namundok si blu!

Ilang oras na lang aalis na naman ako para sa taunang planning session. Di ko alam kung ayos ang internet connection sa bundok ng tralala..pramis di ko talaga alam! Kaya hayun…major! major! greet ko lahat ng may birthday this week sa aking fesbuk account.

Kung tutuusin, one week lang naman, pero, sandamakmak na naman ang wardrobe ko…pano po malamig na sa bundok….mas maagang nag-uumpisa ang winter doon. One week akong mawawala pero…ang dala kung wardrobe pang isang taon (joke!). Aysus, mahirap nang maubusan ng isusuot…tayo pa namang mga pinoy, mahilig maligo (kahit sa kasagsagan ng below zero temperature) at magpalit ng damit araw-araw,…sabi tuloy ng plantsadora namin, daig ko pa daw ang artista sa daming labahin every week.

Ang sarap mamundok…at manirahan kahit pansamandali malayo sa ingay ng siyudad. Kaya lang…hello! di naman kaya bakasyon, kundi….papurulan ng utak tiyak ang drama ng week na ito….presentations, meetings…balitaktaktakan….brainstorming daw! wheeew! Ewan ko lang…ewan ko lang…kung may matira pa akong katinuan pagkatapos ng week na ito…

ganyan talaga ang buhay….kailangang kumayod…para mabuhay! bakit kaya di pwedeng mabuhay nang hindi ka kakayod? Kahit sino yata….kahit mayamang tao kumakayod para mabuhay….

Tama na muna….balitaan ko na lang kayo…yun kung may tamang pag-iisip pa ako pagbalik ko sa siyudad ng Roma…sana meron pa…

Till next week…missing my fesbuk major! major! friends!!!!!

This entry was posted in blu, buhay, winter. Bookmark the permalink.

4 Responses to namundok si blu!

  1. busyok says:

    Kuya blu, ingat sa pamumundok.

  2. poot says:

    hey tito blu, i’m so back. haha.

    ingat sa pamumundok mo ha. balik ka agad :))) micchu

  3. roomboy1987 says:

    kung ganyan ang bundok na tatahakin ko kahit isang linggo ako jan, sarap sapar ng major major boom boom.

  4. -=cuteberl=- says:

    base… galingan mo sa brainstorming. ingat ka kuya blu…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s