bakit ba ako nasa gitna ng airport na ito?
tanong ko madalas sa aking sarili.
tuwing may lakwatsa ako sa kabilang panig ng daigdig.
ang buhay nga naman parang biyahe.
ang airport ay isa lang sa mga stop-overs
ng ating paglalakbay.
katulad ng mga iba pang stop-overs
hindi matagal
laging nagmamadali
baka nga maiwanan ng huling biyahe.
biyahe ba ikamo?
si Isah, edad 45
feeling nya huling biyahe na kaya hayun
sumampa sa kariton ng matong si Amado.
bakit nga ba kailangang madaliin ang lahat sa buhay na ito?
lahat gusto instant
hindi na makapaghintay,
kahit ano isasanla, kahit kaluluwa
mapadali lang ang pag-akyat sa rurok ng tagumpay.
tapos pagdating naman sa dulo nito
nagrereklamo
kasi nakakalula nga naman ang parating nasa tuktok.
hay, ang tao nga naman di na talaga makuntento
sa karampot na biyaya ng langit.
parang ako…narating na ang sixth floor ng building namin,
pero gusto ko pang maakyat ang 12th floor
kung saan nananahan ang mga ceo ng tagumpay.
minsan ang ang isang ceo namin tinangka pang umakyat
sa 13th floor.
bumalik ng biglaan …butil-butil ang pawis sa mukha.
sa 13th floor..ang rurok ng kawalan…
malungkot doon, kasi nag-iisa ka lang.
ako pinangarap ko minsan ang 13th floor
yun pala wala namang katuturan.
ikaw, kaibigan asang floor ka na ba?
sir…er….sir Blu …
boarding na po….
thank you…namalik-mata yata ako ah.
asan ba ako miss?
nasa airport po kayo on your way to Manila.
Aysus….pauwi nga pala ako ng Maynila…
pero parang kanina lang may kausap ako ah..
Ewan…wow! sarap ng feeling ko ngayon….
Eb in Manila here i come!
hmmm…..mamaya pagnaalala ko muli ang aking panaginip…
ibabablog ko dito..
Minsan ay hindi pala, madalas kung tanungin ang aking sarili kung bakit naging matatas ako, kung bakit binigyan ako ng pag-iisip na hindi pangkaraniwan, o sadya ba talaga akong abnoy…ako lang ba ang nag-iisip ng ganito, sino sino sila? saan sila matatagpuan upang maintindihan ko rin ang sarili ko.
Hindi ako henyo, abnoy ako…walang katigil tigil sa paghahanap, sa pag-akyat, tamad naman.
Tao, kailan ka mamahinga na masaya?
hmmm ang happiness ay relative ang pahinga ay huling hantungan sa buhay….
Welkam bak Kuya Blu!!! Sama ko sa EB niyo ha!!
wehehe. pasensya na kuya kung ngayon lang ulit ako nadapa sa blog mo. medyo naaadik kasi ako ngayon kakalaro ng facebook. hehehe.
wow. asa manila ka ngayon? nice.
WELCOME HOME!
btw, ako nasa ground floor pa lang. haiz. medyo matagal-tagal pa.
C’mon, pasali sa EB! hehehe! galeng2 nmn ng post…hehehe
malamang nasa pinas ka na… enjoy!
welcome home kuya ..eb na itech hehe..
pasalubong!!!
hehehehe
welcome home!!!!!
eekk, asa manila ka? pengeng jollibee
waaaaahhh! late naman ako!!! welcome home blu!
may napipintong EB ba? invited ba ako? 🙂
EB EB EB…
nakakalungkot kapag naiwan na nga eroplano pero hindi naman ibig sabihin na kapag naiwan ka na nito ay tapos na ang lahat. Enjoy life kasi minsan lang to.
wahahha.
si kuya blu nasa pinas?
dats nice ha?
pasalubong namin…
hehhee
sabi ng mentor ko na ang pangalan ay
JOhn MAxwell,
hehhehe
ganun daw tlga ang leadership
may kaakibat na kalungkutan,
una dahil since nasa taas ka
at nag iisa ka kya wala kang
makausap pero ang sabi nya
kapag tinulungan mo din daw
ang mga nasa baba mo na umakyat
eventually matutuwa ka na din
na kahit ikaw ang namumuno
may kasama ka sa tuktuk ng
iyong bldg.
nsa 15th floor ako ngaun,
hindi ko inexpect na don agad
ako magsisimula, at hindi sa 5th
flr katulad ng mga kasama ko.
pero hindi ako nahihiyang bumaba
para samahan silang kumain tuwing
lunch break namin.
hehehe
iinexpect ko din ksi na
makakarating kaming lahat
sa tuktuk ng magkakasama.
hehehe
apir kua!!!
ganda ng reflection mo….hmmm….i do read some of john maxwell`s work
wahhh
lupet nito butiki a
@MB, ows?
welcome home kuya blu.
san ka ngayon
pupuntahan kita
hahahah
salamat ..hahahaha nasa visayas ako
sus
kahit nasa mindanao ka pa
heheheh
Good AM!!
gandang gabi bro
hi ..favor naman po pa update naman po ng url ko
http://www.anakngpating.com/
salamat..hugs..lovely po hehe.,..
ok lovely
kaya nasa inflential blogger kita e dahil sa style mo na yan e. galing! galing! boss blu saludo ako sayo at goodluck sa vacation mo sa manila.
salamat dencio…eto nag-aadjust pa sa time difference
huwaw! babakasyon na siya… parang naiinggit na naman ako… haizzz enjoy ur vacation! 😉
hahahahaha…salamat dhyoy
..ohhhww.. welcome back po sa pinas kuya bLu!! ahehe.
..ingatz!! 😉
salamat din sau joan….
welcome kuya blue…
Tama!
Salamat, ayan napaisip tuloy ako bigla..
Di muna ako magaasawa next year.. sa susunod na lang. toinks..
aw… basta feeling ko kasi hindi naman ako nagmamadali, kadalasan nga napagiiwanan ako.
toinks…
God bless po!
hahahaha..di naman dapat talaga magmadali eh
teka naguluhan ako ng konti, ikaw ba ay andito ngayon sa pinas o iyon ay panaginip mo lang? Naalala ko ang kwento ng isang paruparo sa mga sinabi mo e, kung saan hinangad niya ang makita kung ano ba ang nasa tuktok ng tagumpay, kung saan tiniis niyang maapakan at mang apak makarating lang sa….. dulo ng kawalan….
hahhahaha…andito na ako sa pinas red…nasa visayas
napa bisita uli. nasa pinas na ikaw?
yah mon nasa pinas na ako hehehehe
waw! manila! =)
ingat sa biyahe! =)
actually nasa visayas muna ako to visit my parents
Hmmm, sabi nila it’s lonely at the top daw… Pero sabi ng marami kailangan lang daw magshare ng nalalaman, karanasan at kakayahan – mentoring. Kailangan din daw maging maunawain, matutong makinig at laging handang tumulong – touching a heart before asking for a hand… Kaya sabi nga ng “mentor” ko na si Zig Ziglar: See you at the top… 🙂
Maligayang paglalakbay at pagbabalik sa ating bansa Kuya Blu! Naku, sasali ka ba sa GEB nila Otep o may iba pang EB kang pupuntahan? Gulatan ito! Hehehe…
Sabihin mo lang kung saka-sakaling mapapadaan ka dito sa Cebu… 🙂
salamat cw….nasa visayas ako to visit my parents tapos i will back in manila mga 20th this month
may naghihintay na sayong banda para salubungin ka.. 🙂
at talagang may banda ha,hahahaha
oo nga (dfish) ihanda ang blue carpet ang banda …..
wow at may blue carpet
huwaw grandeng eb yan kasama ang mga taga pinas…wag nyong kalimutang hingan si blu ng made in italia!
hahaahah salamat pokwang…..
kuya blu ano ba ang pinakamalinis na airport na napuntahan mo?
singapore….
sige mapuntahan nga…mas malinis pa sa hk?
pareho namang malinis….
im on my way to the airport….saka na lang sasagutin ang mga comments ninyo—-maraming salamat!
go go go..pasalubong..kahit blu hersheys chocol8 kisses…
minsan talaga, hindi maiwasan magmadali…pero tama ka, hinay hinay lang and once in a while you need to pause for a moment of silence…to think, to pray, to thank…katulad lang ng isang kulisap na nakita kong nakulong sa sandalan ng upuan ng bus…
i wish everyone is aware of it. me? i’m happy with where i am right now. can i make it better? i’m in no hurry. plus i’m too afraid to mess up the balance.
hehehe ang daming gustong mag-base dito ah.
medyo antok pa po ako kaya baka kako hindi pa tama ang pagkakaintindi ng brain ko sa isinulat mo, babalik manila ka na po ba talaga?! Kung totoo man, gaya nga ng sinabi ni dfish, ihanda ang blu carpet. kasama na rin ang blu band na tutugtog ng welcome music hehehe
What a coincidence, I’ve been contemplating on writing a post about being in a hurry (kahit tila wala namang dahilan para magmadali), tuloy hindi na natin naa-appreciate to be “in the moment.”
Ihanda ang blu carpet hehehehe….
BASE!!!!!!!!!!
basta kahit may stop over man,
hindi naman ako
maglalakbay ng paurong!
derederetso lang!!
kahit may obstacols.
kahit may stop over…. ganun talaga
ehhehe
mangangarap ako ng pinaka sagad sa tugatog
base ka dyan!panalo ko!haha
hahahaha as usual rye…base…base
huwaw, welcome home! hehe.
hm, sa city hall ng makati, nakapunta na ako ng 13th floor nila. ayun, walang laman. nakakatakot nga. parang sirang building. ghost hunt? hehe. kasama ko mga makukulit kong classmates dun. OJT kami. hehe.
ayun. may 13th floor ang mga building pero..
ang ganda ng lesson for today.
huwag madaliin ang mga bagay-bagay. tama po ba?
at dapat wag pumanik sa 13th flr. kakatakot dun. hehe
hindi niyo wine welcome si kuya Blu!
siguro human nature yan kuya blu. ang mga tao, gusto madali ang lahat. gusto lahat instant.
i believe it’s not how fast we reach our destination which keeps it exciting but the people and obstacles we meet along the way.
kung gaano kabilis ang pag-akyat, agnun din kabilis ang paglagpak.
hindi yun yung gustong sabihin ni Blu. nandito na daw siya sa Pinas. at ikaw nasa Malaysia pa rin! hehe.
pano ba yan base ulit!
yipee
oo nga ikaw pala base!!!
base
2nd base!