Nang magbitiw si Benito

Parang bulalakaw na pumaimbulog
Ang balitang pagbibitiw ni Benito.
Dumungaw na naman ang mga usiserang palaka
Sa lansangan at plasa ng Vaticano.
Di nga’t ba nag trending pa ito sa blogosperyo?

Anong meron, bakit at hinagpis
Mga matang nagtatanong ito ang mga kawangis
Na aking nasaksihan sa aking paggalugad ng mga
Palengke, sakayan at parlor ni ditseng manggugupit!

Bakit? Ano na lang ang sasabihin ng madlang pipol
Sa usaping nagpapintig muli ng damdaming di masupil?
Pati ang bangayan sa pultika ay waring cease fire ang naging ending.
Mga teleserye ay bahagyang naabala ang mga ere,
Dahil sa balitang lumipad ng walang pasabi.

Sari-saring kuro-kuro
Hanggang ngayon ay nasa tweeter
Pati facebook ko inulan ng sangkaterbang likes at mga comment.
Saan mang social media ito ang usapin..
Bakit nga kayang itong si Benito nagpasyang lisanin
Ang tahanang naging kanlungan ng kanyang talino, tapang at giting.

Mga kaibigang sa usaping itong ating narinig
Kayo na ang humatol na matuwid
Tama nga kaya ang pasyang nasambit
Nitong si Benitong ating kinakalabit.

20130211-233227.jpg

20130211-233531.jpg

This entry was posted in Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

One Response to Nang magbitiw si Benito

  1. hoshi says:

    ako rin nagulat pero ako ay hindi na magtatanong kung ano ang kanyang desisyon at kung ano ang kanyang rason. Mahirap makakuha ng mataas ng posisyon pero mas mahirap maging leader kung alam mong hindi mo na maibibigay ang 100% mo.

    God bless na lang kay Pope.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s