blu lessons

sinubukan kong manahimik at magpatianod sa kawalan nitong mga nagdaang mga araw. marahil dala ng tawag ng isang malalim at matamang pagsisiyasat sa mga pangunahing layunin ng aking buhay. at ito ng mga lessons na aking natutunan:oriental

 

the best and beautiful things in life…ay yaong mga libre, bigay ni Bro:

1. ngiti….bakit di nyo subukan muli…gaan kaya ng feeling!

2. appreciation of what i am and what i have at the moment…nakakabawas ng wrinkles!

3. if you choose to love…love the persons who are very near you…katabi at kaututan mo…sila naman talaga ang tunay na concern sa ‘yo!

4. live simply and do not multiply your needs:  ang solution sa nakakahigh-blood na buhay mo ngayon.

5. embrace the moment…kailanman di na babalik yan…mahirap kaya umiyak later na walang luha!

6. big heart..yan ang kailangan ng mundo ngayon…big heart ..big enough to contain human hurts and pains.

7. sleep well…para di maging bugnutin.

8. huminga ng malalim…iwas galit yan!

9. mag-blog ng mabawasan ang stress….bisitahin syempre ang bahay ni blu!

10. pagkatapos basahin ito…aba gumawa ka rin ng mga lessons mo…wag mangopya!

Nai-post sa blu, buhay, lessons | 52 mga puna

pink haws

ang pink haws ng mga magulang ko…ito ang pansamantalang tahanan ko dito sa probinsya….CIMG3420

Nai-post sa blu, pink haws | 77 mga puna

blu is home

Blue hills

 

marami akong naging saloobin sa aking muling

pagbabalik tahanan

dala marahil ng kasabikan sa aking mga magulang

o talagang merong lang akong hinahanap muli.

kasabay ng buhos  ulan ay

unti-unti kong binaybay ang

daan patungong minsan tinawag kong aking kanlungan

ng isang nakalipas na kamusmusan.

ang mga ngiti nandoon pa rin,

ika nga wala namang nagbago.

ang simoy ng hangin

at ang kapaligiran kalakhan nagbago

pero sa wari ko naroon pa rin ang bakas

ng aking uhuging kamalayan

marahil ako lang talaga ang nagbago.

masarap muling yapusin ang kapayakan ng buhay

malayo sa sibilisasyong aking ginagalawan

sa pangkasalukuyan.

ito marahil ang inyong

pinagtataka…

kung bakit matagal nasundan ang huling

bakas ko sa blogosperyo.

matagal lang akong huminto at nag muni-muni.

ngayon lang kasi bumalik muli ang ang aking katinuang

mag-isip sa mga bagay na dapat noon ko pinagkaabalahan.

maraming salamat:

una , sa Diyos na hanggang ngayon ay patuloy na nagiging aking pananggalang.

pangalawa, sa aking mga magulang  na naging punong-ugat ng aking pagkatao.

pangatlo, kay Lady Blu…my on one only love.

at higit sa lahat sa mga kaibigang naging tulay ng kabutihan at pag-ibig.

paano nga ba sasabihin ang tunay na pasasalamat..

sa puso at sa diwa.

marahil hindi sapat ang mga salita at pagkayap bilang tanda ng isang

masidhing pasasalamat sa Maykapal.

sa mga pagkakataong nararamdaman ko ang nagpupuyos na damdamin

katulad ng nararanasan ko ngayon…

alam ko ..

alam..

na

alam ko…

BLU is home.

Nai-post sa blu, home | 57 mga puna

blu stop-over

bakit ba ako nasa gitna ng airport na ito?

tanong ko madalas sa aking sarili.

tuwing may lakwatsa ako sa kabilang panig ng daigdig.

 

airport

 

ang buhay nga naman parang biyahe.

ang airport ay isa lang sa mga stop-overs

ng ating paglalakbay.

katulad ng mga iba pang  stop-overs

hindi matagal

laging nagmamadali

baka nga maiwanan ng huling biyahe.

biyahe ba ikamo?

si Isah, edad 45

feeling nya huling biyahe na kaya hayun

sumampa sa kariton ng matong si Amado.

bakit nga ba kailangang madaliin ang lahat sa buhay na ito?

lahat gusto instant

hindi na makapaghintay,

kahit ano isasanla, kahit kaluluwa

mapadali lang ang pag-akyat sa rurok ng tagumpay.

tapos pagdating naman sa dulo nito

nagrereklamo

kasi nakakalula nga naman ang parating nasa tuktok.

hay, ang tao nga naman di na talaga makuntento

sa karampot na biyaya ng langit.

parang ako…narating na ang sixth floor ng building namin,

pero gusto ko pang maakyat ang 12th floor

kung saan nananahan ang mga ceo ng tagumpay.

minsan ang ang isang ceo namin tinangka pang umakyat

sa 13th floor.

bumalik ng biglaan …butil-butil ang pawis sa mukha.

sa 13th floor..ang rurok ng kawalan…

malungkot doon, kasi nag-iisa ka lang.

ako pinangarap ko minsan ang 13th floor

yun pala wala namang katuturan.

ikaw, kaibigan asang floor ka na ba?

sir…er….sir Blu …

boarding na po….

thank you…namalik-mata yata ako ah.

asan ba ako miss?

nasa airport po kayo on your way to Manila.

Aysus….pauwi nga pala ako ng Maynila…

pero parang kanina lang may kausap ako ah..

Ewan…wow! sarap ng feeling ko ngayon….

Eb in Manila here i come!

hmmm…..mamaya pagnaalala ko muli ang aking panaginip…

ibabablog ko dito..

Nai-post sa biyahe, blu | 64 mga puna

yellow pencil

yellow pencil

 

Diapositiva1

Diapositiva2

 

isang pagpupugay sa natatanging yellow pencil ng bansang pilipinas!

 

cory

Nai-post sa blu, cory aquino, yellow pencil | 82 mga puna

happy pencil day!

pencilday

 

today is monday!  July 27, 2009.

happy pencil day!

If God will allow you to write something,

on your last testament

as a remembrance and description

of how you have lived your life,

what would it be?

 

….at the crossroad of my life i met BLU,

…the gentle breeze of His presence….

 

this i will write as my last testament.

Nai-post sa blu, blu pencil | 77 mga puna

blu pencil unmasked

July 22, 2009 Wednesday, 1:30 pm lunch at Mama Anika.

Mama Anika: Marika, anak kain na….

Marika: mamaya na po…

Blu: ang sarap naman ng pritong isda at ginisang munggo…sana araw-araw..

Mama Anika: heh! ano ka sinuswerte! ano parati na lang libre…

Blu: biro lang naman…kung makakalusot eh…

Mama Anika: Marika! ano ba…

Marika: sandali na lang po….

Blu: Ano ba kasi ang pinapanood ni Marika?

Mama Anika: hay..naku matatawa ka sa madidiscover mo?

Blu: Marika…ano ba pinapanood mo?

Marika: si Teray po…ang buhay ni Teray!

Blu: siya si Teray! (namutla ang Blu)…

pagkatapos kumain, dali-dali akong umuwi upang ipagpatuloy ang aking research na naumpisahan tungkol sa pudpod na lapis.

una, ito ang aking natagpuan:

pangalawa, hinanap ko ang koneksyon ng pudpod na lapis at si teray! after so many attempts ito ang lumabas:

pudpod na lapis ni marika

 

si teray ang friend ni marika

 

blu pencil , ang title ng post:

the question

the continuing saga

 the unmasking

teresaA pencil stub lies on a little wooden table in the passage outside the chapel of the “Gift of Mary” House in the Vatican. In an age dominated by “virtual reality” that pencil could symbolize the secret of a very concrete “network of charity”. In fact, for the 4,000 Missionaries of Charity, the pencil – a humble and simple tool – recalls the very meaning of their vocation of serving the poorest of the poor in whom they recognize Christ.

They clearly remember Mother Teresa’s words: “I am only a little pencil in God’s hand”. It was precisely a pencil which a Missionary of Charity brought to the altar during the Offertory on the day of Mother Teresa’s funeral, celebrated in Calcutta on 13 September 1997. “That was a sister’s idea, in order to honour Mother who loved to describe herself as ‘God’s pencil’.

Jesus has so many pencils. He uses one as long as it lasts, then he takes another and yet another. We are all pencils of God that get worn down, we are only the ‘temporary’ pencils that God uses to write the history of charity”

p.s. i will off for a long week-end and i am not sure if i will have access with the computer. Happy week-end dear friends and may Jesus bless you all!

Nai-post sa blu, blu pencil, mystery | 71 mga puna

mystery blu pencil

aysus nang buksan ko ang aking blu haws …..sari-saring kuro-kuro ang naglabasan…salamat mga kaberks dito sa blogosperyo at talaga naman you took time to read at makibahagi sa aking continuing saga ng hiwaga ng blu pencil.

kaninang buong maghapon, i have been searching the internet for some clues that somehow might lead me to unravel this mystery….pero bokya ako ngayon…ito lang ang napala ko sa  aking research:

blu flower

dahil summer ngayon…..hmmm…magandang ilagay ito sa opis ko…..

bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko….. (ring tone ko po yan!)

Mama Anika: ay naku blu, matutuwa ka….

blu: y?

Mama Anika: si Marika nahuli ko kanina may kausap na wala naman…at narinig ko ang pangalang teray!

blu: ha ..di ka ba kinilabutan?

Mama Anika: ano ka ba…natural lang naman sa mga batang may imaginary friends….paglaki nila makakalimutan rin nila yun….di nga ba yan din ang kwento ng anak   kung si Bambam…..

blu: kakatakot kasi….

Mama Anika: kasi naman nakita ko syang nakatalukbong ng kumot habang kumakanta ng Our Father at may hawak pang rosary…..

blu: ay parang ako sabi ng nanay ko….madalas nakakumot daw ako noong bata na parang nagmimisa ….hahahahahah…

Mama Anika: yun  na nga eh…so wag ka nang magtaka dyan….wari ko nagmamade-madrehan siya at kasama kunyari si teray…

blu: eh…kasi…..

Mama Anika: o siya…ay naku! nalata na yata ang spaghetting pinapakuluan ko…bye….ciao!

blu: ang lapis …..bow!……ang teray….bow! ……ang madre-madrehan…..bow! ano ang connection….haysssss….mabili na nga itong tanim na blu…… 

Nai-post sa blu, blu pencil, mystery | 35 mga puna

blu pencil…the saga continues

wait…..kung hindi mo nabasa ang previous post entitled blu pencil..pakibasa muna! Ok kung tapos ka na continue reading….

tel

July 20, 2009  monday  9:00 pm

krrrriiiiiiiig! kriiinggg! krrrrriiiiiing!

blu: pronto! (hello)…uy ciao! Marika! Come stai (kumusta)?

marika: bene!

blu: ask lang kita? bakit pala ibinigay mo sa akin kagabi yung pencil mong gamit na….ang liit liit pati…hehehehe

marika: sabi kasi ni teray bigay ko po sa iyo.

blu: teray? sino si teray?…friend mo?

marika: opo!  …..mama andito po si kuya blu…kausap ko po!

Mama Anika: uy Blu…napatawag ka?

blu: wala may itinanong lang ako kay marika…yun bang inabot  nya sa aking pencil na pudpod kagabi…

 Mama Anika: ay yun ba? oo nga eh…. kahit ako nagtaka rin kagabi …

blu: sino si teray?

Mama Anika: ay naku kahit ako di  ko kilala……siguro mga tatlong araw na nababanggit ang name na yan …….. …..siguro imaginary friend nya. …..

blu: siguro nga?

Nai-post sa blu, pencil | 42 mga puna

blu pencil

sunday july 19, 2009

6:30 am awake na si blu

7:30 am go to st. peter’s train station for viterbo

9:00 am fishing site , kain, chika, kain, chika, kain  at kain pa…nabundat ako!

7:00 pm balik sa roma

8:00 pm rest sandali..

9:00 nasa bus na naman on to the next appointment (di busy)

10:00 pm ngumangatmat na naman….dinner po…to top it all.halu-halo!

11:00 pm pauwi na si blu…nang walang  kaanu-ano’y  ang batang si Marika humahabol..

marika: kuya blu…ito o regalo ko…gud nayt po

blu: uy salamat naman! pakiss ulit!

Pencil

ngek! pencil na pudpod….tatawa-tawa akong tumungo sa bus stop.

11:30 pm nakasakay ng bus pauwi

12:00 midnayt –  tulog na ang blu!

 

monday july 20, 2009

6:30 am gising na ang blu…nakatingin sa pudpod na pencil

kanina ko pa tinititigan ang pudpod na pencil. bakit kaya, of all the the things na meron si Marika, eh yun pa ang ibinigay nya?

hanggang ngayon palaisipian pa rin sa akin ang bagay na ito? una, hindi naman kasi naging ugaling magbigay ng batang ito ng kung anu-ano….hmmmm..

is there something happening in my life na i am not aware of?

Mensahe?

ano?

ikaw….oo, ikaw nga!

ano sa palagay mo?

 

Nai-post sa blu, pencil | 34 mga puna