blu friendship

12:14 am

kanina pa ako nakahiga…

pero di ako makatulog…

may bumabagabag…

kuya blu…anong ibig sabihin ng friendship?

ha?..baby blu naman…matutulog na ako!

eh kasi kanina narinig ko…sabi nila dumating na daw friend mo?

friend ko?

oo, sabi nga …malalim daw ang friendship nyo ng bagong dating doon sa malaking pinto!

marami akong friends…teka! baka naman pang-slum book lang yang tanong mo ha!

friendship?…

wala sa tagal ng samahan..

merong respeto sa isa’t isa…

happy ka pag nagsucceed sa life ang isa…

masayang kausap …

affirming and assuring presence…

malawak ang pang-unawa…

aysus..ang dami na! pwede na ba yan!

ay ganun ba yun kuya blu?

iilan lang ang mga katangiang iyan…marami pa!

teka…sino  ba ang friend na sinasabi mo?

narinig ko….

tawag sa kanya

Lizette!

kaibigan

alam ko na nakarating ka sa tunay mong tahanan..

ibinalita sa akin ni baby blu..

kaya pala di ako dalawin ng antok..

kahit pilit kung ipinipikit ang aking mga mata…

parang kailan lang nang naging saksi ako sa inyong pag-iisang dibdib ni Palits…

halos magkaligaw-ligaw pa ako sa kakahanap ng simbahan nyo…

di ba  April last year nagbiruan pa tayo,

kasi gusto mong malaman ang secret formula ko for diet.

a week ago, nagcomment pa ako sa shoutout mo!

ang bilis ng mga pangyayari…

yesterday was a very sad day for me..

pero ang buhay ay isang misteryo..

pilit kung inuulit-ulit ito sa aking kamalayan…

hanggang sa indi ko na maintindihan!

nakita ko ang mga post sa fb….ate ka nga ng bayan!

bumuhos ang comment …kahit sa ilang mga kaibigan abroad…

nagulat….may namangha….nalungkot.

paalam, kaibigan!

sa tamang panahon…

12:44 am..

This entry was posted in baby blu, blu, kamatayan, Lizette. Bookmark the permalink.

10 Responses to blu friendship

  1. Thank you for sharing with us, I conceive this website truly stands out😀.

  2. kaye says:

    kuya, hindi ko talaga alam… si Palits ay schoolmate ko. one year ahead sa akin. Hindi kami close but we know each other. Just the other day, I think it was Tuesday, may common friend kami na nagtext sa akin to pray for Lizette as she was confined in the hospital for dengue at parang there was danger she would not make it. I do not know her, but I prayed for her. Sabi ko kasi kakatapos lang namin sa isang major din na pagsubok kung saan lahat kami sa bahay ay nagkasakit sabay sabay. At ang inasahan ko ay ang mga prayers ninyo kaya sabi ko kay Lord, I don’t know her pero gusto kong ibalik ang favor na nakuha ko from family and friends. Hindi ko talaga inisip na she wouldn’t make it. Then the other day, Bong told me that Lizette did not make it. I was surprised and saddened, but I still did not think too much about it. Then yesterday on our way home, I was browsing through FB and kung bakit i clicked on Palits’ profile and saw the many messages of condolences. When Bong saw his profile, and found out that he has another friend who is friends with Palits, he told me that Palits’ recently lost his wife. Yun pala, Lizette is Palits’ wife. Mas lalo talaga akong nalungkot kaya nagmessage ako ng ganun kay Palits.😦 at mas lalo ngayon na nalaman kong may deep connection pala kayo… she was still young, kaya alam kong mahirap tanggapin yun, but I know that God also has His reasons for this. Mahirap intindihin sa umpisa pero in time, acceptance will come.

    God bless, Kuya Blu!

  3. i like it blu friendship | bluguy after this im your rss reader

  4. Joyo says:

    maraming din tayo mainitindihan pero siguro pagdating ng panahon kapag tayo naman ang babyahe sa tunay nating tahanan malalaman din natin… nakakalungkot pero isipin na lang natin magiging payapa na siya…

  5. metaporista says:

    Condolence sayo at kay palits..🙂

  6. waaah! alam mo ba ang sinasabi mo kua jeson!hahahaha

  7. jason says:

    malapit na… ang takdang panahon…

    konting antay na lang baby blu

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s