habang nag-iisip ako ng aking entry sa huling araw ng buwan ng mayo, ay narinig ko ang isang kanta sa wikang portoges na pinapanood pala sa youtube ng aking kalapit-table sa opis. tinanong ko sa kanya kung anong ibig sabihin niyon. at sa kanyang pagpapaliwanag, naunauwaan ko na ito pala ang aking naging saloobin sa mga nagdaang mga araw.
matagal ko kasing hinintay ang pagkakataong ito, siguro buwan para masabi ko sa kanya ang aking saloobin. Sa mga oras na ito nais kong kumawala sa aking pangkasalukuyan at sabihin sa kanya lahat na aking dalahin. Yung tipo ako at siya lang.
bago natapos ang maghapong ito, nagtagpo ang aming landas at sa bawat tingin niya ay para akong natutunaw . sabi nya hinintay kitang dumating kahapon, kanina..ang totoo sa matagal na panahon. Pero hindi nya ako tinanong kung saan ako nanggaling at naglagalag. Isang sulyap na hatid ay mainit na pagmamahal ang muli nyang tugon sa aking piping katauhan. wala akong masabi, wala akong maisumbat, wala akong maisip, katahimikan ang bumalot, pero damang-dama ko ang ginhawa at kapanatagan ng puso.
niyakap niya ako, tulad ng pagyakap ng isang mapagmahal na ama. sa mga oras na iyon ang pakiramdam ko ay para akong isang patak ng tubig na nahulog sa malawak karagatan ng kanyang pagmamahal.
isang malalim na katahimikan ang sumunod na eksena. isang impit na paghikbi ng isang anak na matagal na nawalay sa ama. habang siya ay patuloy ang pagyakap, mahigipit …may hagod ng pagmamahal…damang-dama ko ito…tumatagos sa kasuluk-sulukan ng aking kamalayang-tao.
matagal kung hinintay ang pagkakataong ito. sa yakap ni ama, alam ko nakabalik na muli ako sa tahanang minsan ay naging bahagi ng aking kamusmusan..matagal na rin pala…ilang buwan halos ang lumipas. minsan nga talaga mahirap bilangin ang mga panahong nalagas…ang mahalaga alam ko nakauwi na ako sa tahanan ni ama.
sa huling pagkakataon….hinigpitan ko ang aking yakap, para bang sinasabi ko…hindi na muli ako lilisan..sulyap lang ng may buong pagmamahal at pag-unawa ang kanyang naging sukli…sa mga oras na iyon di na mahalaga ang bawat sasabihin namin sa isa’t-isa.
lalim a…
pero i like yung pagkukumpara mo sa relasyon at tubig. cinematic ang effect.
well, more power to all fathers out there! naalala ko tuloy ang kwento ng albuhgang anak sa Bible.
hmmmm…somehow this story is inspired by the prodigal son…salamat hoshi!
maigi ka nga blu nayayakap ka pa ng ama mo samantalang ako matagal ng patay ang tatay ko. kaya minsan nangungulila ako.. namimiz ko ‘yong panahon na naliligo kami ng dagat buong mag-anak. namimiz ko ‘yong pinapagalitan ako minsan.. i know he’s happy where he is right now kasama ang butihin kong ina… 😦
ang yakap ng ating ama..kailanman di kukupas….kahit wala na…parang nandyan pa rin…
I was reading this while listening to Hesus ng Aking Buhay. What a moment…Salamat kaibigan sa mga ginintuang paalala ng Kanyang pagmamahal…
salamat din sa pagdaan….God bless u!
Gusto ko ding maramdaman ang yakap Nya, kahit saglit lang, alam kong maaaalis Niya ang lahat ng bagabag sa ating puso. 🙂
tama ka dyan joycee…..as you read my response….close your eye for a while and imangined his loving hugs…..God bless!
ako alam ng tatay ko kung gaano ko sya kamahal! kaya swerte ako/kameng mag-anak dahil close kame. proud ako dun! 😀
mabuhay tatay mo parekoy!
Kuya Blu… Poignant post, yet full of hope… 😀
Noong araw, ni hindi pwedeng banggitin ang Kanyang pangalan… Maaring kamatayan ang iyong kahahantungan…
Pero ngayon, hindi lamang sa kung anong pangalan natin Siya tinatawag… Naging napakalakas ng ating loob na tawagin siyang Ama, kahit tayo’y walang karapatan at hindi karapat-dapat… 😀
Karangalan kong tumawag sa kanyang Ama… at kaligayahan kong tawaging ama ang taong nagbigay daan para ako mabuhay dito sa lupa… 😀
Sa aking puso, walang hanggang pasasalamat….
salamat sa iyong sharing…..tunay nga kaibigan!
tatay will always be a tatay… kahit ano pang ugali nya, hindi nya kayang tiisin ang kanyang anak… aaaawww… tatay na ba ako… lolz
hahahahha..tama naman talaga di ba….wla na tayong magagawa doon…teka tatay ka na ba?
hmmmm…pedeng speechless?ahehe
well…hahahahha..its your choice….anyways…salamat sa pagdaan.
hays… kahit na gaano kakulit ang tatay ko e tatay ko pa rin sya 😀 e sa kanya kaya ako nagmana ng kakulitan, hehehe
ang isang ama…ay ama pa rin kahit ano pa man ang nangyari—-
refreshing nanaman kuya blu ha? hehehe..
nakakatuwa talaga ang ating Ama.. sa ating pagkawala Siya ay palaging naka abang sa ating muling pagbabalik… at sa ating pagbalik, handa lagi ang Kanyang mga braso na iuunat at iyakap sa atin..tanda ng pagkasabik Niya sa atin…
Hindi nanunumbat at nagtatanong..isang Dakilang Pagmamahal ng ating Ama 🙂
p.s.
nakakatuwa..tungkol din sa pag-ibig ang susunod kong post 🙂
natumbok mo sandi…..hehehehehehe
…
5 minutes akong nag-iisip kung anong sasabihin ko. all i can write is ellipsis.
hay, off topic. hindi ko ma access ang website ko. well, i already emailed my hosting service. wala lang akong magawa. nanonood ng videos about something.
ahahahahha…ayan na-off topic ka tuloy
ok….think harder…there is more to unravel beyond the naked eye…read between the lines….salamat ax…use your heart!…then connect…..
hehe, actually i know that you are referring to either Josh or The Father. hehe. Wala lang akong ma-comment! 🙂
hahahahahah…at natameme ang ax….
oo nga eh, dahil sa post mo! hehe.
hmmmm…muni-muni….
😦
dont be sad!this is supposed to be a hope-filled entry.hehehhehehhe
di ako nikakausap ng papa ko…
hmmm….bakit kaya? …pero ano man ang dahilan..malalim man ito…napapaghilom din ng panahon….walang magulang na makapagtitiis ng anak…kahit sinasabi pa nila ….puro sa puso nila nakaukit naman ang mukha mo….
wooot isa sa mga lalaking boy friend ko ang tatay ko..
namimiss ko tuloy kahit kauuwi ko lang last night hheeh…:)
kaylangan sulitin ko ang bonding time on sat..
salamat kuya blu para dito..
hahahahaha..salmat din sa yo lhovely…ang bawat oras ay mahalaga sa mga taong minamahal…..wish you the best bonding ever on saturday….
pang father’s day ba ito?
ang galing ng istorya. salamat.
salamat din sa yo kaibigan….di ka man lang nag-iwan ng iyong url…hmmm…tagamasid.
at naalala ko ang daddy ko dito..hehe
salamat kuya blu. :p
hmmm…di ba uwi ka naman sa june…bonding moment to the max parekoy!
tamang tama. malpit na ang fathers’ day…. Pagkakataon mo na yun.
i add kita sa blog roll ko. Pa add din. :p
hahahhha…everyday if father’s day for me…ok add din kit jason…salamat ha!