kulay ng puso (a valentine special)

may mga bagay sa mundong ito na nagpapaalala sa atin ng tunay na kahulugan ng buhay. Bawat kuwento at hagod ng mga pahina ng nakaraan ay siyang patuloy na pumupukaw sa ating malalim na kamalayan bilang nilalang ng mundong parisukat na ating kinasasadlakan. Aminin man natin at sa hindi, marami ang kulay ng puso. Hindi lang pula! Ito ang buod ng aking kuwento sa araw na ito. Ang kuwento ng iba’t ibang kulay ng aking puso.

walang alam. walang pakialam. umiiyak, tapos tatawa na para bang walang bukas. ang araw at gabi ay bahagi lamang ng pag-inog ng buhay. malaya, nagtatampisaw sa bawat patak ng ulan. pilit ninanamnam nito ang dulot na ginhawa at lamig sa kalamnan. ito ang kulay ng puso ng aking kamusmusan. dalisay at walang lamat. ang bawat impit ng iyak, ay saglit na napapalitan ng tuwa. yan ang mundo ng aking kamusmusan. sana di na matapos ang mga araw nito. sana di magbagsakan ang mga dahon sa sanga ng orasan. Ikaw, kaibigan, nasabi mo na bang sana wala ng wakas ang bahaging ito ng iyong dalisay na kamalayan? Ang totoo nyan, marami sa atin ang mas ninais na magkaedad, marahil para maranasan din natin ang kalayaan ng mga mas nakakatanda sa atin. ito nga ba ang iyong tunay na natuklasan?

mapusyaw ang kulay. ito ang hudyat ng pagbabalangkas ng misteryo ng buhay. parang ilawang aandap-andap. ang puso ay unti-unti napupukaw ng isang kakaibang nilalang. di mapakali. di makakain. mabilis ang buntong-hininga. natatameme.nakatanaw lang sa malayo. tatawag ng pangalan, tapos biglang magtatago. ito ang pag-ibig ng mga may gatas pa sa labi. isang araw ayaw kung pumasok sa iskul, ng mapagtanto ng nanay, isang pimple pala ang tumubo sa gitna ng aking ilong. parang kamatis sa pula. anak, binata ka na, turan nya. Nay, naman. kumpulan tuloy ng tukso noong pumasok ako kinabukasan. Uy, may kras na siya…sabi pa ng aking iniirog. di tuloy ako makasagot at biglang takbo ako sa labas. ay hirap naman nito. isang araw, hindi na talaga ako nakatiis. inipit ko sa kuwaderno nya ang lab letter na may pabango. pag-uwi namin. walang pansinan. malapit na sa bahay nila. babay sabi ko. galit ka? isang halik sa pisngi ang ganti. takbo ako pauwi. tiningnan ko sa salamin kung nagmarka ba ang unang halik. wala. pero ramdam ko pa rin ang init at tamis ng unang halik.

mainit.mapusok.kahit tawirin pa ang mga ilog. kahit harangan man ng sibat. malakas talaga ang tama ko. matindi ako pag-umibig. nawawala sa sarili. tumatakas minsan. sabi lang may praktis sa skul. ang totoo nakatambay lang kasama ang nililiyag. siguro naging matapang ako at pinaglaban ko talaga ito. biro mo tatlo kaming pinagpipilian. nakuha sa tiyaga? hindi. nakuha, kasi mahal nya rin ako. hanggang kailan kayang ipaglaban ang isang murang gulang na pag-ibig. pag-ibig na nakasandal lamang sa pangakong sinumpaan. wala akong pakialam sa bukas. ang alam ko ang ngayon. at ikaw ang mahal ko ngayon. Ganoon talaga siguro ang young lab. mapusok. hindi iniinda ang bukas. ang mahalaga ay ang ngayon. mahal kita. mahal mo ako. di naglaon, natuklasan nating dalawa na hindi lahat ng araw pula ang kulay ng ating pag-ibig. away-bati. luha-tawa.iwanan-balikan. ang hirap pala ang umibig. yun ang sabi ko minsan. basta ngayon. mahal kita. at iyon ang mahalaga.

masakit. iniyakan ko ito ng isang buong linggo. minsan sa gabi nakakatulugan ko na lang ang aking  mga hikbi. masakit pala ang magmahal at iiwanan ka lang sa ere. ganun lang ba yun. sori di na kita mahal. sori may mahal na akong iba.sori talaga. sana mapatawad mo ako. unfair naman di ba. saan ba ako nagkamali? nilunod sa alak. ang theme song na paulit-ulit na pinatutugtog. kasabay niyon ang pag-agos ng luha. hapdi ng puso. ang dating pula, tingin ko nangingitim na. wala na ang dating sigla. wala na ang dating buhay. ramdam ko na hindi na rin ito pumipintig. patay na puso. wasak at warat na pag-ibig. ano pa ang halaga ng buhay. Eksyus me. di naman ako magpapakamatay ng dahil lang sa salawahang pag-ibig. ang sakit. ang sakit. sige inom pa tayo. lunurin natin ang walang kuwentang pag-ibig na ito.

this time around. wise na ito. marunong na akong magmahal. pano? eh di gamitin ang utak. mind over heart. sinubukan ko ito. hindi nga masakit. may dumating.may umalis. pero hind ganun katindi ang sakit.sabi ko marami pa naman diyan sa tabi. ginamit ko ang power smile at charm ko. maraming nagparamdam (naks!)..sige na nga tatlo. sabay-sabay sa isang taon. marunong na ako. pipili na ako. mag-iisip na ako. sori, friends lang tayo. meron palang isang highlight ang taon na ito. sa boarding haws namin, ang ikalawang palapag ay sa mga babae, ground floor kaming mga boys. iba ang daanan. pero sa bintana namin. andun ang labahan ng mga girls. laba. parating naglalaba si eba. isang araw nag-iwan ng pityur at may dedikasyon pa. Natuliro ang kuya blu. patay. ano gagawin ko? isang mangkok na sabaw ang dumating noong magkasakit ako. galing daw sa eba sa itaas. kung panong madaling naubos ang sabaw, ganun din kadali nagwakas ang isang linggong pag-ibig. ayaw ng mga kapatid sa akin. eh di ayaw ko rin sa kanila, huh! mind over heart. nag-iisip mabuti sa ngalan ng pag-ibig. pansin ko lang di ako masyadong masaya. batid ko may kulang sa laro ng pag-ibig na aking tinatahak. ang pusong natutong maglaro. ayaw na kasing masaktan pang muli.

married ka? hindi ah. bakit my ring kang suot. aminin mo na. type ko ang mga lalaking taken na. ilan na kids mo? patay na naman ang kuya blu nito. single but taken. ang labo mo naman. anong ibig sabihin nun? mahirap ba akong mahalin. ang totoo. hindi! maganda ka. malambing. maalalahanin. yan ang type ko sa babae. napakanta tuloy ako ng ganito: bakit ngayon ka lang?

married ka di ba? kulit nito ah. hindi ah. sabay naming sagot ni fr. fiel. sabihin mo na kasi ang totoo. na hindi ka married pero committed ka na sa iyong greatest love of your life. na wala kang anak. meron, marami kang inaanak. na kayang mong magmahal sa kahit sinong nilalang sa mundong ito na walang pasubali. ganun? OO, ganun yun. ano? paki-explain nga! ang labo. pano ba ito? fr. Fiel paki-explain mo nga.

hey guys. ito ang theme song ng buhay ko ngayon.

This entry was posted in blu, puso, Uncategorized. Bookmark the permalink.

32 Responses to kulay ng puso (a valentine special)

  1. I simply wanted to thank you once again for your amazing blog you have created here. It’s full of ideas for those who are genuinely interested in this subject, particularly this very post. You really are all actually sweet in addition to thoughtful of others and also reading your site posts is a great delight in my opinion. And such a generous surprise! Tom and I are going to have excitement making use of your recommendations in what we should do in a month’s time. Our list is a distance long which means that your tips might be put to very good use.

  2. provillus says:

    Excellent post with a lot of useful tips. Just need time! Thank you
    -Vince

  3. cinco says:

    ano kaya ang kulay ng puso ko, kasi gusto kong magpatawad pero sa kabilang banda gusto kong masaktan din sya pero alam kong mali ako… ayokong maging masama sa iba pero ayoko din naman nadedehado ako. itim, itim nga siguro ang kulay ng puso ko ngayon, kahit sabihin kong mapusyaw ang kulay nito ngayon, iba ang nakikita sa sinasabi ng isip ko.

  4. Pingback: oh oh oh oh oh oh AWESOME! XD « eh sa wala akong magawa…

  5. aninipot says:

    haist! napaisip naman ako fr. blu.

    maligayang araw ng mga puso!.

    may tanong ako, pwede pa bang agawin ang mga taong kapareho ng landas nyo ang gusto basta wala pang singsing..hehehe, joke lang po.. kesaklap ang sitwasyon ni aninipot..hahaha

    • hahaha….mahaba ang landasin na aming tinatahak, kaya nga sa formation stage kailangang mag-isip at magmuni ang isang nilalang patungkol sa tunay nyang tawag…mahirap at masalimuot pa ang daang tatahakin nya sa banda pa roon…

      hindi naman kasi tinatanggal ang isang tao ng kanyang karapatang magmahal, anuman ang estado nya sa buhay….bahagi at mahalagang bagay ang pag-ibig sa buhay ng mga tao, dangan nga lang …..

      kung tunay ang tawag sa kanya…malalagpasan nya ang anumang pagsubok…at susubukin pa sya ng mahigpit kahit my wedding ring(huh! at ganito talaga tawag ko) na sya.

      happy hearts day!

      • aninipot says:

        naku fr. blu, 11 years na ang kakalabanin ko, pero kung sasabihin nyang tawag ng diyos ang susundin nya, bibitawan ko ang tali.. haays! naloka ako..hahahaha

        hinding-hindi ako magiging hadlang pero sa ngayon i-enjoy ko nalang muna na may oras kaming na pwedeng magkasama, kung hindi pwede na ang mag-ibigan, magkaibigan nalang..

        hehe, nagkwento na ako.. hindi rin naman sigoro ganun kasakit if maghihiwalay na ng landas, may mabigat syempre ang rason nya kung sakali. at mas magaan sa loob ko na ipapaubaya sya.. naks!

        • sounds interesting story…i am trodding a familiar ground. I guess it does happen to people like us. Torn between 2 loves. It is interesting to note, that our choice is a constant struggle between fidelity to our commitment and the proding of marital life..Mahirap no both parties, But I think, one has to make a decision. Ganun naman ang buhay…you ca never have the best of two worlds. Every decision has its own consequence. Hayyyyys….dear kuya Blu…hahahaha

        • by the way…listen to the song i have posted, then you will know why?

        • aninipot says:

          ouch! naman… lumipat pa talaga ako sa PC na pwede ang youtube..

          waaa! yan ang kinakanta nya sakin..huhu, o sya ipag-dadasal ko nalang sya, sigoro may mga bagay na di talaga pwede, tama nga sigoro ang desisyon ko, sinabi ko sa kanyang free sya..

          hahay! buhay nga naman.. sa susunod di na ko magpapakabaet..hehe

        • hmmm….wala na akong masabi…God bless!

  6. Joyo says:

    happy heart’s day mr. blue… ako naniniwala akong na matatapang ang mga umiibig… ang hirap ng laban kapag napasok ka jan… hahaha ako tumakas muna sa battlefield na yan, di ko alam kung babalik pa! hahaha ang emo ko???? hohoho!

    • babalik? …hmmm may balak ka pang bumalik….kailan? ….ang pag-ibig dumarating yan sa anumang panahon…minsan kahit sa maling panahon, este…sa mga relasyon na alam natin sa umpisa pa lang may mali na. ganun ka powerful ang love!!!!! kaya kailangan parati umiinom ng vitamin C para di tablan ng love virus!!!!! weehhh!!!!!

  7. makes me remember one incident with a child…

    child: may anak po ba kayo?
    ako: yes, marami.
    child: sino po asawa ninyo?
    ako: santa iglesia catolica
    child: (tumawa) hehehe, si father — playboy!

    lol. lol.

  8. isa na lang siguro maasabi ko kuya blu, makulay ang pag-ibig. hahaha tas damay na roon ang motif ng puso.

    happy valentine’s day!

  9. jason says:

    happy valentines day kuya blu! kala ko malungkot ang heart na blue kasi sadness ang blue kapag mga ganto. hehe di pala. napatunayan mong hinde! alam ko kase happy ka kuya blu🙂

    minsan masaket kapag sinabing.. friends lang tayo
    😉

  10. maccallister says:

    hello blu…happy valentines,at salamat sa pag share ng ibat ibang kulay ng puso hehehe

  11. Ax says:

    Daddy! Haha.

    Taken pala si Father Fiel.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s