blu inauguration!

natapos na rin ang eleksyon…

muli na namang nagLQ si James at Kris,

si Binay ayaw daw tumanggap ng pwesto sa bagong Gobyerno.

mga artista pwede daw sa government positions (why not?)..

balik-eskwela na naman, balik baha at klase sa ilalim ng puno ng saging (meron nga ba?)

mga OFW nag-uunahan sa pagpapadala ng pera para sa enrollment.

whew! so ano ang bago sa Pinas kong mahal?

June 30…walang pasok! blu inaguaration nina BINOY! JENOY! PENOY! BALUT!

kaya sabi ng fren ko, absent muna sya sa facebook kasi walang opis!

may ganun talaga!

bagong presidente,

dala ba ang bagong pag-asa

o patuloy na pagkalugmok ng Inang Bayan?

sa ilang dekada ko sa Pinas…wala naman talagang nagbago!

kahit anong kulay ang mamuno, isang hubad na katotohanan

pa rin ang ating kahirapan at pagkabayubay ng ating mga kakabayan

sa walang kasingbigat na krus ng buhay.

dati na, isa ako sa nakikibaka sa mabuting pamamalakad

sa ating bayan, naki-EDSA..

aba bumoto rin nitong nakaraang eleksyon,

pero teka…bakit ang daming balotang nakahimlay sa kahong parisukat.

oo nga pala, kawalan nga pala ng dagdag na kita ang pagliban ng ilang oras para lang bumoto!

para sa karamihan na OFW, wala namang magbabago kung dilaw, orange, green o kaya pink ka!

nahawa na nga yata ako sa kamalayan ng isang pinoy expat!

pero sa darating na inauguration isang dalangin ang aking sasambitin.

dalangin sa Inang Bayan:

Dear BRO,

Isang kabanata na naman ang magsisimula

sa buhay namin bilang isang bayang nasa

iyong kalinga.

Mahahawi na naman ang tabing ng entablado

para sa marami naming kababayan

na umaasa sa pagbabago at

pagsisimula ng isang bukang-liwayway

sa kasaysayan ng lahing kayumanggi.

Tulungan mo kaming mabuksan

ang aming mga puso at isipan, diwa at pagpapahalaga

tungo sa bagong aninag ng pag-asa.

Turuan mo kaming maging matatag

at sama-samang harapin ang pagsubok ng tadhana.

Ilawan mo ang hungkag naming daraanan

at sa madilim na gabi, nawa’y ilaw mo ang aming

gabay.

AMEN.

This entry was posted in anniversary, blu, prayer. Bookmark the permalink.

8 Responses to blu inauguration!

  1. -=cuteberl=- says:

    ako naniniwala sa pagunlad ng pilipinas. oo si noynoy ang presidente pero nasa ating mga kamay ang solusyon. Only GOD is the solution to the problem of the Philippines. Share ko ang sekreto ng singapore, china at taiwan bakit sila mabilis na umunlad… simple lang… inayos nila ung mga batas nila at inihawid sa batas ng Bibliya…. Halos karamihan ng mga tao sa mga bansang yan nabago ng mensahe ng Diyos at namulat sa katotohanan kaya sa isang iglap ayun umunlad….

  2. nhix says:

    sana ito na yung panahon ng pagbabago.. sana mabago ni noynoy at binay yung mga nagawang kamalian ng dating PGMA..
    padaan po

  3. timangkey says:

    basta masaya ako na walang pasok. ang pinakamahalagang tanong ko eh, madami din ba ang holidays sa panunungkulan ni ninoy gaya ng administrasyon ni gloria? =P

  4. livingstain says:

    kasama mo akong nagdarasal, at kasama mo rin akong umaasa sa maliwag na pagbabago, hayaan mong dalin nya tayo sa ipinangako niyang daan matuwid.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s