blu chronicle (random tots!)

12:16 am. naglilinis ng agiw sa sapot bahay na ito…waaah matagal na pala akong di nagagawi dito. bakit nga ba? busy, as in super…super busy? lagi namang ganun, kahit walang ginagawa. Aaminin ko medyo nakatamaran kung mag-isip at magbalangkas ng aking mga kamalayan nitong mga nakaraang buwan.

12:18 am di pa rin ako makatulog. dapat matulog na ako, kasi bukas 9:00 dapat nasa opis na ako at nagbubutingting pc…este magpalipas ng oras sa fb! huh!…lately kasi feeling ko napagod ako ng husto sa kakaisip ng mga bagong ideya, mag-updates ng mga files at isa ko pang site related sa work ko at magbasa ng mga articles in 4 na lengwahe..nakakatuyo ng utak.

12:21 am salamat nga pala kay Ax…ayun nakachat ko kanina…marami pa naman siyang katanungan at saka syempre marami din akong kasagutan…matanong talagang bata yan!…..kaya lang sandali lang at naubusan ako ng time…may meeting chuva-chuva pa ako kanina!

12:24 am namiss ko talagang magblog….magblog…at magblog…ito ang actual desire ko kahapon pa. dang! wala talagang time para magbloghop!

12:26 am 20 minutes ago napanood ko si willie sa show nya…may kurot ang show…kaya lang di ko malubos maisip na ang kapalaran ng buhay ng ating mga kapatid ay nakatalaga na sa walang humpay na pagpila at pagbabakasakali…..layf is a gamble! sometimes we win, sometimes we lose…kaya hayun pila…abutin man ng buwan..gutom….init…ulan…hamog sa gabi..

12:28 am ang sumabog na bus…ilang araw ko ring iniwasang marinig ang detalye tungkol dito, kanina finally napanood ko ang news sa internet. minsan mas gusto ko pang ang mga masasayang kwento ng buhay…kaya lang narealize ko, ang kamatayan, ang pighati kasama rin pala sa buhay..

12:30 am gusto ko nang matulog! masakit at mahapdi  na ang aking mga mata…kaya lang nakatulog ako ng 3 hours kaninang hapon…as in flat in bed!…DUSA!

12:32 am pramis matutulog na ako.  sa magbabasa nito..mag-iwan na lang ng comment, yun kung sisipagin kayo.

This entry was posted in blu. Bookmark the permalink.

4 Responses to blu chronicle (random tots!)

  1. actually pareho tayo ng sentimiento about sa show ni willie. lalo ko pang napapansin ito kasi nanay ko lagi nanood nyan. hehehe!

    medyo na-paranoid namanako dun sa bus, kasi yun din ang way ko araw-araw

  2. waaah! talaga naman. salamat sa iyo boni…ikaw ang nanalo…hahahaha…

  3. bonistation says:

    welcome back fr.rhet! ^^ salamat for letting me realize too na kasama nga pala sa buhay ang kalungkutan, kamatayan at pighati..
    ingat po kayo palagi!!

    God Bless!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s