blu granny

tutal nauuso naman ang mga trivia ngayon, aba’y makikisali din ako!

Lola’s boy ako.

Nicolasa ang name ng lola ko.

Peborit akong apo ng lola ko (aktwali dalawa kami, kaya lang si kuya Nonoy sa Maynila nakatira).

Graduation gift ko sa elementary – isang antigong singsing na minana pa nya sa kanyang mga magulang.

isang araw habang naggagarden kami, nawala ang singsing! (sayang!).

Madalas katabi nya akong matulog.

Naiinis ako dati kasi maaga kaming umuuwi sa bahay niya, kasagsagan pa naman ng laro namin ng mga kapatid at frens ko!!!

Parati may dagdag baon ko sa kanya.

Madalas nya akong utusan tuwing sabado na bumili ng gaas bitbit ang mabigat na boteng galon.

Akala ko noon ang mga babae pareho ng mga lalaki pag-umihi..

kasi nakita ko siyang nakatayo at hawak pataas ang kanyang saya. .(maria clara manamit ang lola nica ko!)

Masarap syang  magluto…miss ko tuloy ang ginataang sting ray!

Noong nabalitaan nyang inapi ako sa Maynila, siya ang unang nalungkot at nagalit!

Noong maysakit na siya, doon lang siya nahilig uminom ng coke at alam niya pag pepsi ang binibigay mo sa kanya.

Noong wala na siya halos maalala, kahit pangalan ng mga anak niya,

pangalan ko lang ang alam niyang sambitin.

Minsan dinalaw ko siya mula Maynila,

maaga handa na daw siya, naligo, nagpamake-up at nagpalit ng pampiyestang damit.

Bakit ko nga ba siya naalalang bigla?

Kagabi kausap ko siya.

blu: lola nica ang ganda mo naman ngayon, sino beauty consultant mo?

lola nica: si Magdalena..hihihihihi…

blu: kayo talaga….

lola nica: Alam mo apo, naisip ko lang …. sa iyo ko kaya iwanan ang sakahan at lupain natin?

blu: Eh, lola…pano naman ang mga anak mo..si tatay, si auntie, si uncle….

lola nica: ah basta….nakasulat na yan sa revised will and testament ko!  at saka binigyan ko na sila last year pa!

blu: eh kung naibigay mo na pala sa kanila…eh asan naman itong mga lupa at sakahang mamanahin ko?

lola nica: halika! lapit ka at ipapakita ko sa iyo…

blu: at kailan  pa kayo natutong magcomputer, la?

lola nica: last week lang.

blu: asan po dito?

lola nica: dito apo! (heksyated ang lola)

blu: ????? (di ako makahinga sa heksaytment)

lola nica: dito apo…tingnan mo nasa fesbuk! malaki at malawak yan…

blu: farmville!!!!! Yaikks!

Blu! Blu!Blu!…ano ba tanghali na ah! …..May pasok ka pa!!!!!

This entry was posted in blu, granny. Bookmark the permalink.

54 Responses to blu granny

  1. kaye says:

    weh?! naloka naman ako sa hacienda na ipamamana ni lola. pero ayaw mo nun, pwede mo palitan ng kung ilang beses ang itsura ng hacienda mo sa ilang click lang. hehehe

    ang kulit ng kwento… ok na sana, maiiyak na ko kasi lahat ng pangalan nakalimutan niya pwera ang sayo…biglang me karugtong pa pala sa baba. ayun, napahagalpak ako ng tawa magisa. hahahaha!

    talagang lola’s blu ka nga! 🙂

  2. dFish says:

    Pag lolo’t lola ang pag-usapan, wala akong masyadong maibahagi. Napakamusmos ko pa lang nang sila’y lumisan. I guess their early absence tells a lot of stories of longing itself – sa sulok ng katahimikan, sa mga ibinubulong ng puso ang panalangin…

  3. wahahahah virtually pala e haciendero ka na. wahehehe

    ako, ang pinakakilala ko ng lolo at lola ay malayong tiyahin ng nanay ko. kung susumahin dapat, malayo kami sa isa’t isa. (hmmm habang istorya) pero tumutulong ako sa kanila sa paghahanap buhay before kahit di pa ako ng nag-aaral. nagtutulak kami ng kariton sa pagbebenta ng kanilang gulay at para pagkain ng kanilang mga baboy.

    yung lola ko, pinagpupulot pa ako ng singko at dyes sa daan. ilalagay niya yun sa pitaka niyang naka-safety pin sa daster niya.

    dahil payak lang ang life nila, nakaluhod o nakasalampak kami sa sahig pag kumakain. (mesa nila pang japanese style na gawa lang ni Itang). ang lagi naming ulam sa kanila ay ang gawa nilang bagoong isda. masaya naman ang buhay sa kanila. para akong nasa probinsya. hehehe

    dumalaw sila noong pasko. medyo hindi na ako kilala ni Mamang. nag-iba na raw itsura ko, parang pang-buddy poke lang.

  4. timangkey says:

    Favorite din ako ng mga grandparents ko from both sides.hehehe

  5. nhickole says:

    helo po kuya blu si nhickole po ito bagong blogger kagagawan po ni ate len lakas makahawa ang aming katekista …ako naman kuya blu paborito rin ng lola ko kse sila ang nagpalaki sa akin

  6. etchosera says:

    Si Lola nag fafarmville🙂

    Miss ko din tuloy Lola ko.. (RIP)

    …laki rin ako sa Lola
    …fave nia rin akong apo (pero ako lang talaga🙂 )

  7. taga-bundok says:

    aw, lola… lumaki ako sa lola ko sa father side. peborit kaming tatlo (dalawa kong kapatid) kasi kami ang mag unang apo… kahit malupit yun at pianpalo kami ng buckel ng sinturon di ako nagtanim ng galit.

    high school, nasa poder na ako ng lola ko sa mother side, peborit naman niya mga pinsan kong mga unang apo niya. sobrang bait nun pero… malayo luob ko. hanggang sa ako na lang lagi kasama niya…

    …naawa ako. nalungkot kasi lagi kong inaasar.

    grabe magmahal ang mga lola sa kanilang apo.
    babawi ako pag-uwi ng pinas. salamat sa realization kuya blu… magandang araw nga pala.

  8. Lionheart says:

    At kakalabanin mo na ngayon si Kuya Kim bilang trivia King?

    Hala!

  9. sapphire says:

    HAHA. Ang cute. Akala ko pa naman nung una, sad yung ending. Kwela pala.

    Kasi name mo bluguy, kala ko blue ka. Hehe.😛

  10. lovely says:

    hehe..natuwa naman ako dun..
    pero namiss ko lola ko sa mother side, dami ko utang dun ay..kasi ung sa lola sa fathers side ko lang ung nabibigyan ko ng regalo pag pasko..
    sana makauwi ako dis 24 sa tanay ng maabot ko din ung regalo ko sknya..

  11. Dorm Boy says:

    Buti ka pa kuya blu nakasama mo lola mo, ako 4 years old pa lang ako wala na akong lola… sarap din sigurong lumaki sa lola!

  12. sandi says:

    noong bata ako..madalas din akong nakatira sa bahay ng lola ko😉

    wow..magiging milyonaryo ka nyan sa farmville…hehe!

    magandang araw kuya blu!

  13. Ax says:

    at marunong pala magfirmville si lola nica. im not a granny’s boy.. kuya ko, siya ang granny’s boy. ako, okay lang kahit ano. hehe.

    uy, tanggapin mo na yung ipapamana sa’yo!

  14. Mon says:

    * my lola died when i was 5. ala na akong lola both sides.

    * andami na talagang naloko jan sa farmville. hehe

  15. dhyoy says:

    hahaha! ang kulit ni granny… pwede bang ad

    ang dami mong memories sa lola mo at halos lahat memorable… isa yan sa mga hindi ko naranasan… sobrang kulay ng buhay mo Mr. Blu..

  16. enjoy says:

    hahaha! naadik din si lola sa fesbuk. at nag-farmville pa.🙂

    magandang gabi blu. pasensya na po at ngayon lang muling napadaan. naging busy lang sa aking lupaing sinasaka. ipapamana ko rin kasi sa mga anakis ko😀

  17. Jam says:

    D pa man pinapakita ng lola mo ung pamana nyang lupain prang knowing ko na hahaha! C Lola adik sa Farmville!..Panaginip lang pala….

    Sana mapasyal ka rin sa blog world ko xchange link tayo..www.jg-complicatedlove.blogspot.com

    Ansaya ng lola mo…

  18. orville says:

    namis ko tuloy ang lola ko sa bacolod.. tanda na pero napakasipag. sana makabakasyon ako doon.

  19. aninipot says:

    lolo’s girl ako sa mother side, tapos lola naman sa father side, lola ko masyadong cool, kami pa ang tinutulak na man disco..hehe, baylerina kasi lola ko dati…reyna ng sayawan sa barrio…hehe

    pero kahit lolo’s girl ako, ako lang ang apong di nya nahahalikan..ayoko tlaga nung bata pa ako… kahit naisip ko na bakit ko naman pagkakaitan ng halik ang lolo, yon parin ang paraan sa lahat ng apo nya ako lang ang tanging naaalala nya…ako lang kasi ang tanging tumatakbo pagkatapos mag-mano…hehe, ginagawa ko pari yon hanggang ngayon para makilala nya.

  20. beeftapa says:

    wahaahah! ang kulet ni lola nica!😀
    naalala ko si lola techy, baka tropa sila ng lola mo kuya blu! madalas siguro sila malaro ng poker, farmville, mafia at kung anik anik pang applications sa facebook! hahaha😀

    on a serious note, natats ako dito:
    “Noong wala na siya halos maalala, kahit pangalan ng mga anak niya, pangalan ko lang ang alam niyang sambitin.”

  21. topexpress says:

    SAma ako sa pagiging LOLA’s BOY!

    ahahahha tawa ako ng tawa! COOL GRANNY… alam pag pepsi binigay mo… Marunong mag computer at hagalpak ako sa tawa sa FESBUK farmville! ahahahahah

    astig ka tlga kuya blu!

    happy 2010

  22. jason says:

    farmville pala ang lupain.
    hehe
    tsaka lola’s boy. sigurado mabait ka kuya blu. dibadiba at magiliw ka rin sa mga bata. tama?

    sana kuya blu may picture kayo na nagbobonding kayo o diba sweet yun?

  23. lola’s boy din ako. pag inuubo ako dati, pinapausukan lang niya ako ng tabako, gagaling na ako.

  24. hahahhaa…..kakamiss naman talaga ang lola ko…kaya lang imbes malungkot kasi wala na sya…nilgyan ko na lang ng twist ang trivia ko….

    ang bilis mo kaibigan!!!!

  25. Douglas says:

    I was about to cry kase namimiss ko na ang lola kong deds since last year tapos mababasa ko lang FARMVILLE! haha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s