official entry:
Ang bawat kuwento ng buhay ay totoong hindi humahantong sa wakas. Sapagkat ang bawat tao ay kasama sa isang malaking habi ng Maykapal. Sa ganitong palagay ang buhay ay walang wakas, datapwat sa bawat pagsilang ng bagong araw, ito ay nagbabadya ng isang bagong simula. Hindi mahalaga kung kanino hihinto pansamandali ito, ang mas mahalaga ay kung sino ang magsisimula. Sa sangandaan ng buhay dito nagaganap ang tunay na hiwaga ng buhay na hinabi ng Maykapal, na kung saan ikaw at ako ay kabahagi nito.
Masarap bang lumipad? Anu-ano pa ang nakikita mo maliban sa ulap, kapatagan at karagatan?…Ha? sino yan?….Andito lang ako…yumuko ka sandail….yo…hooo! nakikita mo ba ako? Ha?…oo nakikita na kita…o yan lalapag muna ako…bakit ka nag-iisa sa kaparangan…asan ang mga kasama mo? Ewan ko …di ko alam…paggising ko kanina…nawala na silang parang mga bula…tapos…ang mga lupa sa paligid ko parang binalangkas sa kanilang pagkahimlay….hindi, binungkal lang ang mga lupa….hudyat na ito ng pagtatanim….pagtatanim? ano ba ang pagtatanim….tulad mo, hindi ka mabubuhay pag di ka tinanim… Ah…pero sabi ng mga kasama ko dito…mga ligaw lang daw kami….di kami sadyang itinadhana na maparito….isinama lang daw kami ng hangin mula sa ibayong lupa….Ikaw….bakit ngayon lang kita nakita dito…Ako?..kasi tuwing tag-araw lang kami pwedeng lumipad…dati nga kasa-kasama ko pa ang aking ama….pero ngayon…ako na lang mag-isa, kasi kaya ko na daw…mahirap bang lumipad mag-isa…hindi naman…sanayan lang….noong una takot na takot ako…kaya lang sabi ni Ama….kailangan daw matutunan kung pumaimbabaw na mag-isa…ito daw ang tawag ng aming mga lahi…ang galugarin ang kalawakan at ikuwento sa mga bata ang biyaya at himalang meron sa daigdig na ito….taglay namin ay hindi lamang ang tamang kumpas ng aming mga pakpak…kailangan din ang talas ng isipan at alaala…sandail lang kasi ang tag-araw…sa pagsibol ng bagong panahon…kailangan ding tiklupin muli ang aming mga pakpak at ipahinga ang aming mga pagal na katawan….ikaw….magkuwento ka naman…
NILA (bughaw sa salitang Hindi)…yan ang tawag sa akin…namumukod tangi kasi ang kulay ng aking mga talulot …. bughaw….di tulad ng mga kapatid ko….rosas at puti…kaya madalas di ako nakukuhang pang-adorno sa mga kasalan, binyagan at kasayahan….kasi nga di ako kasingganda at di kasingtingkad ang aking kulay tulad nila…para daw akong bulaklak ng patay….kaya madalas…mas gusto kong mapag-isa…maganda ka naman ah! ….Talaga! Oo.., hindi ibig sabihin na naiiba ka sa pangkaraniwan….ay wala kang kinang at ganda…ang kagandahan ay tunay na nababanaag sa kung ano ang nasa kaibuturan ng pagkabagay o pagkatao nito…ganun ba? ….salamat, kaibigan….sayang hindi na muling masisilayan ng aking mga kapatid ang tunay kung kagandahan….
Ay…kaibigan…kailangan ko na muling lumipad…..salamat sa iyo…ano nga pala ang pangalan mo?…..AQUILONE BLU (ito ay wikang italyano na ibig sabihin ay saranggolang bughaw)….yan ang tawag sa akin…
…MAVI ( tawag sa kulay bughaw sa salitang Turkish)
…tingnan mo….ang ganda ng bulaklak na ito….kulay bughaw…naiiba..kulay bughaw kulay ng ulap….di ba naikuwento ko na sa iyo…at saka kakulay rin siya ng dagat…di ba minsan ka na ring nagtampisaw sa mga alon nito….at saka kulay …ng isang mapayapang maghapon….ahhh….alam ko na kulay siya ng pagmamahal…di po ba tatay…pag payapa ang maghapon…ibig sabihin mahal tayo ng Maylikha….oo anak….ang ganda nga ng bulaklak na ito…ang bango….kulay bughaw…salamat po tatay….ano po ang tawag sa bulaklak na ito…..ewan ko…ngayon ko lang siya nakita….Ako,,,,,,,si….Nila……Mavi….Nila….ang,…….tawag ………………sa akin….tatay….tatay!……tatay!…Nila ang pangalan niya…ha?….aysus at nag-imbento ka na naman ng pangalan…halika na nga….at uulan pa yata….
Minsan may mga nilikhang pinagtatagpo ng tadhana upang maging patnubay sa isa’t isa…sa sangandaan ng bawat buhay …doon mo masusumpungan ang susi ng hiwaga ng pagmamahal ng Maylikha…na kung sa paanong paraan at takda ng panahon, kusa lang itong umaagos katulad ng tubig sa batisan……magmasid ka lamang at maging mapanuri sa pagbalangkas ng bawat pahina ng sanga-sangang kasaysayan nito.
Maligayang pagbati po! Umaasa po ako na maghahatid sa inyo ng tuwa ang aking pag-kabit (link) ng inyong sapot-lugar (web site), kasama ang lahat ng kasali sa Saranggola Dos, sa aking 2Rivers na kung saan lahat kayo ay malugod na inaanyayahan. Maaari din po ninyong ikabit ang inyong sapot-lugar sa MukhaLibro Pader (Facebook Wall) ng inyong likod. Tara, tena! Sumasainyo ang Pwersa at mabuhay ang panitikang Pilipino! Lubos na gumagalang, Jonathan Aquino
Pingback: Ako naman ang magsusulat… « HIBANG {tagni-tagning ideya}
Ang ganda ng unang talata Kuya Blu!
Ang bawat katapusan nga ay panibagong simula. Tayo ay naglalakad ayon sa indak ng ating sariling musika. May pagkakataong may nakakasabay tayong pareho ang pintig at sukat na sinusundan, at ang ating buhay ay maiiba at mababago dahil sa kanila… Sa sangandaan ng buhay, maaring hindi natin sila makakasama, pero tiyak may makakasabay naman tayong ibang tao tatahak ng parehong landas…
Maging ang katapusan ng ating buhay dito sa daigdig ay panimula ng walang hanggang buhay kasama Niya… 🙂 Magiging kasabay na natin siyang tatahak sa landas na inihanda Niya… 🙂
wow naman! at napadaan na ang kaibigan ko…hahahaha…at talagang may kasama pang insipired insights….salamat po!
sasali ka ba?
natutuwa naman ako at naging dahilan ang saranggola blog awards sa pagbabalik nyo.
Anuman ang tawag at kulay natin, sadya ngang iisa ang pinganggalingan natin 🙂 Salamat na rin at dahil sa blogworld ay nahabi tayo at nagkakila-kilala.
Salamat sa paglahok. Hanggang sa muli!
ikinagagalak kung muling sumali sa iyong patimpalak….
grabe halatang ganado si kuya blu… andyan ulit ang mga palaisipan. tulad ng leon at ng birthday cake.
ang batang cute na cute andyan na!!! hinahabol nya ko. pakisabi wala sakin ang saranggolang hinahanap nya 😀
hahahha….hmmm…umaandar ulit ang malikot kung imahinasyon…hehehe
good luck sa iyong entry kuya blu! more power!
uy…salamat hoshi…na-inspired lang sumulat muli…
ganda po ng entry niyo. 🙂
aquilone blu. 🙂
salamat sa pagdaan….kat!
hi blu! ganda naman ng entries mo…sana manalo!
kababalik ko lang din sa blog..matagal din akong nawala! opo dito pa din ako sa Aleman!
ok…salamat sa info….pareho pala tayong bagong balik hahahhaaaa…mareng pokwang!
ang pagiging asul at bughaw ay may iba’t ibang kahulugan sa bawat tao..
welcome back mr. blu!
salamat din ate joyo!!!!
wow! dalang-dala ako habang binabasa to…
😀
salamat aninipot….balik ka ulit….
NICE Entry ..
pede ba ma add ko ang blog mo sa aking mga royalties?
oke…salamat igan barquera!!!!!
Mavi..Nila.
Ang bughaw na pakikipagsapalaran sa dayuhang lupa o dito man. Naroon ang kahulugan ng buhay.
hmmm…ang matalinghagang kulisap napadpad sa haws ko…salamat!!!!
Waw, unang-unang entry ng pagbabalik ay entry rin sa isang patimpalak! Good luck, Kapatid. Aabangan ko ang resulta ng Saranggola Awards. Pag nanalo ka, burger! burger! burger! hehehe
Maraming salamat sa muling paglipad ng iyong blu haws sa mundo ng blogosperyo. May mababasa na naman kaming mga post na makabuluhan at may aral.
waaahhhh…namis ko na rin ang blogosperyo….musta na Miss N?
wow 2nd base ako 🙂 miss you kuya blu 🙂 tnx sa pagbisita sa aking bahay at sa pagbati ng maaga 🙂 ganda naman ng entry mo kaiinggit na kayo ang gagaling nyo ni bro.hamham
wow! walang anuman ate lhen….
hohohooh…mali kua jason transition ng kulay blu in different languages…salamat..bae ka tulad pa rin ng dati!
hohohohoho etyo na ang entry ni kuya blu!!
huwaw naman ang transition ng saranggola into different languages 😀 hohohoho
i like this kuya blu! partida ah muling pagbabalik na entry to 😀
basahin ko po pag uwi ko. dito pa po ako opis umo-OT T_T
ok…..basa mamaya…