kisapmata

sa isang kisapmata pwedeng magbago ang lahat sa buhay mo!

di ba kahapon lang kayakap pa kita?

habang pinagmamasdan natin ang takipsilim.

para akong dinuduyan sa himig ng isang hele..

pikit-mata kong ninamnam ang bawat sandali.

kailan lang sabay nating binalangkas ang sa kabila

ng bawat pangarap…

pilit na hinihimay ang bawat pirasong

magbubuo nito.

ngunit sa isang iglap,

nagising ako sa aking pagkaidlip..

ni anino mo’y di ko na masilayan.

nagbago ang lahat,

wala na ang dating kapaligiran,

ang mga punong luntian, mga ibong nag-aawitan..

mga hiyaw ng mga paslit na kanina lang ay nakakatulig..

ang mundong aking nagisnan ay biglang nawala sa karimlan.

palahaw…kamatayan…pighati…

mga mukhang walang pagsidlan ng kalungkutan..

isang malagim ng bangungot ang pilit kong tinatakasan..

pero sa wari ko’y gising kong gunita ay hungkag sa tunay na kamalayan.

sa isang kisapmata..

ang lahat ay puwedeng magbago sa buhay

yaring hirang.

p.s. ipagdasal po natin ang lahat ng mga biktima ng lindol at tsunami sa bansang Hapon.

This entry was posted in blu, buhay. Bookmark the permalink.

21 Responses to kisapmata

  1. It’s really a nice and useful piece of information. I am glad that you shared this helpful information with us. Please keep us up to date like this. Thanks for sharing.

  2. ilang minuto lang yun dumating na di namalayan ang tsunami. Hay, sana di mangyari sa atin yun. I pray.

  3. Joyo says:

    sa isang iglap pwedeng mawala ang lahat…

  4. doroastig says:

    Tomorrow, Saturday, we will be observing EARTH HOUR. Show your support here.

  5. topexpress says:

    Nice post kuya!

    My prayers to all the people of Japan, as well as for PEACE in the middle east.

    Nakakamiss mag blog hop! back read muna ulit ako kuya.
    😀

  6. Geisha says:

    kuya… na miss ko bahay mo….

    ang lalim naman nito🙂

  7. azul says:

    kuya blu namiss ko ang tumambay dito..operation backread ang drama ko..malapit na ulit akong mahfulltime sa pagbablog…yes!

    sori off topic…

  8. CMT says:

    Isa ka talagang makata Kuya Blu. Thank you for bringing our sense of loss and mortality into lines of poetry…

  9. kaye says:

    yan din ang naisip ko, kuha blu. napakadali ng mga pangyayari sa ating buhay. Sa isang iglap lang, pwedeng mawala ang lahat kaya talagang dapat handa tayo…pero sana rin matuto na tayong alagaan ang ating inang kalikasan, at pahalagahan ang ating buhay.

    Magandang araw po!

  10. lhen says:

    mmm @ax noel cabangon fave ko rin yang kantang yan

  11. Ax says:

    Reminds me of the song ~Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon..

    My prayers to the people of Japan and to those whose loved ones are situated in Japan. My prayers also goes to everyone who is experiencing quakes in their faith and in their lives.
    And my prayers to those who parted.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s