BLU MEETS PEDRING

 

Umariba na si Pedring,

nagpakita kaagad ng kanyang gilas!

Lahat naghiyawahan!

May nagtaas ng kamay sa langit!

May nagpalakpakan ( mga estudyante na mahilig sa no classes).

May napasigaw!

May kumunot ang noo!

May napapaiyak!

May sumusugod!

May napakapit sa puno!

Samu’t saring reaksyon.

Sa pagdating ng bida kahapon.

Piyesta! Ang lakas ng tugtog ng Hanging habagat…

Umindak ang karagatan sa tunog ng waling maliw na..

sabay-sabay na awitan ng kulog, hangin at kidlat!

Dumating na nga ang bagyong si Pedring!

 

This entry was posted in bagyo. Bookmark the permalink.

5 Responses to BLU MEETS PEDRING

  1. naku yang pedring na yan, pasakit hohoho

    pero siya lang ang bagyong nagpa-cancel ng pasok namin dito. hehehe

    sana okay ka naman kayo ng iyong mga mahal sa buhay.

  2. Joyo says:

    …sa tuwing may dumadaan na bagyo, marami tayong natutunan,
    yung iba sinasapuso, yung iba di parin natututo…
    …dalangin ko na sa mas marami pang magdadaan na bagyo, sana handa na tayo!

  3. wala akong masabi sa iyong tinuran
    sa bawat saknong na hitik
    na saloobin….

    ahhihihi..

    mabuhay ang makatang
    katulad mo igan!!

  4. Grabe ang balasik nitong si Pedring,
    Ni hindi man lang nag-isip ng konting lambing.
    Buong lakas na ibinuhos ang ulan at hangin,
    At marami ang nangamba’t nanalangin…

    Kailan kaya tayo magiging handa
    Sa poot ng kalikasang may dalang sakuna?
    Sa aking hinuha, hindi kulang ang mga babala
    Bagkus, ang pagsunod sa kanila’y laging inaantala.

    Maraming katulad ni Pedring pa ang dadaan,
    Tutumba ng maraming kahoy at mga ari-arian.
    Buhay sana’y atin laging isaalang-alang,
    Dahil ito’y iisa at di mapapalitan…

    Sana tayo ding ligtas ay maging bukas palad
    Sa mga panahong mga gamit ng iba’y nakaladkad.
    Ang panahong ganito ay pagkakataon din
    Upang makita ang Panginoon sa mga kapwa natin…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s