Simula ng isang Wakas

20130114-113546.jpg

Hindi lahat ng pagtatapos ay tinutuldukan,
Ang iba nagbabadya ng isang panibagong simula.

Sa bawat pagpinid ng bintana ng buhay,
Muling nakakalas ang sumpa ng nakaraan.

Ang wakas ay panimula,
ang panimula ay hudyat ng isang wakas.

Ang hikbi ng isang bagong silang na sanggol,
Ay simula ng bilang ng kanyang paghimlay sa dahit hapon ng buhay.

Kung ang bawat paghinga ay tanda ng isang dugtong buhay,
Ang huling akda nito ay simula ng bagong pagkakuwan.

Ang buhay ay isang misteryo,
Ang misteryo ay isang buhay na alaala ng isang kamalayan.

Saan ba dapat ang isang simula?
Kung ito rin ay isang wakas?

This entry was posted in biyahe, blu, buhay, tula, Uncategorized and tagged . Bookmark the permalink.

4 Responses to Simula ng isang Wakas

  1. hoshi says:

    Gusto ko ang tulang ito. ito ay aking pinagdadaanan ngayon.

  2. Mon says:

    You must make a decision that you are going to move on. It wont happen automatically. You will have to rise up and say, ‘I don’t care how hard this is, I don’t care how disappointed I am, I’m not going to let this get the best of me. I’m moving on with my life.”

    Lots of things can be fixed. Things can be fixed. But many times, relationships between people cannot be fixed, because they should not be fixed. You’re aboard a ship setting sail, and the other person has joined the inland circus, or is boarding a different ship, and you just can’t be with each other anymore. Because you shouldn’t be.”

  3. Bluguy says:

    tama ka kapatid……salamat sa muling pagdaan

  4. Nortehanon says:

    Hindi lahat ng pagtatapos ay tinutuldukan,
Ah, ito ay isa sa mga misteryo ng buhay, at mananatiling misteryo upang ang sangkauhan ay patuloy na mag-isip, magtanong, at gumawa ng tula tungkol dito…tulad ng ginawa mo, kapatid🙂
    Magandang araw at mabuhay ka!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s