Dumating ako sa Italya noong Disyembre ng 2007 upang gampanan ang iniatas akin na bagong tungkulin. Sa loob ng mga panahong aking inilagi sa bansang ito, nalakbay ko ang mga bansa sa Amerika (hilaga at kanluran), Asya, Europa at Australia.
Sa isang hungkag na katotohan, ito ay isang lakbay na nagbigay sa akin ng mga bagong kaalaman at kamalayan sa pakikisalamuha ko sa mga iba’t-ibang tao at mga kultura. Mga nakagisnang gawi na aking natuklasan ay siyang naging susi upang balikan muli ang aking pinagmulan. Isang pagbabalangkas na pumukaw sa aking diwang makabayan.
Pero higit sa lahat, ito ang kuwento ng paklalakbay sa aking buhay. Kaniig nito ang misteryo ng tuwa at hapis, ng paghahanap sa aking sarili sa pamamagitan ng mga siwang ng dingding at bintana ng buhay ng mga taong aking nakadaupang-palad.
Hanggang kailan pa kaya ako maglalakbay? Hanggang saang hangganan pa kaya ako ilalakbay ng aking mga paa at kamalayan?
Hindi lahat ng ating lakbayin ay naaabot ng ating mga paa. May mas matining lakbayin na kung saan walang balakid sa paglalakbay. Imahinasyon. Dito pwede kang maglakbay ng libre. Walang bayad at walang hangganan ang pwede mong abutin,
Tara na! Lakbayin natin ang mundo ng imahinasyon. Ang buhay ay isang paglalakbay.
Tanging kamatayan lamang ang maghuhudyat ng wakas nitong taglay.
“Tara na! Lakbayin natin ang mundo ng imahinasyon”. Yup, bossing. Tara na!
Your blog has a special place in here
hey u still blog pa din pala! napadaan lang and keep on exploring 🙂
Opo….the journey continues….
Let’s greet our host:
Happy 10th Birthday, WordPress !
welcome back kuya blu!
Yan pala ang hitsura mo manong Blu hehe…patuloy mong habulin ang paglalakbay na walang dingding….
ito nga ako kuha pa ito noong 2007…hahahaha
naman…kua Bon..naliligaw pa rin kahit paminsan minsan na lamang…