blu krismas (tren series 1)

medyo may katagalan na rin ng huli akong magblog! pramis ko pa naman babalitaan ko kayo tungkol sa aking biyahe sa tren. Ang totoo nyan, di ko naman nakalimutan ang aking pangako, ika nga eh, naghahanap lang ng tamang timing, yun bang malayo sa concerns ng work at sosyalan (daw oh!).

FIRST STOP –  bayan  ng Reggio Emilia.

Magandang ang bayang ito. Maunlad at dito marami ring mga pinoy na nagtatrabaho. Malamig at madalas magsnow dito sa winter. Dito ko nakilala si…ano nga ba ang pangalan niya. Mamaya pag naalala ko babanggitin ko. Bitbit ang mga pinamili, nagkasabay kami sa autobus papuntang sentro. “Matagal ka na dito,” bungad nya. “Oo, 2007 pa ako dito,” sambit ko naman. Sabay tango at patuloy kaming nagtsikahan. Dito ko napag-alaman na 20 years na pala sya dito sa Italya. Biyuda, sa wari ko mga 60 anyos. Mag-isa nyang itinataguyod ang pamilya ( mula sa anak, apo, kapatid, kamag-anak). Parang syang karinderya bukas 24 oras. Pag may nagtext na kailangan ng tulong, padala naman agad sya. Minsan nga kahit walang-wala na, ipinapangutang pa nya makagpadala lang. Ang kuwento ni Concepcion ( sa wakas naalala ko rin ang name nya!..success!) ay karaniwang kuwento na dito sa Italya. Sabi ko nga sana naman makapag-ipon man lang siya para sa pagdating ng takipsilim ng kanyang buhay. Mahirap manirahan dito, lalo na pag wala kang trabaho. Kahapon nga lang nabalitaan ko ang tungkol sa isang estrangherong manggagawa na namatay sa lansangan dahil sa sobrang lamig (wala kasing trabaho kaya natutulog na lang sa sa pintuan ng mga naglalakihang building dito). Masayang tingnan ang mga piktyur ng ating mga kababayang nasa abroad. Para bang masaya ng buhay, lahat kasi nakangiti, magaganda ang damit. Kailangan lang  ngumiti kahit sa piktyur lamang, maibsan lang ang kalungkutang nadarama at ang hirap ng pagkukudkod ng mga banyo dito sa Italya.

” O sige, bababa na ako dito. Pag may alam kang part-time na trabaho tawagan mo ako ha.” Sus, part-time pa, eh halos wala ka na syang pahinga ah. Minsan naisip ko, masarap talaga ang mabuhay sa Pinas, dangan nga lang wala namang matinong trabaho para sa lahat. Ang kaninang ngiti sa aking labi ay unti-unting nababahiran ng lungkot. Habang palayo ang autobus di ko lubos maisip kung saan hahantong ang kuwento ni Concepcion. Pagmamahal sa pamilya, yan daw ay tatak pinoy.Pero pag labis naman at pinagbabaling-wala naman ang pagmamahal sa sarili, sa wari ko masama rin. Sana lang mabasa naman ng mga kamag-anak ni aling Concepcion ang blog na ito.

Bukas, sasakay naman ako ng tren.

This entry was posted in biyahe, blu, christmas, krismas. Bookmark the permalink.

11 Responses to blu krismas (tren series 1)

  1. Great and really wonderful. i found this site really awesome. Thank you
    -Ian

  2. Good site! I truly love how it is simple on my eyes and the data are well written. I am wondering how I might be notified whenever a new post has been made. I’ve subscribed to your RSS feed which must do the trick! Have a great day!

  3. I found your post on bing. It has inspired me to further research. I have bookmarked your blog. Many thanks for your helpful article.

  4. hghadvanced says:

    That was an excellent list with some excellent resources and pointers. Thanks
    -Vince

  5. Joyo says:

    aw totoo sabi nyo minsan ang mga ngiti sa mga litrato ng mga nangingibang bansa ay para lamang sa mga litrato… pero sa likod ng mga ngiting yun nandon ang halu-halong emosyon…. madala sinasabi sa mga ofw, aalis ka n naman iiwan mo n naman kami… pero ang totoo tayong mga ofw ang naiiwan…

  6. doroastig says:

    How’s your blog doing in 2010? How many visitors viewed it and which of your post was most read? All of these , and many more, are emailed to you by WordPress. And to top it all, you can directly post these data to your blog as I just did. Click on this. We, WordPressers must have this on our blog.

    Go to your email now and look for this: Your 2010 year in blogging [your blog URL]

  7. doroastig says:

    May you have a very Happy New Year , blurosebluguy !

  8. flamindevil says:

    sana maexperience ko rin ang snow..hehe

    napadaan lang..advance merry christmas po..all the way from Kuala Lumpur!🙂

  9. At nag-alsa balutan na po pala ako at natapos sa paghahakot ng gamit patungo sa aking bagong bahay…

    Dito na po ako ngayon:
    http://www.travelandsnaps.com

    • Himala! Ako nga! Hehehehe…😀

      Nalungkot ako sa kwento ni Concepcion…

      Filipinos always have this self-sacrificing love for our families, which is a wonderful trait but when taken too much may border on an unhealthy self-image and at the same time may lead others to dependence and laziness.

      Matagal ko na pong dalangin na sana dumating yung panahon na may sapat nang pagkakataon para sa matitinong hanapbuhay dito sa bansa… Para naman ang mga katulad ni Concepcion ay di na kailangang kumudkod ng banyo ng mga banyaga para may maipamuhay ang mga kamag-anak niya dito sa Pilipinas…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s