blu heaven

 

minsan ko nang narating ang langit…

hindi sa panaginip…

hindi sa hinagap…

 

nalakad ko na rin ang alapaap…

akala ko noon, hanggang tanaw lang…

sana nga di magwakas ang paglalakbay na ito…

 

minsan ko nang narating ang langit..

yan, kaibigan ang totoo!

 

doon sa itaas di naman blu ang kulay…

mga kulay na ngayon ko lang nasinagan…

hindi pula

hindi puti

luntian

rosas

at dilaw!

ang totoo hind rin siya

kulay bahaghari!

 

minsan ko nang narating ang langit…

kahapon…

habang nag-aagaw ang takipsilim at

ang haring araw…

doon ko nasumpangan ang langit!

 

kaibigan….

isang araw ikukwento ko ang lahat…

hayaan mo lang na namnamin ko ang

bakas na iniwan nito..

 

minsan ko nang narating ang langit..

at yan ang totoo!

 

Advertisements
This entry was posted in blu, heaven. Bookmark the permalink.

52 Responses to blu heaven

  1. nicki ay nagsasabing:

    wow..
    langit..
    i love it..
    haha..
    Ü

  2. maccallister ay nagsasabing:

    hayy gusto ko din ng snowwwwww!sawa na ako sa buhangin dito!LOL

  3. lhen ay nagsasabing:

    sana ako rin marating ko ang LANGIT kahit sa panaginip lang hehehe

  4. Ube ay nagsasabing:

    langit ka, lupa ako..hanggang pangarap nlng ba tayo?

    sing with me..

  5. The Lady in Green Ruffles ay nagsasabing:

    wow naman! para ngang napapaawit ka sa sobrang kaligayahan!

  6. p0kw4ng ay nagsasabing:

    ako lagi ko ding nararating ang langit,hihihi

    kwento naman dyan kuya blu!

    sensya na po at ngayon lang ulit naligaw dito!!

  7. dhyoy ay nagsasabing:

    Heaven is found on Earth within the peace we find in ourselves which sets us free of despair and unrest.

  8. aninipot ay nagsasabing:

    wow! parang nakita ko na ang pinuntahan mo mr. blu…

    parang ako rin ang naglakad sa alapaap, kahit binabasa ko lang ang post na to.

  9. coolwaterworks ay nagsasabing:

    Naniniwala po ako sa inyo na narating na ninyo ang langit… Ika nga sa Theo101, sa panahong kapiling natin ang Panginoon, tayo ay na sa langit… Dahil ang langit ay hindi lamang lugar na patutunguhan, kung di ito ay isang ring estado ng buhay… 🙂

  10. i kill the suckingbird ay nagsasabing:

    waaaaawww~~ galing!

    for sure maraming pine trees sa heaven. hehehe

    first time!

  11. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    so ito ba ang follow up ng version ng true faith na muntik ng maabot ang langit? joke!

    well sana maikwento mo sa amin ng bonggang-bongga pag nanamnam mo na. mabuhay! gusto ko malaman ang experience o sentiment mo tungkol dyan.

  12. Eli ay nagsasabing:

    ..bagaman masaya ako sa buhay ko.alam kong may tunay langit na langit na dapat ko pang pangarapin. Yun kaseng langet na dala ng kasiyahan na nasa puso minsan panandalian lang.gusto ko ang langit na walang hanggan.anu nga ba ang tunay na kulay nito kuya blu?may mapa ba patungo dito?o itoy nasa isip lang?

  13. Eli ay nagsasabing:

    ..bagaman masaya ako sa buhay ko.alam kong may tunay langit na langit na dapat ko pang pangarapin.

  14. Eli ay nagsasabing:

    Nice
    nasaan nga ba ang tunay na langet?nasa puso?sa taas o nasa kabilang buhay?
    Ang gusto kong marating na langit ay ang langet na walang nagugutom, wlang may sakit.wlang gutom at walang luha.diko kase makita ang langet kapag may naki2ta akong kulay itim sa paligid.

  15. Kikit ay nagsasabing:

    langit? sa tingin ko wala sya sa labas o sa taas. kasi ako, basta masaya, feeling ko nasa langit na ako. 🙂 nice one blu!

  16. pruelpo ay nagsasabing:

    kuya blu, galing ng tula mo puwedeng gawing isang awit. ang lawak ng imahinasyon nyo po. ingats nakiraan lang.

  17. dencios ay nagsasabing:

    ako nararating ko ang langit kapag alam kong masaya ang pamilya ko sa Pinas 😀

    nice post bluroseguy. 🙂 parang naimagine ko tuloy ang mga sinabi mo. profound.

  18. sandi ay nagsasabing:

    kuya blu, nag taxi ka ba papunta dun? hehe

    sana makapunta rin ako dyan at papasukin ako… 😉

  19. sandi ay nagsasabing:

    wow.. nag taxi ka ba papunta dun? hehe..

    ang ganda. sana makapunta rin ako jan at sana lang welcome ako dun…hehehe 😉

  20. diego jose ay nagsasabing:

    waaaah! i missed this, blu. ang contemplative mo talaga. 😀

  21. aksoriyalmo ay nagsasabing:

    tsk, the metaphor is tricky.

  22. beeftapa ay nagsasabing:

    gusto ko din makita ang nakita mo kuya blu…

  23. Mon ay nagsasabing:

    wow naka-punta ka na ng langit Kuya Blu!? totoo po bang andun si San pedro sa pintoan?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s