Bluwan

Buwan na kulay blu.
Ito ang naaaninag ko gabing kulimlim.
Bighani ang pang-akit na ningning nito.
Sa magkakambal na talukap aking namamasdan
Ang misteryong dala nito.

O! Bluwan,
Ang sinag mo ang aking karamay
Bilugang hugis na walang kawangis,
Hatid ang pag-asang walang magpasawalang hanggan!

20120717-110329.jpg

Nai-post sa Uncategorized | Mag-iwan ng puna

Blu lazy Afternoon

20120625-174410.jpg

Isang hapong maalinsangan ang panahon.
Tagaktak ang pawis.
Nakatanaw sa nakaawang na bintana ng kamusmusan.

Minsan pa.
Isang sulyap sa orasan ng nakaraang tagsibol.
Sanga-sangang kamalayan.

Buntong- hininga ng pagkamulat.
Walang patutunguhan.
Iduyan na lang uyayi ng pangarap.

Nai-post sa Uncategorized | Mag-iwan ng puna

BLU and the GOLDEN PAGODAS OF MYANMAR

DSCN5269

Una kong isinulat ang kuwentong ito nitong Pebrero. Nang sa di mawaring dahilan biglang na-delete ang aking naisulat. Sa paglipas ng mga buwan muli akong naglakbay sa Asya at nakalimutan ko nang balikan ang pahinang ito.

Kanina lang biglang nag popped out ang isang message ni AGA…sinasabing he is foll0wing my blog. Kaya heto nagsusulat muli. Maraming Salamat parekoy!

Magkahalong saya at kaba ang aking nadarama sa paglapag ng eroplano sa paliparan ng Yangon. Sa di mawaring dahilan, mas naging mapagmasid ako sa mga kaganapan, at nakahinga lang ng maluwag nang makalabas sa immigration. Marahil dala na rin sa aking mga nababasa tungkol sa bansang ito kaya nagkaroon ako ng agam-agam at pangamba.

Parang Pinas din ang Myanmar, ang mga tao ay parang mga pinoy din. Madalas napagkakamalan akong burmese, mabilis ko kasing natutunan ang iilang salita nila na may kaakibat na burmese diction. Madalas tuloy pagkinakausap na nila ako, napapangiti na lang ako at sabay sabi,”I don’t speak burmese.”Mababait ang mga tao at magagalang. Palangiti rin sila.

I luv the food here. Weeh…parang Pinas lang may pansit, tsitsaron, mixed gulay, rice, iba’t ibang putahe ng manok at baboy, kakanin, at iba pa. Ayos mabubuhay ako dito. Actually, Im beginning to like it here. Really, really like it.

Katulad ng Pilipinas, nakatambad rin ang kahirapan ng mga tao. Makikita mo ito habang papalayo ka ng syudad. Dala ng military government na kung saan halos lahat ng sektor ay kontrolado. Naging mailap ang pagbabago at modernisasyon. Ito marahil ang dahilan para hindi maging maunlad, malaya, at makahayag ng damdamin at kaisipan ang mga tao. Ang mamuhay sa takot. Natatandaan ko rin sa kwento ng mga nakakatanda ang karanasan natin noong may Martial Law sa Pilipinas.

Ang budhismo ang pangunahing relihiyon dito. Kaya nagkalat ang mga monghe dito. Pulu-pulutong kung lumakad, namamalimos ang pagkain. Iba ang lakad ng mga mogheng lalaki at lakad ng mongheng babae ( na kailangan mag-usal ng mga dasal bago bigyan ng pagkain). At ang mga golden pagodas, ang dami dito nyan….mula syudad hanggang sa mga liblib na kanayunan. Nakakamangha talaga!

Marami pa akong kwento sa inyo, pero sa wari ko hindi ko lahat maiisawalat. May mga kwentong hindi pwede mailarawan sa pamamagitan ng pagsusulat. Marami pa ring nakasulat na lamang sa aking puso.Isang araw, nais ko muling bumalik sa bansang ito para manirahan at magtrabaho. Hindi ko alam kung bakit. Nararamdaman ko lang. Kung kailan? Ang tadhana na lamang ang magtatakda.

Larawan | Posted on by | 2 mga puna

Blu in Mystical India!

Mula noong dumating ako dito noong Nobyembre 11, wala na akong ginawa kundi maglagalag..palipat-lipat, papalit-palit ng higaan at orasan. Umaga pa lang biyahe na kaagad. Nakakatuwa na sa pang-apat kung paglipad dito, ngayon ko lang nalibot ang India (4 na estado ang pupuntahan ko). Malalayo ang daan, kailangan ko ring lumipad sa kalawakan ng dalawang beses.

Malayo na ang narating ng bansang ito. Ngayon kitang-kita mo ang modernisasyon sa bawat buhay ng tao dito. Halos lahat nakacellphone! Mura lang ang rates nila dito. Nagtataasan na rin ang mga structures kahit nasa kanayunan. Marami man ang masisilayang karangyaan, marami pa rin ang naghihirap dito. Parang Pilipinas lang baga, malayo ang agwat ng antas ng pamumuhay ng mahirap sa mayaman. Milya…milya!

Iba rin ang hospitality dito. Mas ramdam ko ito sa mga kanayunan. Naranasan nyo na bang sumakay sa karosa habang pinaparada sa mga daan, at ang mga nakaabang na tao ay kumakaway sa galak. Di rin pahuhuli ang banda ng musika. Feeling ko para akong santo na nakaluklok sa pedestal…(feeling lang naman)! Muntik nang mahulog ang puso ko sa gulat! Nagputukan ang mga kwitis nang paparating na kami sa munting plaza. Di pa natapos ang sorpresa dyan….taran!!!!! at eto…..biglang saboy ng mga bulaklak sa dinadaan namin patungong bulwagan….anim na nagkikintabang mga batang babaeng nakaputi (laba ng tide!). Sabitan ng naglalakihang garland! Diyos ko sa laki napatuwad talaga ako! hahaha….Uso din dito ang pagsasabit ng shawl bilang pagwelcome samga bisita. Magagara ang mga shawl…pag medyo mahirap pwede na ang bagong tuwalya! Sayaw dito sayaw doon. Walang maliw na talampati at pasasalamat. Iba talaga ang feeling ko ng mga panahong iyon.

Sa apat na eskwelahang aming nabisita, ang mga bagets walang maliw ang pagsasayaw (with matching kintab dress, akala ko noong una may sagala), may tumutula….at eto pa mahilig sila sa mime dito…tapos sila lang ang tawa ng tawa. Syempre ….tawa rin ako sa kanila….indi doon sa drama-dramahan nila! hahahha …Aysus!

Eh! syempre di mawawala ang fud! super-anghang as in!….maluha-luha na nga ako. Pero smile pa rin ang drama ko! Sabay sabi …sarap…sarap! Diyos ko nasaisip ko tuloy….Ngayon nakaka-adjust na ako sa fud dito, kailangan, ika nga for survival!…. mahigit na isang linggo pa ako dito na mamalagi.

Masaya at mahirap ang maglakbay, pero sa huli marami pa ka ring matutunan lalo na pagkakaiba ng mga kultura. Hanggang sa muling paglalkbay! Next stop Myanmar!

Nai-post sa Uncategorized | 9 mga puna

Mr. BLu Pogi

Isang buwan na pala ang nakalipas nang huli kung nabisita ang blu haws. Haist! sa sobrang kabisihan nawawalan na akong time maglinis at mag-ayos sa bahay na ito. Malapit na naman akong maglalayag sa Asya, at tinitiyak ko na matatagalan na naman bago ako muling bumalik dito.

(ang mga nasa litrato ay mga nagfefeeling pogi! Mr. Blu Boys 2011…hahahaha….kasama na ako dyan!)

Ano na ba ang mga bago sa aking buhay? Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko, ha! Feeling ko mas lalo akong nagigiging pogi. Yaiks! walang biro di nga? OO naman. Ang kagandahan at kapogian ay nasa panloob na kamalayan. Ika nga dapat araw-araw maging positive tayo sa buhay. Kung keri mong sabihing pogi ka, eh di pogi ka nga! kahit na sa tingin ng iba hindi proporsyon ang katawan mo, na kesyo di katangusan ang ilong mo, na kesyo namumutla ka na sa kakainom ng pamputi, na kesyo nagkakabasag-basag na ang salamin sa iyong walang sawang kakatingin ng iyong mukha dito.

Ang kagandahan ng isang tao ay nagmumula sa isang inner disposition to be beautiful. Kaya nga sa simula pa lang ng pagtilaok ng manok (este..alarm ng cellphone), you have to declare to the whole wide world (translation facebook,  tweeter, etc.) na you are indeed beautiful.

Therefore, I conclude, that beauty is in the eye of oneself! Naks namen, pwede na bang sagot ito sa mga internasyonal na pakontes.

Hanggang sa muli mga kaberks! Para lang may masabi kaya nasulat ko itong post na ito. Huwag masyadong dibdibin ang mga nakasulat dito, sapagkat ang mga nakasulat na ay  nakasulat na! Walang urungan! History na ito!

Nai-post sa blu, blu boys | 5 mga puna

BLU MEETS PEDRING

 

Umariba na si Pedring,

nagpakita kaagad ng kanyang gilas!

Lahat naghiyawahan!

May nagtaas ng kamay sa langit!

May nagpalakpakan ( mga estudyante na mahilig sa no classes).

May napasigaw!

May kumunot ang noo!

May napapaiyak!

May sumusugod!

May napakapit sa puno!

Samu’t saring reaksyon.

Sa pagdating ng bida kahapon.

Piyesta! Ang lakas ng tugtog ng Hanging habagat…

Umindak ang karagatan sa tunog ng waling maliw na..

sabay-sabay na awitan ng kulog, hangin at kidlat!

Dumating na nga ang bagyong si Pedring!

 

Nai-post sa bagyo | 5 mga puna

BLU HOMECOMING

Bumabalik sa kinagisnang tahanan sa blogosperyo…

Pilit na tinitipang muli ang mga tiklado ng panahon..

May mga bagay na nakasanayan na…

mahirap ng burahin ang mga ala-alang iniwan nito.

Minsan sa mundo ng blogosperyo..

dito ko hinabi ang aking mga pangarap

sa bawat pagkumpas ng mga salita

at sa bawat pagbalangkas at pag-inog ng panahon…

dito, dito sa sulok ng mundong ito…

natagpuan ko ang katinuan at kabaliwan…

hangga’t may kamalayan pa akong hahabiin

mga pangarap ng tatahiin..

magsusulat ako ng mga buod na ito…

masayang pagbbalik sa araw na ito,

sana lang wala ng wakas!!!!

Nai-post sa Uncategorized | Tagged | 3 mga puna

semana santa – huling hapunan

Nai-post sa Uncategorized | 8 mga puna

semana santa – si Kristo

Nai-post sa Uncategorized | 2 mga puna

semana santa

Nai-post sa Uncategorized | 1 Puna