hindi naman magbabayad kaaagad titiketan ka ng inspektor at ipapadala sa bahay mo at mas higit na mahal ang multa dito. Kung turista ka naman at pag hindi ka kaagad nagbayad ng multa, ipapadala ang multa sa iyong embassy.

4. May bus stop. Hindi pwedeng pumara kahit saan mo gusto. May mga bus stop na kung saan may screen na nagsasabi kung darating na ang bus na sasakyan mo.

5. kakunti lang ang upuan sa bus. Mas madalas marami ang nakatayo. May sariling upuan ang mga old at handicapped persons. May lugar din para sa wheelchair.

6. kung hindi mo alam ang number ng bus sa iyong destination, maaring itong i-check sa internet www.atac.it.

merong bus 100!

libre sakay ngayong christmas season.

ang tawag dito ay shopping bus.

paikot-ikot lang ito sa shopping center

kung saan ako nakatira..

kaya madalas libre sakay ko pag namamasyal.

mantakin nyo, libre ang kuya Blu!

blu bus 100!

ito tawag ko sa bus ng buhay

dito madalas akong sumasakay.

libre pero may kaakibat na responsibilidad!

madalas mas marami pang sukli si Bro

mantakin mo bus na walang bayad

may sukli pa!

walang multa

kasi mapagpatawad si Bro

pwedeng bumaba sandali

mas matagal

pwede rin wala ng babaan

ang bus stop para sa mga pagal na kaluluwa at katawan

ang screen sa bawat bus stop

mga reminders ni Bro

na pwede na uling sumampa

at makibaka kasama Niya!

Tara na kabigan sakay na!

sa blu bus 100

ni Bro…

ang driver

kundoktor

at inspektor

ng ating buhay paglalakbay.

This entry was posted in biyahe, blu, buhay, bus, bus stop. Bookmark the permalink.

45 Responses to blu bus 100

  1. dFish says:

    Ang lupit nga ng multa kuya blu. Doon pa rin ako blu bus 100.

    Pero ang ganda ng transport system kahit na mahigpit – maayos. Pero mas mahigpit pa rin dyan kaysa sa US…

  2. tim says:

    wow, kinda weird but cool.. galing mo gumawa ng ganitong post..

  3. Mon says:

    Kuya Blu, san ko po ipapadala yung shirt mo? hehe

    Musta?

  4. Mr. Nonsense says:

    post reminds me of my dad’s first experince riding the bus in the state. pagdating sa destination nya eh sabay sigaw “para para!”…tinginan ang mga tao.

  5. Rej says:

    nakakatuwa talaga sa ibang bansa very disciplined ang mga tao at sinusunod ang batas trapiko.

    gusto ko rin matry ng blu bus 100. san ba ang loading station?

  6. Douglas says:

    ang saya ng mga bus dyan. di tulad dito sa atin halos lahat kaskasero yan tuloy madaming aksidente.😀

  7. Nortehanon says:

    Gandang araw, Kapatid. Alam ko late na pero babati pa rin ako ng Happy New Year.

    Mabuti na lang at hindi po ako nakatira malapit sa tirahan mo, kung hindi, mamumulubi ako. Aba’y malapit ka lang pala sa shopping center! hehehe

    Na-amuse ako dun sa tiket na ipadadala sa bahay. Ang galing naman, talagang walang kawala ang pasahero hehehe

  8. etchosera says:

    makasakay nga din sa Bus..pasabit ha🙂

  9. dencios says:

    gusto kong mag byahe kasama ka boss blu at si bro🙂

  10. jason says:

    basta kasama si bro a paglalakbay ayos na ang lahat diba diba

  11. maccallister says:

    your blog has made a new turn no?napansin ko mejo about bro ka na and your outlook in life haha

    kwntuhan mo naman kami about personal life,musta na ba ang lovelife im missing those posts na hehe

    demandin ba!

    hope we could chat someday,give me a buzz!i wanna know u kuya!

  12. collezionofarfalle says:

    hello!!!!napadapo ulit sa blue world! =)
    let’s ride the blue bus! kahit nakatayo!
    *fly fly*

  13. well gusto ko sistema sa dyan. sana may ganyan din dito. pero ganoon talaga, adjust-adjust na lang.

    yeah, good thing napaka-understanding ni Bro. Madalas pasaway ang mga pasahero e.

  14. jason says:

    wow buspa lang naeexcite na ko…
    pano pa kaya ang buong laman ng Roma.. nakopo…

    kulang ang 1 taon kong pagbisita dyan..
    oo surprise hahahaha
    😀

    amm,, kuya blu,,

    accommodating din ba mga tao dyan pala-smile?
    Heheh

    kamusta ka na kuya blu!!

    pa tambling muna dito!!

    HADOUKEN!!!!!!

  15. Ax says:

    sasama ako, pwede ba magdala ng aso?

  16. sandi says:

    sakay na rin ako sa blu bus 100

  17. dhyoy says:

    pwede po bang mamili ng katabi?😆

    sama ko jan! kasi lam ko safe ako…

  18. hehehe sa standing position, ang taas taas siguro ng steel bar…wawa ang mga maliliit…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s