Dati pa masakit na ang magpaalam. Ilang taon, ilang taglagas ang dumaan para mapawi ang hapdi at maghilom ang sugat na iniwan nito. Tiniis ko yun, kasi mahal kita. Marami ang nagsasabing mas nagiging dalisay daw ang pag-ibig kung marunong tayong magparaya at magpalaya. Madalas tama ang kawikaang ito. Pero kahapon lang napagtanto ko, hindi madalas tama ang sabi nila. Sana ipinaglaban ko ang pag-ibig natin, kahit sinabi mo noong walang kapanalunan ang ating ipinaglalaban.
Bakit kasi muli kang kumatok sa sarado ko nang puso. Ngayon pa, na alam ko hinding-hindi na tayo magiging muli. Ang pag-ibig, ang tunay at dalisay na pag-ibig kailanman hindi magmamaliw. Ang hubad na katotohanan ay ang amining mahal pa rin natin ang isa’t isa, sa isang panahon na hindi na tayo kapwa malaya. Isang hantarang kasinungalingan na muling buksan natin ang dahon ng nakaraan at sariwain ang bawat tamis na dulot nito.
Alam ko hindi ito ang tamang hantungan. Ang pagsilabin muli ang ating nagpupuyos na damdaming minsan nang pinagdarang sa ngalan ng pag-ibig. Sa huling pagtipa ng aking mga daliri, hudyat na ito ng isang pagwawakas ng isang kahibangan at pangarap na pagniniig ng ating damdamin.
Nabuksan man muli ang sugat nang nakaraan. Matatagalan man ang muling paghilom nito. Salamat na rin at muli kang dumating sa buhay ko. Ang bangungunot na hatid nito, kung ito man ang tamang tawag dito, ay babaunin ko hanggang kamatayan.
Bakit ba madalas bughaw ang kulay ng pag-ibig? Hindi ba pwedeng kulay rosas parati? O kaya parang bahaghari? Mas makulay mas masidhi at malalim ang bigwas nito sa atin. Minsan nang may nagtanong sa akin kung bakit bughaw ang kulay ng aking buhay? Bughaw, kasi yan ang tatak ng aking kamalayan at pagkatao. Bughaw, kasi yan ang madalas na wakasan ng aking buhay pag-ibig. Bughaw, kasi yan naman talaga ang tunay na kulay ng pag-ibig. Ang tunay na umiibig ay handang magparaya at magbuwis ng buhay para sa taong minamahal. Ang bughaw ay tanda ng kagitingan at katapangang mag-alay ng sariling buhay dahil sa pag-ibig. Ngayon, alam nyo na kung bakit bughaw ang kulay ng aking pag-ibig?
malalim man ang sugat na iniiwan ng bughaw kung pag-ibig,
at muli’muli man akong masugatan,
nanaisin ko pa ring umibig sa iyo.
p.s. kug mabasa mo man ang liham na ito, asahan mong malayo na ako.
Seriosly, I’m any web site admirer research each of the blogs around right now, not all of these that’s been published shines including your own does indeed. Your website trapped my eye and that i enjoy your opinions that you’ve benn shared with people..Thumbs upwards!
matuto kang tanggapin na may mga bagay na HINDI PWEDE at HINDI DAPAT. kapag narealize mo na yun, dun palang magsisimula ang paglaya ng puso mo 😀
narealize ko na yun…kaya matagal na rin akong nakalaya…..
aw. kuya blu. ngaun lng ulet nakadalaw ang EMO pa d2.
hugs kuya..
ok lng yan.
😉
hugs…talaga tayo sows…salamat ha…
‘Dati pa masakit na ang magpaalam.’ – TAMA! at intinding-intindi ko ‘to ngayon. 😦
‘malalim man ang sugat na iniiwan ng bughaw kung pag-ibig,at muli’muli man akong masugatan,nanaisin ko pa ring umibig sa iyo.’ – nagmahal, nagmamahal at magmamahal.
asul kasi “la us” (wala us, ung boy and girl)
bughaw kasi “huwag b.” (huwag balikan)
blue kasi “ul be” (happy in the end)”
wow,,,galing naman parekoy
anubayan kuyaaaaaaaa grabeng kalungkot naman ng love story na ito. Yun ang isa sa kabalintunaan ng buhay at di lahat ng tama ay masaya di ba?
ay di naman red….emo lang!!!1
ang sad naman ng post na to…
waaahhh…oo nga..pero ganun talaga eh..salamat!
sad naman ng post mo…
sad talaga!
bluroseguy,
bakit naman ang lungkot? pero alam mo kung kayo, kayo talaga in the end. kapag nabasa nya yan sigurado malulungkot din yun.
BTW boss blu, maligayang pagbabalik sa blogworld. pasensya kana at busy ang dioniscio at hindi masyadong makadalaw sa iyong balay.
anyways, cheer up. may bukas pa!
parekoy!!! long time no hear nga..matagal di akong nawala eh!!!
augghhhh, ang lungkot naman, 😦
sensya na….senti mode lang po….pero parang ganun na nga…hehehe
masydong emo ang post mo .. pero ganun talaga ang pagikot ng pag ibig sa buhay nga tao.. masaya , malungkot, may pag kamuhi at may pag mamahal minsan pinapalaya ka…
ay naku empress sori…senti kasi akong tao….bakit naman kasi bumalik-balik pa hehehehe
ayy ang sad nman…bkit hnd ba pde kung mahal ang isat isa?? hmmmm
ako rin kht lgeng msaktan lge p rin iibig,, pero hnd na sa knya! ahahha.
oo di na kami pwede sa isa’t isa…..
Nosebleed ako dito… Pengeng tissue! At gelato na rin na bebelgam flavor… 😆
Natamaan ako dito Kuya Blu… Wala na akong masasabi pa… 🙂
hehehehhe…..nagbabalik ang tunay na blu!….gelato beblegam falovr delivered at ur doorsteps!
buhay pag-ibig. pagmamahal. pamamaalam. pagpapalaya.
love…love….love….parang si Kris lang…hayun….di nakatagal sa love!…
Isang romantic entry pala to. Tama ka kuya blu dpat sana lagi na lang kulay rosas ang kulay ng pag-ibig. Pero siguro nga me ups and downs talaga ang buhay ganun din sa larangan ng pag-ibig.
Hayaan mo time will come magiging makulay pa at di lang sa blue ang kulay ng buhay pag-ibig mo!
Good luck sa sa pakontes ni J kul isa p!
waaahhhh…kahit ano gawin ko kulay blu talaga ang pag-ibig ko…salamat naman parekoy…labas ka na dyan sa dorm!
ahhh . nalungkot ako 😦
may naalala ako sa katagang ito
“Sana ipinaglaban ko ang pag-ibig natin, kahit sinabi mo noong walang kapanalunan ang ating ipinaglalaban.”
may nagtanong sa akin, kung hindi ko ba daw sya kayang ipaglaban, sumagot lang ako ng paano ko ipaglalaban ang taong hindi ako kayang panindigan .
hindi naman pwedeng magisa lang ako lalaban para sa laban ng dalawa diba?
haha nakiki emote ako sa blog mo sorii .:)
sana masaya kana
masaya ako…blu nga lang ang pag-ibig ko…salamat new friend,…kababalik ko lang ulit dito kaya ngayon lang kita napansin…..
ok lang po un, ang mahalaga ay napansin 🙂
at masaya kana 🙂 blue = peace right ?ü
stay happy
Ito po ay Entry Number 37. Salamat po
Mr. Blu ur so back! bakit parang ang sad ng post pero ang sweet… 🙂
ganun talaga ako….bughaw!!!!
“malalim man ang sugat na iniiwan ng bughaw kung pag-ibig,
at muli’muli man akong masugatan,
nanaisin ko pa ring umibig sa iyo”>>>>>Awwwww…..Mukhang napakalalim ng pinaghuhugutan nito, Kapatid. Magandang araw po at God bless!
malalim na malalim kapatid. Read my heart! salamat po sa pagdaan…
awwwww…kuya blu! ang blue blue naman ng entry mo…nalungkot ako… ang tunay na pagibig ay mapagpalaya at mapagparaya…ngunit malungkot pa rin! 😦
hahahaha…salamat kaye! I am blu for nothing…blu ang tawag nila sa akin, bughaw ang aking lahi…..
buongiorno!!!
aba binatang binata itong si kuya blu… susumbong kita ka bro… lolz wala namang masamang umibing di ba nga yun ang pinakamasayang punto ng buhay ng tao, kapag hindi ka na masaya ibig sabihin hindi ka na umiibig.
(now playing- bukas na lang kita mamahalin by lani misalucha)
naman…nagbibinata hahahahaha….alam na ni bro…sinabi ko na sa kanya…matagal na!
Nakarelate ako pero malaya ako katulad ng mga ibon at isda sa karagatan…
…hindi katulad nya nakagapos at nakakulong sa selda na walang rehas…
napadaan lng po:-) hug po kita sa blogroll ko:-)
salamat sa pagdaan shpere
Maraming salamat po sa inyong pagtugon sa aking patimpalak.
Nabuhay ang mga natutulog na damdamin sa inyong akda.
Pag-ibig na disin sana’y kaulayaw sa panahon ng taglamig at magpapaigting ng init sa katawang naghahanap.
Na disin sana’y ang pangarap mo ay kakambal din ng kaniyang pangarap.
Sir, labis po ang aking kagalakan. Mabuhay po kayo
walang anuman ginoong kulisap
Pingback: PASIKLABAN | Kayumangging Damdamin
wow! welcome back kuya!
ganun nga talaga siguro yun, may mga pagkakataon na nagkakaintidihan kayo at mukhang okay naman lahat. kaso wala pa rin.
masakit pero kailangang magpatuloy at maniwalang may iba pang pag-ibig. gaano man kasing babaw o kasing lalim kumpara sa nauna.
mabuhay!
GANUN NGA! HELLO HOSHI!
wahhhall caps talaga.
MABUHAY!
u uh soo sad naman…so blue means on very sad mode! 😦
INDI NAMAN SENTI MODE LANG….HAHAHAH