blu winter

noong isang linggo pumunta ako sa campo felice…

ako ang isa sa mga sakay sa duyan na yan papuntang tuktok..

na kung saan mas makapal ang snow….

pwedeng magtumbling at maghalo-halo…

saya ko! ang saya-saya ko! as in uber!!!!

pero kung tutuusin ayaw ko ng taglamig!

mas gusto ko ang spring at ang sikat ng araw!

madalas meron akong winter depression sa mga

panahong ito…

at napapadalas din ang kain ko ng saging….

pero …sasabihin ko..

kakaiba ang naramdaman ko..

sa gitna ng mga niyebe…

pagtapak ko pa lamang sa tuktok…

bumungad sa akin ang kakaibang tanawin…

nababalot ng puti ang lupa…

at kasabay niyon ang katahimikan….

isang malalim na katahimikan…

pinikit ko ang aking mga mata…

at pilit iwinawaksi sa aking isipan…

pano nga ba…kung ang totoo…wala ako sa lupa!

bigla akong nagpanic…..

nakakabingi ang katahimikan…

bigla na lang naglaho ang lahat…

wala akong naaninag kundi ang puting tabing ng niyebe…

mataman kung pinakinggan ang aking paghinga

at ang pagtibok ng aking puso….

halos nag-uunahan ito at humahangos….

nananaginip lang ba talaga ako?

mulat-sara ang aking mga mata…

kurot-kurot ko ang aking pisngi….

wala pa rin….alam ko buhay ako…

pero bakit ganun….

ang paligid para bang natabingan ng isang malaking puting kumot…

na pag nasisinagan ng haring araw..

ang kinang nito’y nakakasilaw…

wala akong magawa kundi yumuko…

mahirap kalabanin ang kislap nga mga niyebe!

parang mga bituin sa kalangitan sa madilim na gabi….

God! buhay ako!!! nasambit ko.

habang palinga-linga

sa walang hanggang puting tabing sa aking paligid…

naglaho pati mga puno….

at ang mga manaka-nakang huni ng ibon…

tila baga biglang napipi….

don’t panic!!!! don’t ever panic!!!

yan madalas ang paalala sa akin ng aking mentor…

focus!

breathe!

smile! (ngek!)

parang nagpapiktyur! lang!!!

hoy!!!

ano ba Blu…

kala namin kasunod ka!

ano ba ang tinitingnan mo dyan sa gitna ng mga punong kahoy?

wala!…

anong wala?

naratnan ka naming nakangiti!…

ah! wala yun..

aysus…ang dami na naming kodakan…

and for your info…30 minutes na kaming naghihintay sa iyo… 

ganun ba?

habang tulalang sumusunod ako sa kaibigan ko…

hindi ko pa rin maisip ang mga pangyayari….

 

ang totoo nyan…

hindi naman ako nagpanic…

ang gusto ko pa nga ay mapatagal

ang mga sandaling naranasan ko..

in fact ayaw kung sabihin na panaginip lang yun!

 

kasi ang ganda!

tahimik..

payapa..

at may dalang

mga butil ng saya..

na mahirap ipaliwanag…

 

blu heaven?

This entry was posted in blu, winter. Bookmark the permalink.

31 Responses to blu winter

  1. hoshi says:

    bah ang ganda nga ng feeling na yan. minsan nadarama ko yan dito sa Pinas. kapag tag-ulan nga lamang. hehehe

    tingin dapat minsan ay maghanapd in tayo ng katahimikan kasama ang nature, lalo na kung nakaka-stress ang ating lifestyle.

    mabuhay!

  2. Hala nagkaroon ng mukha si Bro ah. Kuyaaaaaaaaa Blu salamat sa pagbisita mo sa blog isang taon na ang nakakaraan at sa pag angkas ko sa community mo ay naging mabunga din ang palitan ng pagbisita sa bawat blog. Tenks🙂

  3. .poOt! says:

    hi kuya blu. sana mapadaan ka sa blog ko. i’m celebrating my first blog-o-versary today.

  4. jason says:

    hahahah sana nakita kita kuya blu na nakasakay dun.. gondola po ba tawag dun?
    parang ride lang sa enchanted kingdom ano? hehehe😀

    dahil sa ang winter ay blue,
    at ang blue ay related sa sadness…

    ammmm ano nga ba. hahaha

    hi kuya blu!!😀

    • hindi gondola ito (ang gondola ay yung bangka na famous sa Venice).

      …well, somehow tulad ng sinabi ni AX…ang winter brings sadness to some people…katulad ko tuwing winter meron akong depression…pero wag mag-alala slight lang naman…ako pa…kaya ko yan…kaya nga ba kumkanta ako parati hehehehe….

      • dencios says:

        yung gondola naman sa dati kong work ay mga lalagyan ng products sa supermarkets etc. haha

        neweys oo nga may winter blues nga na sinasabi pero i dont entertain it. mas nag iisip ako ng positve. like itong ke blueroseguy na gusto ko ding maranasan🙂

        ingat boss blu!

  5. bipolarsisa says:

    Kuya Blu, anong kulay ng langit? hehe.

  6. roanalcala says:

    pls, support Roan Alcala,John Rey Rasco finalist of fan fun art wallpaper contest of pinoy bigbrother uplate, just by clicking this link, he needs more viewer of his wallpaper, i really appreciate ur support sana makapasok sa BIG 5 winners….salamat

    Roan Alcala =
    http://pinoybigbrother.multiply.com/photos/album/390/Fan_Fun_Art_Entry_by_Roan_Alcala

    John Rey Rasco = http://pinoybigbrother.multiply.com/photos/album/381/Fan_Fun_Art_Entry_by_John_Ray_Rasco

    Mark angelo Versoza = http://pinoybigbrother.multiply.com/photos/album/386/Fan_Fun_Art_Entry_by_Mark_Angelo

  7. Mr. Nonsense says:

    maganda nga ang snow…pero hindi masarap magdrive at palahin ang snow…pagnagtagal ay putik…hindi blu…gray o brown…

    anyway, i love snow too!

  8. dhyoy says:

    kakaibang karanasan yan Mr. Blu, parang time slip din ba yan gaya nung kay ax? ahehehe joke lang. Baka naman malalim ang iniisip mo? O umalis sandali ang sarili mo? hehehe….

    pero Mr. Blu gusto ko maexperience yung snow😆

  9. Jam says:

    Nice post..medyo but its a little bit scary kse..ung feeling na nsa heaven naba ako??hahaha. buti d mo kingat daliri mo to wake up urself..hahaha

    Salamat sa pagbisita sa blog ko..Adv. Happy Valentines too..TC

  10. jknewest says:

    gusto ko yang ma experience!! yung SNOW!! as in !!

    kaibigan!!

    xchange links tayo🙂

  11. sandi says:

    brrrrr…ang ginaw! hehe

    masarap din pag malamig..sabi nga ni dfish: “worryfree”

  12. dFish says:

    Kuya Blu – kahit ako, na-iimagine ko ang moments of peace na yun. Napaka-picturesque kahit na matalinghaga ang pagsasaarawan mo sa karanasan na yon. Parang oneness with the lightness of the whiteness in stillness, painless and worry-free and almost out-of-this-worldness…Seriously Kuya Blu…

  13. Ax says:

    “Snow covers everything in white. It covers the sadness, softly. If there is happiness, it decorates it beautifully. The snow continues to fall…” – Boys Be

    Boys Be is one of my fave adult/teenage anime.

  14. Ax says:

    Kuya Blu, that’s a disorder.

    Seasonal Affective Disorder (SAD), also known as winter depression or winter blues, is a mood disorder in which people who have normal mental health throughout most of the year experience depressive symptoms in the winter or, less frequently, in the summer. – Wiki

  15. Ax says:

    yay, signos na malamig na valentines ito!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s