Author Archives: blurosebluguy

baby blu

Originally posted on bluguy:
pssst…pssst….pssst…kuya…..kuya…ha…., ako ba? ….oo, ikaw di ba………. ikaw si kuya Blu….oo ako nga. Wow! ano naman ang name mo …..baby Blu po. …..Ha….Blu din ang pangalan mo. Opo…baby Blu…eh anong ginagawa mo dyan…ah….hinihintay ko po nanay…

Nai-post sa Uncategorized | Mag-iwan ng puna

Isang minuto

Madalian lang ito. Walang panahon eh. Sayang sana matagal pa ang magdamag. Kahit sana ilang saglit pa. Buntong-hininga! Huh! Bukang-liwayway. Hudyat na naman ng panibagong simula. Isang araw na naman. Isang hamon. Isang mahabang paglalakbay, Madalian lang ito.

Nai-post sa Uncategorized | 1 Puna

Paglalakbay ni Blu

Dumating ako sa Italya noong Disyembre ng 2007 upang gampanan ang iniatas akin na bagong tungkulin. Sa loob ng mga panahong aking inilagi sa bansang ito, nalakbay ko ang mga bansa sa Amerika (hilaga at kanluran), Asya, Europa at Australia. … Magpatuloy sa pagbasa

Nai-post sa biyahe, blu, buhay | 9 mga puna

Tambay Mode

Mahirap, masarap ang buhay tambay. Nasubukan mo na bang humilata maghapon. Pagulong-gulong sa himlayan ng walang bukas. Marami sa atin nais ang ganitong buhay, Walang alalahanin at mga dalahin. Astig nga ang tawag dun. Pagulong-gulong sa himlayan ng walang bukas. … Magpatuloy sa pagbasa

Nai-post sa Uncategorized | Tagged , , | Mag-iwan ng puna

SAYAW SA TAG-ULAN

Mabelyn S. De Dios. Ito ang nakasulat sa application form na hawak-hawak ko. Imposible ito.  Pero habang isa-isa kong binabasa ang mga information, tugmang –tugma ito sa isang kakilala ko matagal nang panahon ang nakakalipas. Hmmm…ang lalim ng aking buntong-hininga … Magpatuloy sa pagbasa

Nai-post sa Uncategorized | Tagged , , , | 10 mga puna

Nang magbitiw si Benito

Parang bulalakaw na pumaimbulog Ang balitang pagbibitiw ni Benito. Dumungaw na naman ang mga usiserang palaka Sa lansangan at plasa ng Vaticano. Di nga’t ba nag trending pa ito sa blogosperyo? Anong meron, bakit at hinagpis Mga matang nagtatanong ito … Magpatuloy sa pagbasa

Nai-post sa Uncategorized | Tagged , | 1 Puna

Simula ng isang Wakas

Hindi lahat ng pagtatapos ay tinutuldukan, Ang iba nagbabadya ng isang panibagong simula. Sa bawat pagpinid ng bintana ng buhay, Muling nakakalas ang sumpa ng nakaraan. Ang wakas ay panimula, ang panimula ay hudyat ng isang wakas. Ang hikbi ng … Magpatuloy sa pagbasa

Nai-post sa biyahe, blu, buhay, tula, Uncategorized | Tagged | 4 mga puna

Pagkatapos ng Pasko

Isa sa mga araw na darating muli na naman nating ititiklop ang ating krismas tree. Tatanggalin ang mga nakasabit ng mga parol at palamuti. Hihinto naman naman ang pagpapatugtog ng krismas carols. Itatago na naman ang mga naglalakihang belen. Balik … Magpatuloy sa pagbasa

Nai-post sa blu, pasko, Uncategorized | Mag-iwan ng puna

Lakbay: Tatlong libo at labindalawa

courtesy of: ilgallo.t Minsan ko nang binalikan ang landasin ng aking kamusmusan at muling pagmasdan ang kumpas  ng mga dahon  sa saliw ng hanging amihan doon sa bukirin ng aking kabataan mga huni at pagaspas ng mga  ibong naglalayag ang masasayang napapakinggan … Magpatuloy sa pagbasa

Nai-post sa Uncategorized | 1 Puna

blu work mode!

ha!anokahilo.anghirapmagworksaganitongkainitnaweather.patititiknagdidikit-dikit.isamamonaangmindko.windangnaakosakakatikladokaninapa.patience.patience.thatiswhatineednow!howcomemahirapgumanaangbrainpagganitongsobraanghotngpanahon.taranangmaligosadagatestesailogngpawis.mismo.ilogngpawissarapmagtampisawsabayhgiopnghangingalingsaelectricfan.hahaha.asakapa!kawnaangnaritosaYuropa.climatechangedaw.kayakayodyanwagmak-aksayangpapelattubig.isangarawmagigisingnalangtayonadinausoangwater.bodyspraynalangnapurohangin!walangmagawpokayahetonagiinartesabolgosperyo.ikawanogawamotoday.istambay.dyankamagaling.tagapldtkaba.bakit?walaparatikakasingtambaysabahaynyoeh!boom!Osyababayna.walangkwentanamanitongpostkotoday.ahbakitbinasamo?  

Nai-post sa Uncategorized | 2 mga puna