blu mission (im)possible

woot! woot! woot!…kuya blu! kuya blu!…..hu u?….its baby blu! ….waaah…sa wakas nagparamdam ka rin? Kumusta naman ang rocker kuya blu ko? Eto…surviving…kaw? Eto rin, napadpad naman sa mundo mo. May misyon sa iyo si Bro…. Misyon? ano naman kaya yan? In three days malalaman mo. woot! woot! woot! Baby blu disintegrate!…woot!woot! may spy…got to go!.bye!

Muntik ko ngang makalimutan itong chat namin ….teka that was four months ago pa ah! Kuya Blu…tingnan mo oh! Ha, nakalulon ka ba ng pakwan? Hahahaha.. si Kuya Blu patawa talaga! Hindi, baby boy siya…sabay turo sa tummy nya!

Siya si Elisa. Parang kailan lang …ah tama, four months ago. Iyak siya ng iyak. Yun bang halos maghalo na ang luha at uhog nya. Ganun katindi ang drama nya noon. Buntis ako. Eh ano naman ang bago dyan, e me asawa ka naman. Hindi yun eh, kasi kuya Blu si Dianne maliit pa. Halos di pa kami nakakabawi, eto nga ngayon pa lang si Joshua nakakatrabaho ng fulltime. Tapos dumating pa itong isang problema.

Problema? Problema ngang maturingan ang mabuntis at magkaroon ng beybi dito sa Italya. Kailangan kasi, magbawas ng trabaho ang isa sa mag-asawa para mag-aruga sa bagong beybi. Bawas trabaho-bawas sweldo, dagdag  gastusin, bawas padala sa kamag-anak sa Pinas. Maraming kumplikasyon kung matuturing. Dito kasi di uso ang yaya. Madalas rin kasi pagkapanganak, iniuuwi ang beybi sa Pinas. Pero sa kaso nina Elisa, mas gusto nilang kasama ang anak, kahit sabihin na nating nahihirapan din sila. Prinsipyong sama-sama kahit maghirap. Di ko alam kung ano sasabihin ko sa harap ng mga realidad katulad nito.

Dito ko naalala ang kuwento ni baby blu.

https://blurosebluguy.wordpress.com/2009/02/21/baby-blu/

Keep the baby.. ..yun lang ang nasambit ko.  Di ko alam kung saan nanggaling. Parang ibinulong lang sa akin. Babies are always blessings from Above (nasambit ko yan without batting an eyelash). Seryoso ako sa sinabi ko..Yes!

hihihihihi…hagikgik ni Elisa…baby boy…ang saya ko kuya blu! Parang kailan lang parang binagsakan ng langit ang babaeng ito. Ngayon iba na ang aura. Parating masaya, kahit damang-dama ko ang paghihirap. Misteryo nga naman ng buhay.

Keep the baby! …kung tatanungin ulit ako, ito pa rin ang sasabihin ko.

woot! woot! woot! Mission (Im)possible accomplished Kuya Blu!… si baby Blu…kaninang umaga  lang nangulit ulit @ 12: 51 am. Kaya pala di ako makatulog. Kaya pala.

This entry was posted in baby blu, blu, mission. Bookmark the permalink.

13 Responses to blu mission (im)possible

  1. Excellent and very comprehensive list. Thanks for putting it all together!
    -Shawn

  2. doroastig says:

    Kung Hei Fat Choy 恭喜发财
    click here

  3. jason says:

    oh ye si “blurosebluguy” IS REally back!🙂

  4. aninipot says:

    bumabalik si babay blu.. parang kelan lang hinalungkat ko ang misteryo ng bahay ni blu.. after a year.. andito parin ang baby blu…hahaha

    tama! babies are always a blessings.. hindi yon ibibigay if hindi sya para sa taong pinagbigyan.

  5. J. Kulisap says:

    Sir kamusta na po?

    Tama ‘yan. Para sa pamilyang buo kahit na daanan pa ng mga pagsubok, walang hindi makakaya.

  6. lhen8 says:

    taaammaaa si ax🙂 mahirap talaga siguro mag asawa… ndi naman pedeng pigilan ang magka anak… ndi naman pedeng gamitan ng mga pills para ndi kaagad ma buntis…
    pero tama ka kua blu lahat ng baby biyaya…

  7. waahhh…Ax Im so back! extra ka nga pala doon sa isang blog post (blu chronicle -random tots) ko hhahahaha…

  8. Ax says:

    Nakakatuwa naman yang si Baby Blu na yan! Hoho.

    On the other note, hindi uso ang yaya diyan? Ako na lang kuhain nila. Magluluto, magsasaing, maglilinis at mag-aalaga ng baby. Walang bayad! Basta maraming pagkain. Hoho. ;]

    Tama, basta sama sama! Basta nagtutulungan, makakaraos din!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s