bakit bughaw ang kulay ng pag-ibig?

Dati pa masakit na ang magpaalam. Ilang taon, ilang taglagas ang dumaan para mapawi ang hapdi at maghilom ang sugat na iniwan nito. Tiniis ko yun, kasi mahal kita. Marami ang nagsasabing mas nagiging dalisay daw ang pag-ibig kung marunong tayong magparaya at magpalaya. Madalas tama ang kawikaang ito. Pero kahapon lang napagtanto ko, hindi madalas tama ang sabi nila. Sana ipinaglaban ko ang pag-ibig natin, kahit sinabi mo noong walang kapanalunan ang ating ipinaglalaban.

Bakit kasi muli kang kumatok sa sarado ko nang puso. Ngayon pa, na alam ko hinding-hindi na tayo magiging muli. Ang pag-ibig, ang tunay at dalisay na pag-ibig kailanman hindi magmamaliw. Ang hubad na katotohanan ay ang amining mahal pa rin natin ang isa’t isa, sa isang panahon na hindi na tayo kapwa malaya. Isang hantarang kasinungalingan na muling buksan natin ang dahon ng nakaraan at sariwain ang bawat tamis na dulot nito.

Alam ko hindi ito ang tamang hantungan. Ang pagsilabin muli ang ating nagpupuyos na damdaming minsan nang pinagdarang sa ngalan ng pag-ibig. Sa huling pagtipa ng aking mga daliri, hudyat na ito ng isang pagwawakas ng isang kahibangan at pangarap na pagniniig ng ating damdamin.

Nabuksan man muli ang sugat nang nakaraan. Matatagalan man ang muling paghilom nito. Salamat na rin at muli kang dumating sa buhay ko. Ang bangungunot na hatid nito, kung ito man ang tamang tawag dito, ay babaunin ko hanggang kamatayan.  

Bakit ba madalas bughaw ang kulay ng pag-ibig? Hindi ba pwedeng kulay rosas parati? O kaya parang bahaghari? Mas makulay mas masidhi at malalim ang bigwas nito sa atin. Minsan nang may nagtanong sa akin kung bakit bughaw ang kulay ng aking buhay? Bughaw,  kasi yan ang tatak ng aking kamalayan at pagkatao. Bughaw, kasi yan ang madalas na wakasan ng aking buhay pag-ibig. Bughaw, kasi yan naman talaga ang tunay na kulay ng pag-ibig.  Ang tunay na umiibig ay handang magparaya at magbuwis ng buhay para sa taong minamahal.  Ang bughaw ay tanda ng kagitingan at katapangang mag-alay ng sariling buhay dahil sa pag-ibig. Ngayon, alam nyo na kung bakit bughaw ang kulay ng aking pag-ibig?

malalim man ang sugat na iniiwan ng bughaw kung pag-ibig,

at muli’muli man akong masugatan,

nanaisin ko pa ring umibig sa iyo.

p.s. kug mabasa mo man ang liham na ito, asahan mong malayo na ako.

This entry was posted in blu, buhay, pag-ibig. Bookmark the permalink.

50 Responses to bakit bughaw ang kulay ng pag-ibig?

  1. Seriosly, I’m any web site admirer research each of the blogs around right now, not all of these that’s been published shines including your own does indeed. Your website trapped my eye and that i enjoy your opinions that you’ve benn shared with people..Thumbs upwards!

  2. mari says:

    matuto kang tanggapin na may mga bagay na HINDI PWEDE at HINDI DAPAT. kapag narealize mo na yun, dun palang magsisimula ang paglaya ng puso mo😀

  3. sows says:

    aw. kuya blu. ngaun lng ulet nakadalaw ang EMO pa d2.
    hugs kuya..

    ok lng yan.😉

  4. nalaine says:

    ‘Dati pa masakit na ang magpaalam.’ – TAMA! at intinding-intindi ko ‘to ngayon.😦

    ‘malalim man ang sugat na iniiwan ng bughaw kung pag-ibig,at muli’muli man akong masugatan,nanaisin ko pa ring umibig sa iyo.’ – nagmahal, nagmamahal at magmamahal.

  5. timangkey says:

    asul kasi “la us” (wala us, ung boy and girl)

    bughaw kasi “huwag b.” (huwag balikan)

    blue kasi “ul be” (happy in the end)”

  6. anubayan kuyaaaaaaaa grabeng kalungkot naman ng love story na ito. Yun ang isa sa kabalintunaan ng buhay at di lahat ng tama ay masaya di ba?

  7. neil says:

    ang sad naman ng post na to…

  8. neil says:

    sad naman ng post mo…

  9. hisnameisdencios says:

    bluroseguy,

    bakit naman ang lungkot? pero alam mo kung kayo, kayo talaga in the end. kapag nabasa nya yan sigurado malulungkot din yun.

    BTW boss blu, maligayang pagbabalik sa blogworld. pasensya kana at busy ang dioniscio at hindi masyadong makadalaw sa iyong balay.

    anyways, cheer up. may bukas pa!

  10. aubu22 says:

    augghhhh, ang lungkot naman,😦

  11. empress says:

    masydong emo ang post mo .. pero ganun talaga ang pagikot ng pag ibig sa buhay nga tao.. masaya , malungkot, may pag kamuhi at may pag mamahal minsan pinapalaya ka…

  12. kayedee says:

    ayy ang sad nman…bkit hnd ba pde kung mahal ang isat isa?? hmmmm
    ako rin kht lgeng msaktan lge p rin iibig,, pero hnd na sa knya! ahahha.

  13. Nosebleed ako dito… Pengeng tissue! At gelato na rin na bebelgam flavor…😆

    Natamaan ako dito Kuya Blu… Wala na akong masasabi pa…🙂

  14. etchosera says:

    buhay pag-ibig. pagmamahal. pamamaalam. pagpapalaya.

  15. Dorm Boy says:

    Isang romantic entry pala to. Tama ka kuya blu dpat sana lagi na lang kulay rosas ang kulay ng pag-ibig. Pero siguro nga me ups and downs talaga ang buhay ganun din sa larangan ng pag-ibig.

    Hayaan mo time will come magiging makulay pa at di lang sa blue ang kulay ng buhay pag-ibig mo!

    Good luck sa sa pakontes ni J kul isa p!

  16. geylii says:

    ahhh . nalungkot ako😦
    may naalala ako sa katagang ito
    “Sana ipinaglaban ko ang pag-ibig natin, kahit sinabi mo noong walang kapanalunan ang ating ipinaglalaban.”

    may nagtanong sa akin, kung hindi ko ba daw sya kayang ipaglaban, sumagot lang ako ng paano ko ipaglalaban ang taong hindi ako kayang panindigan .

    hindi naman pwedeng magisa lang ako lalaban para sa laban ng dalawa diba?

    haha nakiki emote ako sa blog mo sorii .:)
    sana masaya kana

  17. J. Kulisap says:

    Ito po ay Entry Number 37. Salamat po

  18. Joyo says:

    Mr. Blu ur so back! bakit parang ang sad ng post pero ang sweet…🙂

  19. Nortehanon says:

    “malalim man ang sugat na iniiwan ng bughaw kung pag-ibig,

    at muli’muli man akong masugatan,

    nanaisin ko pa ring umibig sa iyo”>>>>>Awwwww…..Mukhang napakalalim ng pinaghuhugutan nito, Kapatid. Magandang araw po at God bless!

  20. kaye says:

    awwwww…kuya blu! ang blue blue naman ng entry mo…nalungkot ako… ang tunay na pagibig ay mapagpalaya at mapagparaya…ngunit malungkot pa rin!😦

  21. livingstain says:

    buongiorno!!!

    aba binatang binata itong si kuya blu… susumbong kita ka bro… lolz wala namang masamang umibing di ba nga yun ang pinakamasayang punto ng buhay ng tao, kapag hindi ka na masaya ibig sabihin hindi ka na umiibig.

    (now playing- bukas na lang kita mamahalin by lani misalucha)

  22. Sphere says:

    Nakarelate ako pero malaya ako katulad ng mga ibon at isda sa karagatan…

    …hindi katulad nya nakagapos at nakakulong sa selda na walang rehas…

    napadaan lng po:-) hug po kita sa blogroll ko:-)

  23. J. Kulisap says:

    Maraming salamat po sa inyong pagtugon sa aking patimpalak.
    Nabuhay ang mga natutulog na damdamin sa inyong akda.
    Pag-ibig na disin sana’y kaulayaw sa panahon ng taglamig at magpapaigting ng init sa katawang naghahanap.
    Na disin sana’y ang pangarap mo ay kakambal din ng kaniyang pangarap.

    Sir, labis po ang aking kagalakan. Mabuhay po kayo

  24. Pingback: PASIKLABAN | Kayumangging Damdamin

  25. wow! welcome back kuya!

    ganun nga talaga siguro yun, may mga pagkakataon na nagkakaintidihan kayo at mukhang okay naman lahat. kaso wala pa rin.

    masakit pero kailangang magpatuloy at maniwalang may iba pang pag-ibig. gaano man kasing babaw o kasing lalim kumpara sa nauna.

    mabuhay!

  26. melody says:

    u uh soo sad naman…so blue means on very sad mode!😦

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s