blu boy

ang kuwentong ito at nabuo sa isang istambayan ng dyip.

blu: bata,  pwedeng umusog ka ng kaunti..makikiupo lang din…

bata: sige po kuya…

blu: ang init naman…eh di ba dapat malamig kasi Pebrero…

bata: eto po o….gusto nyo ng tubig..

blu: salamat…me baon din ako…teka…bakit nag-iisa ka lang, asan ang kasama mo..

bata: wala po…

blu: ah….

dahil wala naman kaming pinag-uusapan, ikinabit ko na lang headphone sabay pakinig  sa kanta ni Chari na Note to God….maya-maya pa’y bigla binuksan ko ang mapang kanina pa hawak-hawak….

bata: saan po kayo pupunta?

blu: ano sabi mo??

bata : saan po kayo pupunta?

blu: ah ….sa langit! (pati ako nabigla rin sa sinabi ko, sabay tingin sa reaksyon ng bata)..

bata: ako po….nakarating na sa langit. (walang kagatolgatol na sinabi)

blu: ows….huwag mong sabihin…dalawa na tayong nakarating sa langit…..

bata: bakit po….nakarating na rin kayo? (parang hindi sya makapaniwala).

blu: o sige nga…paki-describe nga ang heaven…

bata: parang …..ganito po…..alam nyo minsan naglalaro ako sa beach…tapos may nakaksilaw na ilaw ….parang pintuan….

blu: ha??? (sa pagkakataong ito medyo naging interesado na ako sa mga susunod nyang sasabihin)

bata: pumasok po ako sa loob…doon po mas malawak pa na dagat….halos di na maabot ng aking tanaw…

blu: tapos……ano pa ang nakita mo?….sino?…. andon din ba si Bro?….si San Pedro, totoo bang may hawak na manok?….

bata: ha?wala po akong nakitang manok….meron pong mama na may hawak na malaking ……parang remote control po yata yun…

blu: at kailan pa nagka-TV sa heaven aber?

bata: totoo po…ang sarap nga manood…tapos nakita ko na lang may lumabas na sanggol…

blu: saan sa harapan mo…

bata: hindi po…sa tv…tapos …habang lumalaki siya…napansin ko po parang nagiging kamukha ko…

blu: ikaw yung baby?

bata: opo….tapos sabi nong mama…..di pa raw tapos ang kwento ko…kaya bumalik daw muna ako…

blu: bakit naman daw di pa tapos ang kwento mo??

bata: sabi po nya…bata…balik ka muna sa pinaggalingan mo…kasi may misyon ka pa…ano po ba ang misyon?

blu: Misyon? ah yung nakatalagang dapat mong gampanan sa buhay na ito…

bata: po?

blu: ah basta!….misyon…pano ba ito?

bata: saan po ba mahahanap yun?

blu: ang alam ko pagdating ng takdang panahon…yun…malalaman mo…

bata: ay ito na po pala ang dyip na sasakyan ko…sige po…

blu: sige….ingat ka ha..

 

halos mapuno kaagad ang dyip…. bigla lang ako napatingin sa destinayon na nakasulat sa gilid nito…PAG-ASA…

blu: …(napaisip…namangha…ang bilis ng kabog ng dibdib ko)…eh..yung bata….di ba si…si… SANTINO!

Santino: bakit po kuya Blu…

blu: ano ba ang titolo ng susunod mong teleserye….

Santino: hihihihihihi……sa susunod na lang po…sasabihin ko…

at tuluyan ng umusad ang dyip….at ayun si Santino pabalik na sa sitio PAG-ASA.

sayang naman di ko tuloy napapirmahan ang piktuyr na ito!

This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

69 Responses to blu boy

  1. Sharilyn says:

    ever since nakilala ko xa sa tv noon, hangang hanga na ako sa knya, msya? ako nang malaman kong ipapalabas sa MMK ang buhay nya.. and i admire her even more… she has been my idol ang will always be.. sana makilala ko xa sa personal…….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

  2. Martina Burt says:

    I am working on building a blog like blu boy | bluguy. I still have a way to go, and definitely do not yet have the visitors you seem to have. If you find the time, please give me some suggestions on http://digg.com/israeweewr as I know it wants a tune up. Nice website, sincerely, Martina Burt

  3. Joyo says:

    Mr. Blu di ka pa rin ba bumabalik?

  4. Junice Lopez says:

    hehe.. si santino pala!

    ang galing..🙂

  5. bonistation says:

    hays ang gandang kwento! naaliw ako blu!! sana may sequel!! hihi
    pa update po sa blogroll… uyyy dot com nako hahha

    http://www.bonistation.com

  6. gudang says:

    GARABI. xD Hahaha. Ang galing naman. Ako rin eh, gusto ko rin sanang makakausap ng ganyan.🙂 Hehehe. Para kasing may mas alam pa yung bata kesa sakin. xD

    Nga pala, LONG TIME NO VISIT sa blog mo kuya blu! Gudang to, remember? Haha. At nag-relocate na pala ako.

    http://www.gudangmo.wordpress.com

    MARAMING SALAMAT KUYA BLU!😀

  7. Ax says:

    Biyaheng langit kasama si santin0!.. At malawak na dagat. Malawak na malawak na dagat!

  8. eloiski says:

    nagulat pa ako akala ko kung sino na yung batang yun. gusto ko rin sana makilala tapos si santino pala. ano bayan? nadale ako dun ah!
    bat ganun? may gym ba sa heaven??? ang laki ng muscle ni bro oh!

  9. ELIment says:

    ay si santino pala.

    ang dami ring nag-abang sa araw-araw na adventures ni santino sa bagong pag-asa.

  10. lovely says:

    peborit ni brailee si santino..pag santino na nag pepray na sya hehe..

    ngayon lang nagawi ulit dito kuya blu..
    kamusta na po ba?

  11. Carizza says:

    Wow, ang hot papa pala ni Bro. :))

  12. Dorm Boy says:

    Si Santino ang bagong simbolo ng Pag-asa!

  13. yhen says:

    talaga naman, ang daming natocuh sa buhay ni santino…

    hangkyut ng pix nila…

    we can b a santino in our own ways…😉

  14. joycee says:

    Hihi kyot talaga ni Santino! Sayang di ko napanood ending!

  15. huwanalberto says:

    ang kyut naman ni santino. at macho pala si bro. hehehe/

  16. jason says:

    teka.. bakit parang kamuka ko si santino dyan?(KULOG)(KIDLAT)(LINDOL)(LANDSLIDE)

    aw.. babawiin ko na po bro. di na po mauulit. hahaha

    kamusta kuya blu

  17. Sows says:

    hafi balentyms kuya blu!

  18. Lionheart says:

    Natuwa naman ako dun…

    Cute talaga ni Santino… Swerte mo naman at nakita mo na si Santino🙂

  19. Mr. Nonsense says:

    sana yung langit ko ay hindi widescreen ang tv para di ako mukhang mataba.

  20. brVince says:

    wow… kahanga-hanga po nun ah!

  21. kaye says:

    wahahahaa! adik ka talaga kuya! talagang seryoso pa naman ang pagbabasa ko. sabi ko na nga ba at may catch eh. hahaahaha! naloka ako!

    pa-update po ng links… http://keekaye.com na po.🙂

  22. aksoriyalmo says:

    nasusubaybayan mo ba yan sa roma?

    if yes, good for you. coz i don’t even if i’m here in Pinas.

  23. addict ka kuya, wahahaha
    well kahit ako siguro makita yun, hindi ko papalampasin ang pagkakataon na magpa-picture. hehehe

  24. dFish says:

    Binasa ko na to 2 days ago. Minsan kasi, hindi nagsi-sink in sa akin kung katha lang ng mapusok na imahinasyon ni Kuya Blu ang binabasa ko o totoong nangyari. I guess the truth lies in between hehe. Parang aklat lang ng Genesis hehe…Musta kuya blu…

  25. nicki says:

    haha.. nakuha mo din pala yang pix na yan…

  26. sandi says:

    nanood din ako nyan
    maganda ang mensahe ng istorya ni santino..😉

  27. etchosera says:

    huh akala ko totoo un pala imahinasyon mo lang🙂

    di ako maka relate kay Santino at Bro di ko kasi napapanood yan…

  28. lababo says:

    kala ko ikaw yung nakawhite. si BRO pala wahahaha.

  29. pruelpo says:

    ayos ka talaga kuya blu, natawa ako dito kausap mo na pala si Santino. LOL.

  30. orville says:

    hahaha.. very popular ang soap na yan. galing. akala ko po talagang may batang nagpakita sa inyo galing ng langit. hehe

  31. jason says:

    heheheh si bro!!!!

    at si santino nga!!!

    marami pa daw misyon si santino di pa sya pwedeng mawala!

  32. ⓙⓞⓨⓞ says:

    ehehehehe nakasakay mo pala si santino… ang ganga nga ng heaven na napuntahan ni santino… ikaw Mr. Blu ano itsura nung heaven na napuntahan mo?

  33. lhen says:

    BAGong title ng teleserye ni santino ay “sulong GIBRO”🙂 Nangampanya eh noh 🙂

  34. lhen says:

    wapu ni bro pedeng pede sa TOP 100 MOST HANDSOME in the world ….. 🙂

    teka basa muna ako

    second base ako nyahahaha

  35. onesounddrum says:

    Hahaha..ayun may face na c bro dito..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s