blu memories

minsan isang araw habang naglalakad tayo sa baybayin ng dagat natanong ko sa iyo ang mga bagay na ito:

 

kapag mahulog ako sa swing na ating tagpuan…

sasaluhin mo ulit kaya ako?

kapag nalublob ulit ako sa putikan….

iaahon mo kaya muli ako?

kapag pumatak muli ang mga luha ko…

papahirin mo kaya muli ang mga ito?

kapag naglayas muli ako….

hahanapin mo kaya ako?

kapag napagod na muli ang aking puso…

tuturuan mo muling umibig?

 

kapag nawala ka na…

pano ko muling tutuhugin ang pira-pirasong pangarap

na minsan pinilit nating bubuin?

parang kahapon lang ang ngayon:

mga alaalang pilit na iwinawaksi sa katinuan ng aking pag-iisip…

alam ko kasi di ka na muling magbabalik…

kailanman at sa kahit anong panahon…

sa aking pag-iisa kipkip ko pa rin

ang dalamhati at sugat ng kahapon…

sana di na lang kita iniwan…

at sundan ang tawag ng kawalan.

 

This entry was posted in blu, buhay, pag-ibig. Bookmark the permalink.

57 Responses to blu memories

  1. Lionheart says:

    Ano ba naman ang naiisip mo ngayon?

    Sad ka?

    Hay naku! Dumadating sa buhay natin talaga ang ganyan… Pero hanggang diyan lang ‘yan… Think positive.

  2. walongbote says:

    ui emo ka ngayon ah? hehe.. pero seryoso, di man xa bumalik sayo, daladala mo pa din ang pinaka masayang araw na kasama mo xa..🙂

  3. dFish says:

    Hmmm? Sadness at panghihinayang ba kuya blu? Nalalampasan din…

  4. tim says:

    hello, ganda nmn, very awesome huh!

  5. .poOt! says:

    I have been busy with my thesis these past few weeks that I failed to visit your blog every now and then. Btw, watch out for my new entry tomorrow. For sure, it will be a “love-me-or-hate-me” post. Want a clue? Ok… Noynoy

  6. Pinoy says:

    in all honesty, akala ko ang comment kong ito ay kasunod nung sumagot ng in all honesty.

  7. Pinoy says:

    in all honesty, malalim sya ha. at malay mo pwedeng gawing kanta dba?

  8. bongkito says:

    hi blu! first time ko dito.

    kakaiba ang tula mo. malalim at malaman. talagang hinungkat sa kaibuturan ng iyong karanasan. di bale, di naman sa lahat ng oras ay laging mahapdi ang sasapitin natin sa buhay. besides, marami pa kaw mapapagdaanan. kaya mo yan! basta tiwala ka sa sarili mo sa lahat ng yong gagawin.

    dalaw ulit ako next time.

  9. Ganda naman ng tula mo Kuya Blu…
    Whew, nostalgic and painful…🙂

    Pero kanino bang experience ito Kuya Blu?

  10. maccallister says:

    sad post a,ok lang yan we all go through pain and it helps us to be stonger…

  11. Eli says:

    Kuya blu, ang mga tanong may kaswetan.hehe

  12. bonistation says:

    ang lalim ng mga sakita at sobrang matatalinghaga! musta na brod blu!?

  13. ikaw lang ang makakasagot niyan, kaibigan..

  14. sandi says:

    pag-ibig nga naman😉

  15. enjoy says:

    ramdam na ramdam ko ang lungkot sa bawat linya mo blu. parang ang lungkot mo yata ngayon. may pinagdaraan ka ba?

  16. Dorm Boy says:

    Ako rin me blu memories malungkot pero ok din balikbalikan para maalala na minsan naging ganun ang buhay ko.

  17. Mr. Nonsense says:

    haha, picture ni ax at mistery man…
    si Jkul kaya?

  18. nhickole says:

    “,ang ganda naman po ng blu memories kakainspire at medyo malalalim ang mga salita!! para na pong tula!!!…

  19. bipolarsisa says:

    Kuya. hinihimay ko ang bawat salita. pinipilit idigest.

    saka na ako babalik para magcomment. pag handa na ako. hehe.

  20. Ax says:

    in all honesty, i do not know how to react in such situations and/or scenario such as this..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s